CHAPTER 67 : KISS MARK

93.7K 1.9K 194
                                    

CHAPTER 67 : KISS MARK

RHEA POV

Nagising ako na may nakadagang braso sa tiyan ko. Uminat ako ngunit agad na nanigas nang maramdamang may katabi ako. Lumingon ako at nakita ko ang natutulog na si Delgado. Napatulala ako sa mukha niya, laglag ang panga.

Anong ginagawa niya rito? Inalala ko kung saan ako huling nakatulog. Ang alam ko ay sa sofa. Eh, ba't nasa kama na ako ngayon katabi ang hinayupak na nilalang na 'to?

Dahan-dahan akong umusog palayo sa kanya para hindi siya magising. Ano ba ang dapat gawin kapag nagtatampo? Di ba dapat ay lumayo? Tama. Lalayo ako. Mga two meters.

Pero wala pa nga atang one meter ang nalayo ko ay hinila na ako ng braso niya at kinulong sa kanyang bisig. Sumubsob ako sa dibdib niya at dinantay naman niya ang kanyang binti sa binti ko.

"Wala kang kawala." Bulong niya sa tainga ko.

"G-gising ka?"

"Nope. Nananaginip ka lang habang kinakausap kita."

Inangat ko ang tingin ko. Nakapikit siya nung una. Marahil ay naramdaman niya akong nakatingin kaya dinilat niya ang isa niyang mata. Napasinghap ako. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"Problem?" Tanong niya. Para ngang kakagising lang niya dahil masyadong husky ang kanyang boses. Husky? Eww. Kadiri.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Natutulog. Hindi ba obvious?"

Lumaki ata ang butas ng ilong ko dahil nagsisimula na akong mainis. "Gusto mong patulugin kita habambuhay? Nakakairita."

Sumubsob siya sa leeg ko. Tinulak ko ang noo niya. "Ano ba?"

"Naglalambing lang." Ungot niya.

Naglalambing? Ulol. Umirap ako habang pinagpatuloy ang pagtulak sa kanya. Ngunit hindi maipagkakailang mas malakas ang kumag na 'to kaysa sa akin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko gamit ang dambuhala niyang kamay. Imagine, kaya niyang hawakan ang magkabilang pulso ko ng isang kamay lang ang gamit. Sisipain ko sana siya pero inipit niya ng kanyang binti ang mga paa ko. Muntik na akong mapamura. Isa na lang ang choice ko. Ang kagatin ang kamay niya para makawala ang mga kamay ko.

Pero bago ko pa maibuka ang bibig ko ay lumanding agad ang labi niya sa akin. Nanlaki ang mata ko. "No biting." Bulong niya sa bibig ko.

Pumikit ako at pilit na nagpumiglas. Nang makakawala na ako ay dumagan naman siya sa akin.

"Argh!" Tumigil muna ako sa kakapalag. Tumawa naman si Delgado.

"Pagod na?"

"Bwisit ka. Umalis ka dyan sa ibabaw ko. Tutuhurin kitang manyak ka." Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Galit ka na naman, beh."

Umusok na ng tuluyan ang ilong ko nang marinig ang nakakainis na pantawag niya sa akin. "Huwag kang mag-'beh' dyan! Hindi ako galit." Umiwas ako ng tingin at ngumuso.

"Ano lang? Tampo?" Hindi ko siya pinansin. "Bati na tayo."

I'm pissed. Tinignan ko siya habang nakakunot ang aking noo. Gano'n? Gano'n lang 'yon? Nakakainis yung naghintay ako magdamag sa text niya tapos umiyak pa ako kanina. Ngayon isang sabi lang ng 'bati na tayo', okay na agad? Manigas siya.

Inirapan ko siya. "Fine. Sa susunod hindi na lang ako mag-t-text. Wala naman palang magrereply kahit may load at hindi naman lowbat."

Napatulala siya sa akin ng matagal. Huminga siya ng malalim pagkatapos.

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon