CHAPTER 43 : WEIRD

106K 2K 193
                                    

RHEA POV

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hilig ng mga babae ang pag-s-shopping? Yung tipong lahat na lang ata ng botique sa mall ay pupuntahan para lang makakita ng type nilang damit. Tipong hindi sila nakakaramdam ng pagod, sakit sa paa at pagkagutom habang nakakakita ng mga brand new clothes. At ang mas pinagtataka ko, ba't hindi ako gano'n? Ba't hindi ko type ang ganitong hobby ng mga babae? Nagdududa talaga ako. Baka naman nagkamali lang si Papa sa pag-check ng gender ko sa birth certificate?

"Rhea! Bagay sayo 'to, oh!" pinakita ni Shai ang tatlong pares ng damit sa akin at iwinagayway iyon. Sobrang tuwa niya. Ngumiti ako ng alanganin. Nung sinipat ko yung mga damit, tahimik akong napaungol.

Hindi ko alam kung anong tawag sa mga ganyang damit. Parang dress pero short ang pang-ibaba. Oh, my gosh. Clueless talaga ako sa fashion trends. Napasimangot ako lalo nang makita na ang iikli ng mga 'to. Yung isa, shorts pa . Eew . Kailan pa ako nagsuot ng shorts?

"Ito pa, oh. Bagay din sayo." may pinakita na naman siyang damit sa akin. Pigil na pigil akong irapan siya. Eh kasi naman! Lahat na lang bagay sa akin. Kulang na lang bilhin niya 'tong buong mall para ipakita yung mga damit na bagay 'raw' sa akin. Naloloka na ako. Pwede na nga akong malunod dahil pinapaliguan niya ako ng sangkaterbang damit. Nung weekend, halos mapuno namin ng shopping bags ang sasakyan ni Delgado. Tapos nung Monday at Tuesday, pinupuntahan niya ako sa bahay para dalhan ng kung anu-anong mamahaling accessories. At eto nga, wednesday at maaga ang dismissal , niyaya niya na naman ako mag-mall. Ako naman si tanga sumama dahil ang sabi ni Shai, kakain daw kami. Malay ko bang damit ang ipapakain niya sa akin! Muntik ko na mapagkamalang food court ang department store. Tss. Mautak din 'to, eh.

"Sukat mo na dali . Tapos do'n naman tayo sa shoe section . May nakita akong stilleto na babagay sa paa mo ." pumalakpak siya na tila sobrang excited . Tumawa lang ako at pumalakpak rin na kunyari excited .

Pagkasara na pagkasara ko ng pintuan sa fitting room , nag-make face ako.

"Nye. Nye. Bagay sayo 'to. Bagay sayo 'yan. Ito pa. Ito rin. Lahat na lang bagay sa'yo. Takte. Maging bagay nalang kaya ako para hindi hindi na ako nahihirapan ng ganito. Ang hirap maging tao. Bwisit." bulong ko habang padabog na inaalis sa hanger ang mga damit.

Pero ano namang magagawa ko? Kahit naman gusto kong barahin si Shai, hindi ko magawa dahil ginagawa niya lang naman ito para sa ikagaganda ko. Wow naman. Parang may ganda pa akong ilalabas.

Napakamot ako sa aking kilay. Nagkandabuhol-buhol ang mga straps n damit na isusukat.

"Paano ba isuot 'to?" inis kong tanong. Wala kasi nito sa kabundukan ng mga amasona. Pwede bang bahag na lang? Talaga naman! Nakakainis ang kaartehan ng nag-design ng damit na 'to.

Marami pa akong naisukat at lahat ng iyon binili ni Shai. Bakit kaya kailangan ko pang magsukat? Nakakapagod, eh. Pwede namang ideretso nalang sa cart.

Pagtapos ng isang oras (na feeling ko isang dekada na ang lumipas) , napunta kami sa shoe section. Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga hawak na sapatos ni Shai at ng saleslady.

"Try mo 'to, oh. Pampractice natin." inilahad niya sa akin ang nakakamatay na sapatos. Paano ko nalamang nakakamatay? Simple lang, yung takong na mataas at patulos ang dulo. Deadly weapon talaga ang dating. Tingin ko ay hindi ako makaka-survive pag sinuot ko 'yan. Kawawa naman ang paa ko!

"Ilang. . .inches ba 'yan?"

"Three lang 'to. Since nakapag-start ka na magsuot ng two inches, three na ang susunod. Then, pag medyo marunong ka na magbalance, pataas na ng pataas ang heels. Pipili na rin tayo ng four, five and six inches na heels."

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon