CHAPTER 83 : FIRST TIME WITH YOU

81.5K 1.9K 206
                                    

CHAPTER 83 : FIRST TIME WITH YOU

RHEA POV

Tinungo namin ang White Beach sa unang araw namin. Expected na medyo marami ngang tao rito pag bakasyon pero hindi naman kabawasan sa ganda ng isla. Isang oras palang kaming naglulunoy sa dagat ay namumula na ang balat naming dalawa ni Delgado kaya umupo muna kami sa buhanginan. Gumagawa ako ng sand castle pero ang kumag walang ibang ginawa kundi ang gibain 'yon. Pigil na pigil akong batuhin siya ng buhangin sa mukha.

"Ano ba? Gumawa ka nga ng iyo." Hahampasin ko sana siya pero nahinto sa ere ang kamay ko. Tinawanan lang ako ni Delgado.

"Maligo na kasi tayo ulit." Tinuro niya ang dagat. Nagbuntong hininga ako.

"Sobrang init pa kaya."

"Expected na dapat 'yon, di ba? Takot ka mangitim?"

"Hindi, 'no. Naiinitan lang talaga ako."

"Sorry naman, beh. Tiis-tiis lang. Kasama mo ako, eh." Ngumisi siya sa akin. Napasimangot ako.

"What do you mean by that?" Ba't pakiramdam ko ay parang ang yabang na naman ng kupal na 'to?

Tumawa lang ulit siya. Hinila niya ako patayo at nagpatianod na lang ako. Gusto ko mang gyerahin siya ay todo-todo ang pagpipigil ko. Kahit ang sarap-sarap niya ng bigwasan ay napapatigil na lang ako. Babawi talaga ako pagtapos ng bakasyon namin dito.

"Saan tayo?" Ang akala ko ay maglulunoy na naman kami sa dagat pero tinuro niya ang store ng mga salbabida. "Anong gagawin natin dyan? Don't tell me bibili ka ng salbabida?"

"Ano namang masama kung bumili?" Nakangisi na naman siya ng nakakaloko. Muntik na akong mapairap.

"Marunong ka naman lumangoy, ah?"

"Pag marunong lumangoy bawal na bumili ng salbabida?" Napasimangot ulit ako sa sagot niya. Parang bata naman 'tong kasama ko.

Hinintay ko siyang makapamili at inabala ko ang aking sarili sa pagtingin ng mga nakadisplay na shells ng store. Bumalik siyang may bitbit na dalawang malaki at pahabang mga salbabida na hugis shark at dolphin.

"Alin sayo?"

Kinuha ko ang dolphin. "Ang laki naman nito. Anong trip mo?"

"Manakot tayo ng mga foreigner. Kunyari may shark."

Natawa ako. "Baliw."

Bumalik kami sa dagat. Napunta kami sa malayo at malalim na bahagi dahil inaalon ang mga salbabida. Nakasakay ako sa dolphin at tawa ako ng tawa kasi pinipilit niyang ilubog yung salbabida shark para manakot ng mga bata pero nabobohan ako sa kanya kasi salbabida nga, di ba? Paano lulubog?

Paglipas ng isang oras ay umahon na kami. Napansin ko ang pagbabago sa balat ko at napabuntong hininga na lang. Isang araw palang pero natusta na agad ako, paano pa sa mga susunod na araw?

Nakaakbay sa akin si Delgado habang umiinom ako ng buko juice at abala naman siya sa pagtingin ng maaari naming puntahan sa brochure na binigay sa resort.

"Let's try parasailing?"

Napatingin ako sa taas. "But it's too hot."

"Sorry na nga talaga, beh." Natatawa niyang sabi. Hindi ko na napigilan at kinurot ko na siya sa tagiliran. Hay! Hindi ko talaga kayang hindi siya sadistahin lalo na pag tinamaan siya ng kayabangan at pagiging maloko.

"Bukas na lang. Saang beach ba 'yan?"

Nagkibit-balikat siya. "Bulabog Beach. Malapit lang naman pero kung ayaw mo talaga, I guess, bukas na nga lang. What about this?"

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon