CHAPTER 45 : THEMESONGS AND UNRECIEVED GIFTS

113K 2K 413
                                    

RHEA POV

"Nakakainis ka naman, Shai! Ba't mo naman ako binigay sa bakulaw na 'to? Akala ko ba marami ka pang ituturo sa akin? Make-up na lang ulit tayo!" nag-aalboroto ako habang kausap ko si Shai gamit ang cellphone ni Delgado. Nandito ako ngayon sa sasakyan ng kumag na si Ren na may kung ano atang nasingot at inaya akong mag-date. Date. Naiintindihan niyo ba? Date raw!

Tinapunan ko si Delgado ng matatalim na tingin pero sumisipol-sipol lang ang walang hiya at prenteng prente sa pag-d-drive. Inirapan ko siya.

"Eh, kasi po, nakakakonsensya naman na hindi pagbigyan si Harris-"

"Anong nakakakonsensya? Saan ang nakakakonsensya ro'n?" kulang na lang ay magbuga ako ng apoy sa init. Umuusok na ang ilong ko dahil kumukulo na ng bongga ang dugo ko sa mga nangyayari.

"Di ba nitong mga nakaraang araw ako ang nakakasama mo? Humiling kasi ako kay Harris na kung pwede ako ang tumutok sa step three which is pinayagan niya naman ako. Ngayon lang siya humingi ulit ng favor kaya hindi ko magawang tanggihan. It's blood over everything. Sorry."

Napairap ako ulit. "Naisip mo bang-"

"Come on, Rhea! I-enjoy mo na lang ang date mo with him. Gentleman naman 'yan. Tingin ko naman hindi ka niya pagbabayari sa first ever decent date niyo. Ano ka ba? Huwag ka ng mag-freak out dyan. Sayang naman yung pag-aayos ko sayo kung ma-i-stress ka lang. Ang wrinkles, Rhea."

Gentleman? Kailangan ko na ba tumalon sa building dahil sa sinabi ni Shai. At oo, siguro hindi niya nga ako pagbabayarin ng mga kakainin namin. Paghuhugasin lang siguro ako ng plato. First ever decent date? O first ever disaster for this month?

"At. . .huwag masyadong negative, please. Like I said, i-enjoy mo ang araw na 'to. Kung pwede sakyan mo na lang si Harris." tumikhim si Shai. "Rheababe, pagbigyan mo na siya, okay? Ayaw mo ba nito? Yung may pahinga ka ng kahit ilang oras? Medyo stress din 'yan si Harris. Hindi niya lang pinapahalata sayo. Tingin ko ay wala rin siyang balak aminin o sabihin iyon sayo kaya pagbigyan mo na lang siya ."

Napatingin ako saglit kay Delgado. Wala naman akong makitang sign na stress ang kumag na 'to? Pinagloloko lang ba ako ni Shai.

"Parang hindi naman, eh." sagot ko kay Shai.

Sinulyapan ako ni Delgado. Ngumisi ang loko. "Why are you staring? You find me attractive?"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "I find you stupid. Magdrive ka na nga lang dyan." bulyaw ko sa kanya.

Napailing siya habang humahagikgik.

"Hey, you two, nag-aaway na naman kayo? Ano ba naman 'yan? Pwede bang paki-pause muna ang endless war niyong dalawa? Ang sabi ko mag-enjoy kayo, hindi yung in-stress niyo ang isa't-isa. Nananakit ang ulo ko sa inyo." reklamo ni Shai.

"Ginogoyo mo lang ata ako, eh. Hindi naman siya mukhang stress." sabi ko naman.

Humalukipkip ako habang nakatingin sa daan. Mukha ngang tuwang-tuwa pa ang lokong 'to.

"Eh hindi mo naman talaga makikita iyo kasi manhid ka."

Napanganga ako. What the heck did she just said? "W-what?"

"Wala. Ang sabi ko, ang ganda mo ngayon at huwag mo na papangitin ang sarili mo sa pag-iisip ng kung anu-ano. Sige na. Ba-bye na. Huwag mo na awayin ang pinsan ko, okay?"

"Wait la-" binabaan niya na ako. Napatingin ako sa iPhone ni Delgado.

"Anong sabi ni Shai?" tanong niya.

"Ang sabi, huwag na raw kita awayin. Like, err, para namang hindi tayo sanay na nag-aaway."

"You know what? Tama naman ang pinsan ko, eh. Dapat hindi na tayo nag-aaway. Saka, di ba, pag ganitong tayong dalawa na lang ang magkasama, dapat hindi tayo nag-aaway?" bumalik ang nakakaloko niyang ngisi. Umingos ako para hindi niya makita ang biglang pamumula ng mata ko.

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon