CHAPTER 42 : STYLE

101K 2.1K 202
                                    

RHEA POV

This is just a dream! I'm just dreaming! Hindi ito totoo. Nilalagay na ni Shai ang mga favorite shirts ko sa basurahan!

"Huwag!" pinigilan ko si Shai. "Sayang naman 'yan, Shai! Original lahat 'yan!" sigaw ko.

Nangasim ang mukha ni Shai habang nakatingin sa mga damit ko. Hindi naman mabaho ang mga 'to, ah!

"Rhea, kailangan natin 'yang itapon. I won't let you wear those clothes again. Pinagbigyan na kita habang wala ako, di ba? Itatapon na natin 'to. Sagabal lang sila sa closet mo-"

"Ehhh! Sayang talaga! Mga fave ko 'yan, eh!"

Huminga siya ng malalim at humalukipkip. "Rhea, sisiguraduhin ko na iba na ang magiging favorite style mo. Hindi na pang-baduy at pang-jejemon. Kaya itatapon na natin 'to. Ibabaon na natin sa limot ang style na gusto mo. Clear?"

Hindi. Hindi ko talaga matanggap. Anong clear? Walang maliwanag sa akin. Mga damit ko naman 'yon, ah! Nakakapanghinayang itapon. Ba't hindi na lang itago?

At grabe! Ang sakit sa tainga masabihan ng baduy at jejemon. Pero kahit gano'n, minahal ko yung mga damit na 'yon. As in! Ilang years ng gano'n ang style ko, eh. Ngayon lang ako nakapagproblema ng ganito. Ang sakit malait, ah!

Eh, wala naman din akong magagawa kung ang lalait na sa style ng pananamit ko ay si Shai na. What the hell talaga, eh! Wala akong panama. Professional stylist at fashion designer ang isang 'to. Eh, ako? Isang hamak na jejemon sa paningin niya! Ang sakit sakit.

Wala na akong nagawa. Pinanood ko na lang si Shai sa pagbibitbit ng mga damit ko.

"Shai, baka pwedeng itago mo na lang? Ang sakit kasi makitang tinatapon lang yung mga damit na 'yan." malungkot kong sabi. Oo, nagdadrama ako. Ngayon na lang ulit. Kasi naman, eh. Hindi ko talaga matangap na sa dump site lang pupulutin ang mga damit kong 'yan. Hindi ko naman iyan ma-d-donate sa mga bata kasi masyadong malalaki iyan at oversize pa.

Tinignan ako ni Shai ng matagal at itinaas niya ang kanyang kamay tanda ng pagsuko. "Okay. Fine. You won."

Halos mapatalon ako sa tuwa. Napapalakpak na rin ako. Para akong nanalo sa lotto. "Yehey!"

Napangiti si Shai. "Si Rhea, parang bata. Basta ako magtatago, ah. Hindi ko sasabihin sayo kung saan kasi baka pilitin mong kunin."

Napasimangot agad ako. Ayy. Gano'n? "Eh, paano naman ako makakasiguro na hindi mo nga itatapon. Mamaya sabihin mo sa akin tinago mo lang tapos tinapon mo na pala." tinaasan ko siya ng kilay.

Natawa siya. "Ang utak mo talaga. Iniisip ko nga 'yan, eh."

Pinaningkitan ko siya ng mata. Nag-thumbs up siya at kumindat sa akin. "Rest assured, Rheababe. Hindi ko itatapon. Kuktsabahin ko pa si Harris kung gusto mo."

Nilagay niya sa gilid ang mga damit ko. Pagtapos ay hinarap niya ako. May kinuha siyang dalawang paper bag na nakalapag sa couch.

"Here." inabot niya sa akin ang isang paper bag.

"Ano 'to?"

"Bath soap, scrub, shower gel, lotion, facial wash and wax cream for you! Binili ko iyan sa Paris. Na-try ko na 'yan at rest assured, super effective!"

Gusto ko siyang irapan ng paulit-ulit. Hindi ako sanay sa ganitong kaartehan, eh. Hindi ko pa nga nauubos yung unang pinamili namin bago siya umalis.

Kinalikot ko ang laman ng paper bag? Ano 'tong scrub? Bakit parang asin? Edible ba 'to? Okay. Alam kong napaka mangmang kong tao. At etong wax? Para sa buhok ba 'to?

"Para saan 'to?" itinaas ko ang wax na pabilog ang lalagyan. "Saka ito? Paano 'to gamitin?" Tinaas ko rin yung scrub na parang iodize salt.

"Oh. Em. Gee. Hindi mo alam gamitin 'yan?" windang na windang si Shai dahil hindi ko alam gamitin ang mga ito. Hello? Magtatanong ba ako kung alam ko? Hays. Kung hindi lang siya mabait, baka binara ko na siya ng paulit-ulit.

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon