CHAPTER 68 : BITTER

85.5K 2K 229
                                    

CHAPTER 68 : BITTER

This chapter is dedicated to Hazel Faye (leesoofaye)

-

RHEA POV

"Pumunta sa bahay si Coby?" Nanlaki ang aking mata at napatuwid ako ng upo. "At tinaboy mo siya?"

Tumango si Delgado na parang wala lang ang ginawa niya. Siraulong 'to!

"Delgado, paano mo tinaboy?" Kinakabahan kong tanong.

"Sinapak ko, tinadyakan ko tapos tinapon ko palabas ng bahay niyo." Ngumisi pa siya. Napasinghap ako. Pinalo ko siya sa ulo.

"Ginawa mo 'yon?" Malakas na sigaw ko sa kanya. Nawala ang kanyang ngisi. Bigla sumimangot at tinignan ako gamit ang naniningkit niyang mga mata.

"Ikaw naman, beh. Nag-away lang tayo, sa kanya ka na naman tumakbo. Ikaw ata 'tong gusto makaganti agad. Binalak mo bang pagselosin na naman ako ng todo?"

Nalaglag ang aking panga sa sinabi niya. "H-hoy! Ang kapal mo naman talaga! Ba't naman kita pagseselosin?"

"Eh, ba't ang sabi niya sa akin tinawagan mo siya kagabi kaya pumunta siya kanina? Paki-explain in twenty words only."

"Gusto mong masakal?" Pinanlakihan ko siya ng mata. "Tinawagan ako ni Artemis dahil hindi niya nadatnan si Coby sa bahay nila nung umuwi siya. Tapos nalaman niyang dalawang araw ng hindi umuuwi si Coby at walang nakakaalam kung saan 'to nagpunta-"

"Beh, lagpas ka na ng twenty words-" Piningot ko ang kanyang tainga para magtigil siya. Napadaing siya.

"Manahimik ka muna dyan at makinig ka! Dami mong sinasabi. Saksakin ko ng tinidor 'yang ngala-ngala mo, eh!" Nagpatuloy ako sa pag-i-explain. "So, ayun nga. Hindi nila alam kung saan pumunta si Coby. Walang nakakaalam. Sinabihan niya ako na kung sakaling magtext o tumawag sa akin ang kapatid niya, ipaalam ko kaagad. Kaya ko siya tinawagan."

Ngumuso ang kumag at hindi makatingin sa akin. "Anong pinag-usapan niyo?"

"Wala! Hindi naman niya sinagot, eh!" Umingos ako. "Ikaw nga rin hindi sumagot sa tawag ko. Huwag ka ngang patay-malisya dyan. Kung sinagot mo ang tawag ko, eh di sana kagabi mo pa alam 'to."

Napamaang siya sa akin. "Ba't napunta sa akin ang usapan? Beh naman. . ."

Pinanlakihan ko muli siya ng mata. Kinuha ko ang tinidor at ambang tutusukin siya. "Kakagigil ka kasi, eh! Bakit mo ginawa 'yon kay Coby?"

"Naniniwala ka bang magagama ko 'yon?" Kunot-noo niyang tanong sa akin.

Tinitigan ko siya ng matagal. "Don't tell me you're just joking?"

Ngumiti siya sa akin ng matamis. "Sorry."

"Argh!" Inabot ko ulit ang kanyang buhok at sinabunutan siya. Tumawa naman ng malakas ang damuho. "Bakit ba nagpapauto ako sayong bwisit ka?"

"Kasi mahal mo ako." Hinawakan ni Delgado ang kamay kong nasa buhok niya. Pilit niya iyong tinanggal at wala akong nagawa sa lakas niya. Nakangisi na siyang muli sa akin.

"Anong ginawa mo nung dumating si Coby?" Halos umusok na ang ilong ko sa inis sa kanya. Napakagaling talagang mang-asar. Gusto ko na siyang ibitay. Naiimagine kong nag-away sila. Nagbugbugan, gano'n.

Napailing na lang ako. Ang kapal naman ng mukha ko para isiping gano'n nga ang nangyari. Abot na ba ang haba ng buhok ko sa tawi-tawi?

"Wala naman akong ginawa. Sabi niya lang tinawagan mo siya kaya siya pumunta. Tulog ka no'n. Alangan namang gisingin pa kita para makapag-usap lang kayong dalawa? No way. Kaya tinanong ko na lang siya ng 'anong gagawin ko.' Syempre with sarcasm 'yon dahil inis ako sa mukha niya-"

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon