CHAPTER 78 : INVITATION

78.4K 1.7K 104
                                    

CHAPTER 78 : INVITATION

RHEA POV

"You want to go somewhere?" Tanong ni Delgado pagtapos kong isara ang laptop ko. Kakatapos lang ng daily lesson ko minutes ago. Nakauwi na rin si Shai. Nakapag-post na rin ako sa blog ko. May panibagong assignment si Shai sa akin at iyon na lang poproblemahin ko bukas.

Nakakapagtaka nga na hindi pa nagbibigay ng test si Shai. Tapos na namin ang tatlong parts at nasa kalagitnaan na ng pang-apat pero wala pa siya binibigay na actual test. Weird. October 9 na ngayon. Mabilis na lumipas ang mga araw. Na-i-stress nga lang ako dahil hindi madali ang step na 'to. Yung mga assignment ni Shai, pinipilit ko talaga i-survive. Pero pakiramdam ko ay tagilid pa rin ako sa Step 6. Wala sa characteristics ko ang pagiging friendly.

Nilingon ko si Delgado na nakapangalumbaba sa mesa at nakatitig sa akin. Pinamulahan agad ako ng mukha. Mabilis akong umiwas ng tingin. Huminga ako ng malalim. Hindi pa rin ako nasasanay sa malalalim niyang titig. Sa tuwing madadatnan ko siyang nakatingin sa akin, bumibilis ang kalabog ng puso ko at nako-conscious ako sa itsura ko. Tinabi ko ang laptop ko sa case bago umupo ng maayos.

Laging ganito ang scenario sa tuwing matatapos kami ni Shai. Parating naghihintay si Delgado na matapos kami. Hindi naman siya nanggugulo at nagpapaka-invisible na lang sa isang tabi para hindi maka-distract. Pag natapos na, he'll have his turn. Dito na lang kami parati sa sala tumatambay. At least, hindi kami kinakabahan sa tuwing may sisilip sa kung ano ang ginagawa namin. Isa pa, ayoko namang mag-isip ng kung ano ang mga tao rito sa bahay tungkol sa aming dalawa.

Napatingin ako sa orasan. 6 palang. Himala. Maaga kaming natapos ngayon.

"Beh, sagutin mo naman ako." Ungot niya. Inalis niya ang pagkakapatong ng kanyang baba sa palad niya at inabot ang kamay ko. He pouts. Pinisil-pisil ng marahan ang kamay ko. "Ayaw mo ba?"

Tumikhim ako. "Saan ba tayo pupunta?"

"Sa mall?"

"Gabi na para magmall."

"May mall namang malapit. Promise, babalik din tayo agad." Mukhang gusto niya talagang umalis kami. Unti-unti na akong bumibigay. Napabuntong hininga ako. Lately, napapansin kong hindi na ako gano'n kalakas para i-resist o reject ang gusto niya. Lalo na pag nag-'please' na siya. I don't know if it's a good thing or bad. Nakakapanibago pero maluwag sa dibdib pag napapagbigyan ko siya. Pag nakikita kong kumikislap na ang mata niya sa tuwa, pakiramdam ko I made the right decision.

"Ano gagawin natin sa mall?"

"I just want to eat with you. Treat you outside , then play with you sa Timezone just like the old times." He grinned sheepishly. "Nakakamiss, eh."

Tumikhim ako at tumingin sa sahig. Now, how can I say 'no' to that? Kahit nga ata pag-iling ay hindi ko magagawa.

"S-sige. Akyat ko muna 'tong laptop tapos kunin ko lang wallet ko."

Kumunot ang noo niya. "I'll treat you."

I glared at him. "Dyan ka lang."

Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya. Lumabas na ako ng living room at umakyat sa kwarto ko. Wala pang limang minuto ay nakababa na ako. Naghihintay na siya sa baba ng hagdan.

"Let's go?"

Tumango ako. "Paalam muna ako kay Kuya."

Tinungo ko ang entertainment room kung saan nando'n si Kuya Roy at naglalaro ng x-box mag-isa.

"Kuya, aalis muna kami ni Del-I mean, Ren. Punta kami sa mall sandali. Pag nauna umuwi si Papa, sabihin mo sa kanya, ah?"

"Okay." Sagot niya nang hindi man lang lumilingon sa akin. "Tell Ren to bring you home unscathed."

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon