Chapter 37 - Everywhere

558 19 4
                                    

****Madami ba kinilig sa Chapter 36? Pwes mag-ready na kayo at mas kikiligin pa kayo sa Chapter na ito :')

Enjoy Reading Guys :')

************

" Everywhere "

- Shayne's POV -

Matagal bago naghiwalay ang mga labi namin ni Daniel. Sobrang namumula mukha ko ngayon. Kakulay ko na yata ang kamatis sa kapulahan. Humarap ako sa tropa pagkahiwalay na pagkahiwalay ng labi namin ni Daniel kahit na pulang pula ang mukha. Iniisip ko pa lang kung ano ang magiging reaction nila sa eksenang nangyari kanina pero laking gulat ko na lang na ganito ang nakita ko sa mga mukha nila.

0_0 <- Mukha nina Alwyna. Yung iba nakanganga pa.

-__- <- Renz at Nicko

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi sa mga itsura nila. Kasalukuyan na kaming naglalakad papunta sa kanila. Ganon pa din ang reaction nila. Pinipigilan ko na nga lang ang sarili ko na tawanan sila at baka magkatampuhan pa kami. Mahirap pa naman huminge ng tawad sa to! Ang dami nilang alam! -__- Bumalik lang sa katinuan ang tropa nang magsalita si Daniel.

" Isasara din kasi ang bibig. Baka mamaya, may tumulo na dyan. " Sabi ni Daniel nang makaupo na siya. Kagaya kanina, magkatabi ulit kami.

Dahil sa narinig ay biglang kumuha ng tissue ang tropa at ipinahid sa kanilang bibig. Hindi ko na din napigilan ang sarili ko. Bigla na lang ako tumawa ng pagkalakas lakas.

" Hahahaha! " Napahawak ako sa tiyan ko.

" Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba? " Pagtataray ni Mhel na kasalukuyang nagpupnas ng tissue sa bibig. Patuloy lang ako sa pagtawa.

" Hahaha. . Paanong hindi ako matatawa sa inyo eh lahat iisa ang reaction ! Maliban lang kay Renz na as usual, sa mga ganitong sitwasyon ay napakaseryoso. "

" Paano kami hindi mapapanganga kung kitang kita namin ginawa ni Daniel sayo? " Sabi ni Mimi na inilagay sa table ang ginamit na tissue.

" Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano ka nag-response sa halik niya. " Sabi ni Alwyna at saka tumayo papunta sa stage. Lumapit siya sa Dj at kinausap itog

" Ayaw pa kasi aminin sa amin. Halatang halata na may namamagitan na sa inyo ni Daniel. " Singit naman ni Grace na nag-ayos ng upo.

" W-walang namamagitan sa amin no! " Nilingon ko si Daniel at tingnan sa mata para sabihin na tulungan naman niya ako sa pag-eexplain. Kaso wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Haist! Bahala na!

" Anong wala? Hindi ako naniniwala sayo! " Sabay sabay nilang sinabi sa akin. Halos pasigaw pa nga ang pagkakasabi niya. Kawawa naman ang eardrums ko kapag nasira nang dahil sa sigaw na yan! -__-

" Eh sa wala naman talagang namamagitan sa amin! Kung ayaw niyo maniwala, di wag! " Pagtataray ko sa kanila. Ayaw ko munang sabihin sa kanila na nililigawan na ako ni Daniel.

Saka ko na lang sasabihin kung sino nga ba ang itinitibok ng puso ko kapag sigurado na ako.

Nakita ko naman na nakangisi na ang tropa. What the heck! Mukhang may binabalak ang mga to ha! -__-

" Heto na ang drinks niyo! 1 bucket for the boys and vodka for the girls. " Sabi ni Nicko ng nakangiti kaya naman itong sina Mhel, namula agad ang mukha.

" Balik muna ako sa counter. May aasikasuhin lang ako. Just call me kapag may kailangan pa kayo. " Sabi niya sa amin sabay lakad pabalik sa counter. Pero bago siya umalis ay nagawa pa niya akong kindatan. Ang cute niyang tignan! >///< Para hindi mahalata na namumula na naman ang mukha ko, agad ko namang kinuha ang sinerve niyang vodka sa amin. Ininom ko ito bigla.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now