Chapter 36 - Jealousy!

531 20 4
                                    

Enjoy reading guys :')

*************

" Jealousy "

- Shayne's POV -

Pagkakuha ko sa bouquet ay nagulat ako sa sumunod na nangyari. Akala ko hanggang sa pagbibigay lang ng bouquet yung gagawin ni Nicko. Nagulat na lang ako ng unting unti niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko at naririnig ko naman ang tropa na sumisigaw pero hindi ko maintindihan kung ano ito.

" N-nicko. . B-bakit mo . . " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinalikan. It was a soft,warm and passionate kiss na punong puno ng pagmamahal. I found myself na nagreresponse na lang sa mga halik niya. Pero parang may mali sa halik na yun? Parang hindi ito yung halik na gusto ko.

Lalong nagtilian ang mga tropa. Ewan ko ba kung bakit ganoon ang reaction nila. Daig pa nila ko kung kiligin.

Ilang minuto din nagtagal ang halikan naming dalawa. Aaminin ko kinikilig ako sa ginagawa niya ngayon at ramdam na ramdam ko na sobrang namumula ang mukha ko.

" First Kiss ko yang ninakaw mo. So treasure it " Sabi niya sabay kindat sa akin.

Tinusok tusok ni Mimi ang tagilaran ko. Kahit na napapaaray ako sa ginagawa niya, alam ko na pati siya ay kinikilig din.

" Grabe lang tol ha? Haba ng hair! Kinabog mo pa kami! " Sabi ni Mimi na patuloy pa din sa pagsundot sa tagiliran ko.

" A-aray naman! " Hindi ko na napigilan ang hindi sumigaw. Masyado kasing matalas ang mga kuko niya. =___=

" Sorry naman! Nakakakilig kasi naman ang ginawa ni Nicko eh! Di ba guys? " Sigaw ni Mimi sa tropa.

" 100% kilig kamo! " Sabay nilang sigaw sa akin. Halos mabinge naman ako sa sigaw nila.

" Parang kinantahan ka lang kinikilig ka na agad! " Sabat ni Daniel sa usapan. Kitang kita ko na ngayon na napakaseryoso ng mukha niya. Pinaghalong galit at selos ang nakikita ko sa mga mata niya. Bigla ako nakaramdam ng takot. Mukhang may mangyayaring hindi maganda.

" Selos ka lang eh! " Sigaw ng tropa sa kanya. Nag-umpisa na namang mangtrip ang mga to. Kung nakikita lang nila ang emosyon sa mga mata ni Daniel ngayon.

" Bakit naman ako magseselos kung kaya ko naman higitan ang ginawa ni Nicko kanina! " Sabay tingin ng masama kay Nicko. Parehas silang nagpalitan ng masasamang titig. Kung walang aawat sa mga to, magkakaroon ng malaking gulo! <(>.<)>

" Inggit ka lang kasi, pre kaya ka nagrereact ng ganyan. " Sigaw ni Nicko mula sa bar counter. Naghahanda siya ng drinks namin.

" Kapal din naman ng mukha mo para mainggit ako sayo. " Sagot ni Daniel kay Nicko.

Napansin ko naman na biglang tumayo si Alwyna mula sa kinauupuan niyang stool. Siguro naramdaman na niya ang tensyong namumuo sa pagitan nina Daniel at Nicko at syempre gusto din niya siguro makaiwas sa posibleng maipit sa sa susunod na mangyayari. Pumunta sa pwesto namin si Alwyna at umupo sa tabi ni Renz. Sa pinakaduo.

" Hoy! Alwyna! Napakadugas mo talaga! Bakit mo sinabi kay Nicko na favorite band ni Shayne ang New Found Glory at mahiig siya sa mga punk rock songs ha? " Sigaw ni Peter kay Alwyna. Kasalukuyan akong nakatingin kay Daniel na nasa stage at kinakausap ang Dj. May binabalak din bang gawin si Daniel na ikakagulat ko?

" Hahaha! Ganoon talaga, Peter! Eh sa makulit yang pinsan ko eh! Lagi akong kinukulit tungkol dyan kay Shayne! Akala ko nga magiging torpe na lang habang buhay yang pinsan ko eh! Kung gaano siya makipagharutan at makipaglandian sa mga fans at nakakaloveteam niya, siya din namang katorpehan niya sa pag-ibig. " Natawa ang lahat sa sinabi ni Alwyna maliban sa akin.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now