Chapter 40 - What the f*ck!

493 15 0
                                    

****Ginawa ko na agad ang chapter na ito pagkapost ko ng Chapter 39 Part 2 :') Malapit lapit na itong matapos :')

Enjoy reading Guys :')

***********

" What the f*ck! "

- Shayne's POV -

Saka lang ako natauhan nang lumalalim na ang halik ni Kris at ang kamay niya, nararamdaman ko na ipinapasok na niya sa loob ng tshirt ko kaya naman naitulak ko siya ng ubod ng lakas. Nakita ko naman sa mukha niya ang pagkagulat.

Agad naman akong tumayo para ayusin ang sarili ko. Bumalik na naman ang kabang naramdaman ko at galit sa kanya. Kinuha ko na agad ang bag ko na nahulog sa sahig at nag-umpisang maglakad palabas ng bahay.

Hindi pa ako nakakarating sa pinto ng biglang sumigaw si Kris.

" Don't deny to yourself, Shayne! Alam kong mahal mo pa ako! Ramdam ko yun sa mga halik na sinasagot mo sa akin. "

Ano! Ang kapal ng mukha!Naku si Daniel! Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ko at nakita ko na wala na pala yung call. Sana naman hindi niya narinig yun at tiyak, magagalit ng husto yun at makikita ko na naman ang ibang awra niya.

Natawa ako sa sinigaw niya. Kaya naman sinagot ko muna siya bago ako lumabas ng tuluyan sa bahay nila. Dito ko na binuhos ang lahat ng galit na nararamdaman ko mula nang iwan niya ako hanggang sa nangyari ngayon.

" Hahaha! Nakakatawa ka, Kris! Paano mo naman nasabi na mahal kita? Dahil ba sa nag-response ako sa halik mo? Haha Hindi ba pwedeng sinabayan ka lang? Sinabi ko na kanina na may iba nang nagmamay-ari ng puso kaya pwede ba? Huwag ka na magparamdam sa akin! Pinakawalan mo ko nung una pwes pakawalan mo din ako ngayon! Kung ayaw mo maniwala, sige sasabihin ko sa iyo ito! HINDI NA KITA MAHAL! Siguro naman natauhan ka na! Forget what happen this day! " After kong sabihin yan ay nagmamadali akong lumabas ng bahay. Naririnig ko na tinatawag niya ako pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

" That was close! Muntik na yun! " Huminga ako ng malalim. Buti na lang naitulak ko siya at baka kung ano na ang nagawa niya.

Narating ko ang sakayan ng jeep. Sumakay ako rito kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Una ko namang naisip ang park kaya doon ako bumaba. Naglakad ako sa loob ng park at naghanap ng bakanteng bench na pwedeng upuan. Wala pang isang minuto nang makakita ako ng bench na ang katabi ay puno ng mangga. Umupo ako rito para magpahinga.

Sana naman hindi na ako gambalain pa ni Kris. Tama na rin yung ginawa ko at yun ang totoo. Hindi ko na siya mahal. Matagal na ako nakamove on sa kanya.

Kinuha ko na lang ang phone ko para libangin ang sarili ko at para makalimutan ang nangyari kanina. May 20 text messages pala ko. Karamihan naman dun ay mga Gm lang ng tropa at ng mga kaklase ko. Isang text message ang pumukaw ng atensyon ko.

From: Daniel

Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo. Pinatay ko na agad ang tawag dahil binubwisit ako nitong si Nicole Anne. Huwag kang maniniwala sa sinabi niya kanina. Lahat yun di totoo. Sa akin ka lang maniniwala, Shayne. Trust me.

Buti naman at hindi niya narinig ang isinigaw ni Kris kanina. Sino ba talaga yung Nicole Anne na yan? Bakit ganoon siya kay Daniel? Ano ba talaga ang meron sa kanila? Naguguluhan na talaga ako! Pero tiwala lang, Shayne! Hintayin ko na lang na si Daniel mismo ang magsabi sa akin.

Nireplyan ko naman ang text ni Daniel na naguguluhan. Basta may tiwala ako sayo na hindi mo ako sasaktan, Daniel.

To: Daniel

May tiwala naman ako sayo. Meet me here at the park. Kailangan nating mag-usap. Hintayin kita.

Kailangan malaman ni Daniel ang nangyari sa amin ni Kris. I felt, I cheated him already at ayaw ko na magalit siya sa akin.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now