Chapter 50 - Talk of Responsibilities

439 15 0
                                    

May typo po sa name ng company ng Santiago-Fuentes Family. JGC po ang initial hindi JBC ^__^v Sorry for typos.

Enjoy Reading Guys ^__^

*******

" Talk of Responsibilities "

- Shayne's POV -

Pababa pa lang ako ng hagdan ay rinig na rinig ko na ang tawanan nina Papa. Ewan ko ba kung ano ang pinag-uusapan nila para tumawa sila nang pagkalakas lakas pero nang marating ko ang pinakadulo ng hagdan at napatingin sa sala.  

.Magkatabi silang dalawa. 0_0

Kitang kita ko kung gaano kasaya at aliw na aliw si Papa dito kay Daniel na animo'y matagal na silang magkakilala. Puno man ng pagtataka ay nagawa ko slang lapitan. Naramdaman siguro nila ang presensya ko kaya biglang tumahimik ang paligid. Lumingon agad si Papa sa akin.

" Nandito na pala si Shayne. Oh siya, magpapahinga muna ako sa taas. Maiwan na muna kita, Daniel. Balitaan mo ako kapag may progress na. Shayne, ikaw na bahala dito kay Daniel. " Sabay tayo ni Papa at tinapik tapik pa ang balikat ni Daniel. Tumango naman si Daniel bilang tugon sa sinabi ni Papa. Bigla siyang lumingon sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.

Ano ba talaga ang pinunta niya dito? Pag-uusapan ba namin ang sa B.A Week na matagal ko nang hinihintay na pag-usapan namin o yung nangyari kanina? Haist! Hindi ko mabasa sa mukha niya kahit na nag-iwas ako ng tingin kung ano ang pakay niya sa pagpunta dito.

" Shayne. " Natauhan ako nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Mahina lang pagkakasambit niya nito pero ramdam na ramdam ko na may mga matang nakatitig sa akin. Hindi ako kumibo at sa halip ay ipinagpatuloy ko ang pandededma sa kanya.

" Shayne, tatayo ka na lang ba dyan ha?! May upuan dito sa tabi ko baka naman gusto mong umupo? " Sarkastikong sinabi niya sa akin. Awtomatiko namang tumugon ang katawan ko sa sinabi niya na animo'y nahipnotize niya ito. Umupo ako sa tabi niya pero hindi kami totally magkatabi. Sa tantya ko, dalawang tao ang pagitan ko sa kanya. Unang nahanap ng mga mata ko ang isang brown envelope na nakalapag sa harapan ko. Kukunin ko sana ang naturang envelope para tignan ang laman nito kaso bigla naman itong kinuha ni Daniel at inilabas ang laman nito. Mga long bond papers ito. May logo ng ICCT sa itaas na bahagi ng papel.  

Galing sa school ang mga ito. Napansin ko naman na may pirma ng Dean sa bandang ibaba ng papel. Kumunot agad ang noo ko. Ano naman kaya ito? Hindi naman ito ang proposal namin para sa B.A Week!

" Iyan ang approved na budget na gagamitin natin for B.A Week. Yung sa second page ay ang mga paggagamitan ng perang yan. " Sinagot ni Daniel ang tanong ko kanina pa sa isipan ko.

Pumunta siya dito para pag-usapan na namin ang mga gagawin naming paghahanda sa B.A Week! Buti naman at naalala niya din ako -__-

Kinuha ko ang first page at binasa ito. So, ito ang perang gagamitin namin. May kalakihan ang budget na nakasaad dito pero hindi naman ito lalagpas ng sampung libong piso. Pagkatapos kong basahin ang first page ay agad kong kinuha yung natitirang papel sa lamesa.

" List of Activities? " Nakakunot noo kong tanong sa kanya na hindi ko namamalayan na nabasa ko pala ng malakas.

" Oo! Iyan ang mga activities for 1 week at nakalagay na din dyan kung ano ang mga kailangan pa nating gawin. Kung mapapansin mo dyan sa gilid ay may mga bracket na akong nilagay. "

Agad ko namang tinignan ang sinasabi niya sa akin. At ayon nga! May bracket na nga sa gilid ng mga activities pero mas nagulat ako ng makita ko ang pangalan ko na naka-assign isa sa pinakamahirap na gawin!

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now