Chapter 56 - Final Chapter of Book 1

497 18 0
                                    

********

" Final Chapter of Book 1 "

- Shayne's POV -

" ARGH! ANG SAKIT NG ULO KO. . ANO BA TONG NANGYAYARI SA AKIN. . TEKA. .. BAKIT NAPAKADILIM?" Iyan ang katanungang kanina pa gumugulo sa isipan ko mula nang magising ako. Pakiramdam ko kasi kanina pa ako nasa lugar na ito at maging ang katanungan na " BAKIT AKO NANDITO " ay hindi ko magawang sagutin. Kaya nagdecide akong tumayo para maglakad lakad sa madilim na lugar na ito na parang nasa isang lumang warehouse ako.

Yun bang parang bihag ako ng isang tao pero nakakapagtaka naman na wala man ni isang mga nagbabantay at hindi din nakatali ang aking mga kamay at paa sa bangkuan at wala ding scotch tape sa aking bibig.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang sa tingin ko ay  pintuan ng naturang warehouse nang bigla akong napahinto. May nakatayong isang lalaki sa dulo nito pero hindi ko maaninag ang kanyang itsura. Medyo lumalabo ang paningin ko na siyang pinagtataka ko.

" Shayne. .. Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang bibitaw. Lahat ng ito ay ginagawa ko para maprotektahan ka. " Sabi ng estranghero sa akin. Napako ako sa kinatatayuan ko na animo'y isang bloke ng yelo.

" Ha? Anong pinagsasasabi mo? At bakit kilala mo ako? " Punong puno ng pagtataka ang utak ko. Hindi ko makuha ang punto ng estranghero. Naramdaman kong lumapit ang estranghero sa akin. 

" Maging matatag ka sana. Bago pa lang magsisimula ang laban nating dalawa. Pakatatandaan mo na mahal na mahal kita. " Sabi ng estranghero sabay yakap ng mahigpit sa akin at binigyan ng isang malalim at punong puno na pagmamahal  na halik.

Yung halik na yun! Kilala ko kung kaninong mga labi yun at parang nakita ko na siya dati o nakikita ko talaga ang taong ito pero hindi ko alam kung kelan at saan kami nagkikita at nagkakilala? . At. . Parang totoong may humahalik sa akin? Nararamdaman ko kasi na parang may labing nakadampi talaga sa labi ko at may niyayakap din ako.

Nararamdaman ko nga ba talaga ang halik niya?

Nanaginip lang ba ako o sadyang ito talaga ang nangyayari ngaun?

Hindi ko na namalayan na gumaganti na din pala ako ng halik at yakap sa kanya. Siguro siya yung nagligtas sa akin. Siguro kinidnap ako ng mga masasamang loob kaya ako nandito. Kailangan ko siyang pasalamatan kung kinidnap man ako dahil iniligtas niya ako mula sa kapamahakan. Pero habang tumatagal ang liwanag ay lalo nang lumilinaw ang aking paningin hanggang sa makita ko ang mukha ng isang lalaking nagpapatibok ng puso ko ngayon. Ang taong mahal na mahal ko at ang taong pinili ko.

" Daniel. . " Tinawag ko nang mahina ang pangalan niya. Tumango ito bilang tugon. Niyakap ko pa siya ng sobrang higpit.

" Daniel. . Huwag mo akong iiwan ha? " Nag-uunahan ng magsipatak ang aking mga luha. Nakaramdam ako ng takot. Sa tagal tagal ng panahon na lagi ko siya napapaginipan at sa araw araw na lagi ko siyang nakikita't nakakasama, ngayon lang nabigyan ng sagot ang lahat at ang mga binitawan niyang salita kanina, may halong pahiwatig at hindi maganda sa akin.

Matagal ko nang tinanggap ang katotohanan na iniibig ko na talaga ng tuluyan ang lalaking ito pero natatakot akong malaman ito ni Nicko dahil alam ko kung gaano niya ako kamahal. Ayaw ko makasakit ng damdamin ng ibang tao lalong lalo na sa mga taong nagpapahalaga sa akin. Siguro nga nakakahalata na siya pero kapag pinatagal ko pa ito, alam kong may masasaktan na isa sa kanila.

" Oo. . Hinding hindi kita iiwan. . " Tugon niya sa akin. Hinigpitan niya lalo ang pagkakayakap niya sa akin.

Nakaramdam ako ng assurance. . Hindi ako papabayaan ng lalaking yakap yakap ko ngayon. Naguguluhan man ako sa mga salitang binitawan niya kanina, alam ko may malalim siyang dahilan kaya niya nasasabi sa akin ang mga ganoong bagay at may nanapansin na din akong kakaiba sa pamilya ko.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now