Chapter 38 - Plan

555 17 4
                                    

****Dedicated to: carla_juna :') Ayaw pa niyang tapusin ko itong kwento ko :') Maraming salamat at nagustuhan mo siya :') Thanks din for promoting my story :')

Enjoy Reading Guys :')

***********

" Plan "

- Shayne's POV -

" Finally! My prayers were answered! " Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Naguluhan ako bigla sa sinabi. Anong pinagdadasal niya?

" Ano bang pinagsasabi mo dyan? " Sabi ko sa kanya na naguguluhan. Nakayakap pa din siya sa akin.

" Wala. Nevermind! Basta, thanks for making me happy, Shayne. " Sabay alis niya mula sa pagkakayakap sa akin.

" Let's go! Hatid na kita sa inyo. " Masayang sabi niya sa akin. Napakalapad ng ngiti niya ngayon. Napatingin ako sa wrist watch ko. 12 midnight na pala kaya pala hinatak na lang ako bigla ng lalaking ito palabas ng bar. Bigla ko naman naalala ang tropa sa loob ng bar. Agad kong kinuha ang phone ko mula sa pouch.

" Tawagan ko lang si Alwyna para makapagpaalam na aalis na tayo. " Sabi ko sa kanya at nagsimula ng idial ang number ni Alwyna sa screen. Narinig ko naman na sinimulan na niyang painitin ang engine ng kanyang sasakyan.

Calling . . . Alwyna

" Hello? " Sabi ko sa kabilang linya.

Ang ingay naman ng background niya. Mukhang nagrequest pa sila ng mga kakantahin. Rinig na rinig ko yung tugtog ng banda.

" Hello, Shayne! " Sigaw niya mula sa kabilang linya.

" Si Shayne yang kausap mo? Pakitanong nga kung bakit umalis siya bigla. " Sabi ni Nicko sa kabilang linya. Mukhang magkasama sila ngayon.

" Yun na nga yung itatanong ko eh! Inunahan mo lang ako. Pero, Shayne, bakit nga ba bigla ka na lang umalis kanina? "

Ano nga ba isasagot ko? Sasabihin ko ba sa kanya yung totoo? Kaso maririnig ni Nicko? Haist! Hindi ako makapag-isip ng isasagot ko! Bahala na!

" Hello? Andyan ka pa ba? Hindi ka na nagsalita. " Sabi niya mula sa kabilang linya.

" A-ah. . eh. . Oo naman! Bigla kasi nagtext si Mama at pinapauwe na ako. Alam mo naman yun? Ayaw ng ginagabi ako ng uwe. " Pagdadahilan ko. Sana sang-ayunan niya. Malakas pa naman ang radar nun kapag nagsisinungaling ako. Napatingin naman ako sa dako ni Daniel. Hawak niya ang cellphone niya at mukhang may tinetext.

" Ah Ok. . Sige ingat pag-uwe at salamat sa pagpunta. Congrats ulit. "

" Wala yun, basta ikaw! Ingat ka dun sa France. " Sabi ko sa kanya sabay end ng tawag.

" Tapos ka na ba makipag-usap kay Alwyna? " Pagtatanong ni Daniel sa akin. Tumango lang ako bilang tugon. Napasandal nalang ako sa salamin. Hindi ko alam kung ano nangyayari ngayon. Gulong gulo ako sa nararamdaman ko. Dalawang lalaki ang masasaktan ko kapag nagkataon pero paano na lang si Kris? Hindi ko pa siya nakakausap after ng nangyari. Haist! Bahala na! Magpapakasaya na lang muna ngayon dahil dalawang lalaki ang nagmamahal sa akin pero si Kris kaya? Mahal pa kaya niya ako?

Dahil siguro sa malalim kong pag-iisip, hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay. Nauna akong lumabas ng kotse.

" Shayne, wait! " Sabi ni Daniel na nakahawak sa balikat ko.

" Oh? "

" Thanks ha? Sana walang magbago sa atin. Sana totoo yung mga sinabi mo kanina. " Hinarap niya ako sa kanya at niyakap. Hindi ba to magsasawa na yakap yakapin ako? -__-

Thanks For The Memories (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin