Chapter 9 - First Day Of Classes

1K 30 16
  • Dedicated to Renz Goldwin Gonzales
                                    

** Dedicated to Daddy haha :) Ayan ah! Wag nang maarte hahah :) dedicated na sayo yan :) Gusto ko kasi makita ka na naka uniform ng course mo :)

Enjoy reading guys :)

**********************************************************

" First Day of Classes "

- Shayne's POV –

First Day of Classes! Yes! College student na rin ako. Ang aga ko nagising. Excited na akong pumasok. Bagay na bagay sa akin ang 3/4 blouse long sleeve with matching checkered necktie at belt and blue skirt. Syempre, kahit college ka na, need pa rin na nakablackshoes. Tumingin ako sa whole body mirror, lalo akong naging cute sa suot na'to.

Kumatok si Mama sa pintuan ng kwarto ko. Nakangiti siyang lumapit sa akin.

" Bagay na bagay sa'yo ang uniform mo. Lalo kang gumaganda. " Nagawa pa akong bolahin ni Mama. I smiled her back.

Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Mama.

" College ka na Shayne. Pagbutihan mo ang pag-aaral. Kung ano man ang bumabagabag sa'yo, kalimutan mo muna iyun. Enjoy your college life. Mas challenging ito kaysa High School Life. "

Natouch ako sa sinabi ni Mama. Tama naman siya. Kalimutan ko muna ang mga bumabagabag sa akin. Baka makaapekto ito sa pag-aaral ko.

After kong kumain ng breakfast, nagpaalam na ako kay Mama. Habang kumakain ako kanina, panay ang text nina Renz sa akin. Mga excited kasing pumasok.

Wala pang 20 minutes, nakarating na ako ng school. Nashock ako sa dami ng Freshmen at Old students sa labas ng school. Nilibot-libot ko ang mga mata ko sa paligid. May mga kapareha akong uniform. At may mga uniform na exclusive lamang sa mga HRM, CRIMINOLOGY, TOURISM, at NURSING students. Ang cool nila tignan. >_<

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now