Chapter 11 - Bonding with the Teen Star (Part 1)

1K 35 20
                                    

**Dedicated to the writer of  WHEN MISS GANGSTER MEETS HER MATCH :) hehehe ang ganda kasi ng story niya eh sobra :) hehe Gudluck sa pagbubuntis mo po :) Wish you all the best and thank you sa pagdedicate ng isang chapter sa akin.. Pa promote po hng story ko :) Sorry te kung hindi na ako masyado updated sa story mo :) Busy eh.. Basta... babasahin ko talaga yun gang dulo po :)

Enjoy reading :) 

**********************************************************************************

" Bonding with the Teen Star "

- Shayne's POV –

 Hinabol ako ni Kris. Patawid na sana ako nang biglang may tumawag sa name ko.

" Shayne, wait! "

Nilingon ko siya. Kitang-kita ko na hawak-hawak niya ang binigay ko. Hingal na hingal siyang lumapit sa akin.

" Shayne, mag-usap tayo. Please. " With matching puppy-eyes.

Ginamitan na naman ako ni Kris ng pamatay niyang puppy-eyes factor. Alam na alam niya ang kiliti ko. Napangiti ako. Hindi ko namamalayan, hawak-hawak niya pala ang kamay ko. Namula ako bigla.   > /// <

" Shayne, why are you blushing? May sakit ka ba o kinikilig ka? "

Hindi ako sumagot sa halip ay umiwas ako ng tingin sa kanya.   >>

Kanina pa kasi niya ako tinititigan. Tinignan ko ang wrist watch ko,  1:00pm na pala.

" Akala ko mag-uusap tayo? Nagmamadali ako. " Palusot ko sa kanya. Ayaw ko na kasing makasama pa siya ng matagal. Lalo lang ako mahihirapan mag-move on.

" Ah. . . Eh. . . Sorry kung nasaktan kita. Hindi ko intensyon na gawin iyon sa'yo. Minahal kita. Sobra kitang minahal. Hindi lang talaga ako ang taong nararapat para sa'yo. " Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

" Huwag ka nang maging manhid, Shayne. Huwag mo nang ituon sa akin ang atensyon at pagmamahal mo. Shayne, nakikita ko sa mga mata mo na mahal mo pa ako. " Pagpapatuloy niya sabay tinitigan ako sa mata.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumulo na ang luhang kanina ko pang pinipigilan.

" Oo, tama ka Kris. Hindi pa ako nakakamove on. Mahal kasi kita. Mahal na mahal. Pero gumagawa ako ng paraan para kalimutan ka. Waaah! " *sniff*   T_T

Niyakap ako bigla ni Kris. Damang-dama ko ang concern niya sa akin. Kahit wala na kami, concern pa din siya sa magiging feelings ko pati na rin sa kalagayan ko.

" Shayne, please. Huwag na ako ang mahalin mo. Salamat sa gift. " Bulong niya sa akin. Dahan-dahan niyang tinatanggal ang pagkakayakap niya.

Hindi gaya dati, mahigpit at sobrang tagal niya ako yakapin. Iba na ngayon.

Tinitigan ko siya. For the last time, gusto ko nang makalimutan ang itsura niya sa alaala ko at hinaplos ang kanyang mukha.

" Sige, Kris, mauna na ako. Baka hinahanap na ako ni Mama. "

Papatalikod na sana ako nang biglang hinalikan niya ang noo ko.

> /// <

" Paalam! " Sabay takbo ng mabilis.

Hinawakan ko ang noo ko. Ngayon lang niya ako hinalikan ng ganoon. Natural na ang ganoong kiss. Kiss of concern, ika nga.

Magpapara na sana ako ng jeep nang biglang may bumusina sa akin.

* Beeeeeppp *

" Letchugas! Barabas! Hektas! " Kinaga ko ang chest ko. Baka nalaglag na kasi ang puso ko. Napatalon ako sa gulat.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now