Chapter 55 - Who's the Secret Agent?

454 18 0
  • Dedicated to Winn Oliver Bautista
                                    

NEW STORY : Shattered Memories (Thanks For The Memories Book 2) - coming soon

*******

" Who's the Secret Agent? "

- Nicko's POV -

" Nakakainis!! Nakakainis!! Mga walang kwenta!! " Muntik ko nang maibato ang phone ko sa sobrang inis!

Lahat ng mga taong alam ko may kinalaman sa nangyari, mga ayaw magsalita! Anong saysay pa nang pagkuha ko sa mga to bilang tauhan ko kung ang pupurol naman ng mga utak?! -__-

Ngayon ko lang nalaman na wala din palang silbi itong si Renz at mukhang bumabaligtad na! -___- Akala ko ba ayaw niya kay Daniel para sa tropa niya pero ano itong ginawa niya sa akin?! Ni hindi man lang nakikilala ang boses ko!! At isa pa itong malanding haliparot na Nicole na to! Walang kwenta!! Mas bobo pa nga siya kay Shayne kung tutuusin!! (-__-")?

" Damn it!! " Pumasok na lang ako sa kotse ko at pumunta sa bar ko. Bahala sila maghanap kung saan ako naroroon at wala ako sa mood magtaping ngayon. Pinatay ko din ang GPS ko para hindi nila ako matrack kung nasaan ako.

Pinapunta lang nila ako sa set para sa meeting tapos 12 midnight pa ang shooting! WTF!! Anong gagawin ko sa natitirang 5 hours ko? :/ Eh di sana pumasok na lang ako kanina sa ICCT. Nakita ko pa ang pinakamamahal ko. -__- Ako sana ang sumagip sa kanya mula sa nangyari hindi ang Daniel na yun! -__-

Speaking of Shayne, totoo nga ba talaga yung nangyari? Tawagan ko na lang kaya siya? Kaso hindi ko naman alam kung gising na siya o natutulog pa! Argh!! Anong gagawin ko!!

" Nasan si Joyce? " Kakabukas lang nang bar at nasa pinakasulok na parte ako ng bar counter. Hindi ako nakadisguise ngayon kaya anytime pwede ako makilala ng mga tao.

" Sir, nagseserve po ng mga orders sa mga customer. " Sabi ni Kiro sa akin. Nagpapart time job sina Kiro at Joyce sa bar ko. Kailangan daw nila nang extra income kaya pumayag naman ako at for Kiro, para mapag-usapan namin ang pang-eespiyang ginagawa niya.

" Ok. Pag balik niya dito sa counter pakisabi pumunta siya sa VIP room at may ipag-uutos ako. " Naglakad ako papunta sa VIP room. Ako lang ang pwedeng pumasok dito. Lahat ng mga sikreto ko, nandito sa kwartong ito. Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad akong nahiga sa kama at nag-isip.

Tama pa ba ang ginagawa ko? Para naman kay Shayne ang lahat nang to pero bakit nakakaramdam ako ng guilt? Mahal ko lang naman talaga siya at lahat gagawin ko para maging akin siya.

Kaya nga tinawagan ko si Nicole para umuwi dito sa Pinas at guluhin ulit ang mundo ni Daniel. Mag-ex kami ni Nicole. Tumagal kami ng 1 year and a half. Walang nakakaalam ng relasyon namin. Inilihim namin ito sa pamilya namin para walang eskandalo. Lahat kami galing sa wealthy clans so we need to protect our names no matter what. Kung tutuusin, ako din ang dahilan bakit naghiwalay si Nicole at Daniel. Pinalabas lang ni Nicole na kabit siya ng isang congressman para tigilan na siya ni Daniel. Never naman niyang minahal si Daniel. All she wants is his money kaya pumayag siyang maging sila.

At ang kung anong nangyayari man sa amin, lahat yun palabas lang! Past is past! At alam ko, mag-iiwanan din kami sa ere kapag nagkabukingan na!

" Hay! " Napabunyong hininga na lang ako.

Kung kailangan gamitin ng dahas para makuha si Shayne gagawin ko! Gusto ko akin lang siya!

I REALLY LOVE HER AND I DONT WANT TO LOSE HER.

*tok.tok.tok*

Agad akong bumangon nang makarinig ako ng mahihinang katok mula sa pintuan. Malamang si Joyce na ito. Agad aking lumapit at pinagbuksan siya ng pinto.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now