Chapter 29 - Pass or Fail

656 22 2
                                    

**Dedicated to khatrinalovesyou :') Sorry kung late ang dedic at thanks din dahil nagustuhan mo ang story ko.

***************

" Pass or Fail "

-Shayne's POV-

"Argh! Malalate na ako! Bakit ba kasi hindi nag-alarm ang alarm clock ko o ginising man lang ako ni Mama! Dapat hindi ako malate ngayon! " Sigaw ko habang nagmamadaling makalabas ng bahay.

Ano nga ba nangyari kagabi at nalate ako ng gising kanina?

* Flashback *

Kasalukuyan akong nagrereview nang biglang kumatok si Mama sa pintuan.

" Anak, may bisita ka sa baba. Lumabas ka muna dyan. " Sigaw ni Mama mula sa labas.

" Sige po! Sunod na lang po ako. Ligpitin ko lang po itong mga gamit ko. "

" Ok. Huwag mo sila paghintayin. "

Huwag mo sila paghintayin. So meaning, dalawa o higit pa ang mga bisita ko dito sa bahay. Agad kong iniligpit ang mga libro ko at mga scratch paper at lumabas agad sa kwarto. Nasa dulo na ako ng hagdan ng mamukhaan ko kung sino ang naghihintay sa akin. Sina Alwyna kasama ang driver niyang si Gelo at si Nicko na nakapangcasual wear lang.

" Hi! Anong ginagawa niyo dito? " Sabi ko sa kanila habang naglalakad papalapit sa kanila at umupo sa katapat na sofa.

" Nandito kami para ipaalam sayo na tuloy yung get together natin after ng exam niyo bukas. " Panimula ni Alwyna. Agad ko naman inilipat ang tingin ko kay Gelo na medyo dumistansya ng pagkakaupo kay Alwyna. Halata mo na nagkakailangan silang dalawa at napansin ko din si Nicko na nagpipigil ng tawa na alam ko na nahuhulaan niya ang iniisip ko.

" Shayne? "

" Oh, ano yun? " Sabi ko na ibinalik ang atensyon kay Alwyna.

" Sabi ko, tuloy yung pagkikita natin ng tropa after ng exam niyo bukas. Maybe mga 2 to 3 weeks from now yung get together natin. Nakaset na ang lahat kaso date na lang ang kulang. Mga busy kasi tayo. Basta mag-gm na lang ako sa inyo kung kelan. "

" Ah ok. Eh bakit kasama mo dito si Nicko? Wala ba siyang shootings, tapings o guestings ngayon? " Pag-uusisa ko. So kung ganon, tuloy na tuloy na pala ang get together namin. Im so excited for that!

" Wala siyang ginagawa ngayon. Nang sinabi ko na pupuntahan kita ngayon, ayon nagpasundo sa condo niya. " Sabi niya na medyo nag-aalangan.

Napatingin ako kay Nicko na nakaupo katabi ni Gelo at inililibot ang mga mata niya sa loob ng bahay. Parang pinag-aaralan niya ang kabuuan nito.

" Ang ganda naman pala ng bahay niyo, Shayne. " Sabi niya na patuloy pa rin sa paglilibot ang kanyang mga mata.

" Hehe. Simple lang naman ang bahay namin. Sapat na ang laki ng bahay na ito para sa pamilya ko. " Nakangiti kong sinabi sa kanya.

" Ah ok. I see. "

" Siya nga pala, saan gaganapin ang get together natin? " Pagtatanong ko kay Best na kasalukuyang nagtetext sa phone niya.

" Sa bar na pagmamay-ari ni Kuya Nicko. "

" Ah. May bar ka pala Nicko? " Amaze na amaze kong sinabi sa kanya. @_@

" Yap. And that was my own business besides na isa akong artista. Napag-usapan na din namin ni Alwy na sagot ko na ang foods and drinks niyo at ako mismo ang magseserve nito sa inyo. "

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now