Chapter 13 - Is it real or just another CRUSH?ll

891 34 15
                                    

**Dedicated kay DarkShadows_13 ang aking bebe :) hehehe THANKS sa patuloy na pagbasa at pagsupport ng story ko :) Sana magustuhan mo yung update ko na to :)

*************************************************************************

" Is it real or just another crush? "

- Nicko's POV –

Pagkababa na pagkababa ni Shayne ng sasakyan ay agad kong binuksan ang window ng passenger's seat. Nag-wave ako ng kamay sa kanya para ipaalam na aalis na din ako. Nang ibababa ko na ang window ay agad siyang dumungaw sa bintana.

" Sige! Aasahan ko yan na minsan ay susunduin mo ako. Ahm by the way, thanks for comforting me. " Sabay alis ng pagkakadungaw niya sa loob ng kotse at saka nagsimulang maglakad pauwe sa kanila.

Agad ko namang ibinaba ang bintana at istart ng engine kotse. Napatingin pa ako sa rear mirror para makita kung nakalayo na ba si Shayne at kung malapit na ba siya sa kanila. Nang medyo malayo na ang nalakad niya ay nagpasya na akong umalis at umuwe na sa condo unit.

Habang binabagtas ko ang daan pauwe ay bigla ko naalala ang mga nangyari sa araw na ito, sa amin ni Shayne.

Hindi ko akalain na sa simpleng pagdaan ko sa kalsadang papunta sa bahay namin at sa hindi ko sinasadyang pagkakita sa nangyari sa usapan nina Kris at Shayne ay nakasama ko siya buong maghapon. Kahit na nangialam ako o hindi naman sa pangingialam ang ginawa ko, nakita ko naman ang other side ni Shayne or ang weakest part niya.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit naging sweet ako sa kanya at sa lahat ng tao na nakakita ng ginawa ko kanina sa park. Siguro dala na rin ito ng awa o nararamdaman kong sakit sa pagkakita sa kanya na umiiyak siya dahil sa nakaraan niya.

Malapit na ako sa condo unit ng biglang nag-ring ang phone ko. Agad ko namang inilagay sa tenga ko ang headset ng phone ko at pinindot ang answer button.

Calling . . Manager Kenji

" Akala ko wala ka nang balak sagutin ang tawag ko! Kanina pa kita tinatawagan pero nakapatay ang phone mo! " Pagalit na sabi niya sa akin na halos sigawan na niya ako. Oo nga pala, pinatay ko ang phone ko kanina bago ako bumaba ng kotse sa park.

" Bakit ka ba napatawag? Hindi ba free time ko this day? " Pagtatanong ko sa kanya habang abala ako sa pagdadrive sa kahabaan ng c5 road-taguig.

" Oo nga free day mo ngayon. May nakarating kasi sa akin na nagpunta ka daw sa park malapit sa pinag-shootingan ng telenovela mo noon. "

" Ano naman kung nagpunta ako sa park na yon? Kelan ka pa naging pakialamero? " Pagtataas ng tono nang pananalita ko sa kanya. Hindi naman kasi siya nagiging pakialamero sa mga nagiging lakad ko unless na lang kung may kumakalat na issues.

" Hindi sa pinapakialaman kita, Nicko. Mag-iingat ka lang. Madami mga paparazzi na nagkalat dyan sa tabi-tabi. Alam mo naman sa mundo ng showbiz, may mga nababalita na may halong kasinungalingan at bihira lang ang nagsasabi nang totoo sa mundong pinasukan mo. May nakarating din sa akin na may kasama kang babae kanina sa park. "

" Si Shayne ba? Bestfriend siya nang pinsan ko. " Pag-aatubili kong sinagot ang sinasabi niyang MAY KASAMA AKO SA PARK KANIN.

" I see. Im just warning you, Nicko. Be careful. Siya, bukas back to normal na. May guestings at shootings ka bukas. "

" Okay! " Sabay pindot ng reject button sa phone ko.

Wala pang 30 minutes nang marating ko ang gate ng condo unit ko. Pinagbuksan naman ako ng gate ni Manong guard at nagtanggal pa ito ng cap bilang paggalang sa akin.

Ipinark ko ang kotse ko kung saan lagi ko ito pinapark. Bumaba na ako ng kotse at dumiretso sa pasilyo ng condo unit papunta sa elevator.

* ting *

Bumukas ang pinto ng elevator. Buti wala akong kasabay. Habang hinihintay ko na tumunog at bumukas ang pinto ng elevator ay hindi parin mawala sa isipan ko ang itsura ni Shayne nang ginawa ko yung pagluhod sa harapan niya at pakiligin siya.

Bumukas ang pinto ng elevator. Nasa floor na kasi ako ng unit ko. Napadaan ako sa isang unit kung saan napakaingay sa loob nito  dahil na rin sa pagsisigawan at pagbabasag pa ng bote.

" Hoy! Omi balita ko nagkaayos na kayo ni Audrey ah! " Sabi ng isang lalaki sa loob.

" Ano Omi totoo ba? Kaw Kyo kelan ka magpapakabitter kay Renesmee? Magtapon ka na nga ng baraha, Pip! " Sabi ng lalaki na may-ari siguro nang unit na yun. Binalewala ko na lang ang ingay at usapan nila. Dumiretso na lang ako sa unit ko. Kinuha ko sa bulsa ko ang key at binuksan ang pinto.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay isinabit ko agad ang key sa keyholder nito

at saka inilock ang pinto. Dumiretso ako sa kwarto at hinubad ang damit na suot-suot ko nitong maghapon. Binuksan ko ang walking closet ko at kumuha ng sando. Isinuot ko agad ang sandong nakuha ko at saka nahiga sa kama.

Unti-unti kong inaalala ang lahat ng mga nangyari kanina sa park. Yung lumuhod ako sa harapan niya bilang sign na nandito lang ako kung kailangan niya ng iiyakan. Kahit na trip ko lang ang ginawa kong yun, pati ako ay kinilig sa ginawa kong yun. Yung binulungan ko siya ng isang excerpt ng lyrics ng song ay hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun.

Nagkusa na ang utak at bibig ko na ibulong ko sa kanya ang mga katagang yun. Binalewala ko lang ang mga hiyawan ng mga taong nakakakita sa ginawa ko dahil sanay na sanay na akong magpakilig sa harap ng maraming tao. Hindi ko talaga makalimutan ang itsura ng mukha ni Shayne that time. Sobrang namumula ang mukha niya. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko.

Napakita ko din sa kanya ang coldness part ko. Nagtataka nga ako sa sarili ko kung bakit nag-iba bigla ang pakikitungo ko sa kanya. Aminin ko na kahit ako ang kasama niya, hindi niya pa din maramdaman ang presence ko . Nagseselos ako. Hanggang sa kulitin na niya ako at nang halikan niya ako.

Malaking katanungan sa akin kung bakit niya ako hinalikan sa cheeks na siyang ikinamula ng mukha ko. Siguro, thank you gift niya iyon kasi nakasama niya ako.

Napangiti ako bigla. Hindi ko alam kung bakit sa twing nakikita o nakakasama ko siya ay nawawala kaagad-agad ang stress ko sa work at unti-unting lumulundag ang puso ko sa tuwa.

Inilagay ko ang kanang braso ko sa mga mata ko at saka pumikit.

" Is this real or just another crush? Am I falling for you so deeply, Shayne? "

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now