Chapter 53 - Untitled.1

424 16 2
                                    

Enjoy reading!! :)

********

" Untitled.1 "

- Nicko's POV -

Siguro nagtataka kayo kung bakit may nangyayari sa AMIN ni Nicole? Well. . Ganyan talaga! (~~,) Para makipagtulungan sayo ang isang tao, kailangan mo muna na gamitin ito. Hahaha! Akala ba niya hindi ko alam na ginagamit niya ako? Hahahaha! Pwes. . . !! Sa umpisa pa lang ginagamit ko na siya hahaha!!

Pagliban ko sa klase? Trabaho talaga yan ng mga artistang kagaya ko. Dapat maging isang mabuting ehemplo ako sa mga kabataan para madagdagan pa ang fans ko at mas lalong sumikat pa ako. Hahaha.

Ano nga ba ang kinalaman ko sa mga nangyayaring kaguluhan ngayon? Hmmm. . Gusto niyo ng clue? Hahaha. Huwag na! Gusto ko kayong mga readers namin ang makaalam kung ano nga ba talaga ako ni Nicole at ano ba talaga ang role ko sa story na ito. Kontrabida? Ahm. . Pwede din kasi sisiguraduhin ko na sa akin mapupunta si Shayne ! At meron pang isa! Kung ano yun, hulaan niyo na lang or should I say, basahin niyo na lang ang mga succeeding chapters. Hahaha!

At bago ko makalimutan. . Hindi alam ni Alwyna itong ginagawa ko ha? Huwag niyo ako isumsumbong please? ^__^ Kung ayaw niyong. . . Hahaha!

Okay. Huwag na tayo magpaligoy ligoy pa at bumalik na tayo sa takbo ng kwento.

Pagkatapos ng isa na namang mainit na eksena ay agad din akong umalis kinaumagahan. Nagmamadali pa nga akong umalis dahil nakita ko sa orasan sa kwarto ni Nicole na mag-aala sais na ng umaga. Mabuti na lamang at pagkalabas ko sa kwarto ni Nicole ay wala pa gaanong gising sa mansyon nila maliban lamang sa isang katulong na siya namang nagbukas ng pinto sa akin palabas ng bahay. Awtomatiko namang nagbukas ang gate nila Alwyna kaya mabilis akong nakaalis.

Muntik ko na kasing makalimutan na may meeting pala kami ni Kuya Kenji with the directors ng isang teleserye. May good news daw kasi sa amin ang mga director kaya agad akong nagpunta sa pagshoshootingan namin ngayon. Tamang tama lang ang dating ko. Inaayos pa ng mga crew ang mga equipments na gagamitin for the shooting. Nagpunta ako sa isang tent na nakaassign sa akin. Hindi pa ako nakakalapit sa tent ay tanaw na tanaw ko na si Kuya Kenji na salubong ang kanyang mga kilay.

" Mabuti naman at nagpakita ka. Akala ko nakalimutan mo na na may shooting ka ngayon. " Dire diretso lang ang lakad ko papasok ng tent.

" Magdamag kitang tinatawagan pero cannot be reached ka! Saan ka ba nagsuot kagabi ha? " Napahinto ako sa paglalakad at agad siya nilingon. Nakapamewang na ito sa akin.

" May mga bagay bagay na kailangan nang privacy. " Walang buhay kong sagot sa kanya. Kahit kelan naman mahilig nang mangialam itong tao ito! Kakausapin lang naman ako niyan kapag may kailangan yan at may nasasagap na issue against sa akin. So wag na kayo magtaka kung bakit hindi kami close nyan.

" Privacy? Really? Baka naman about na naman yan sa Shayne na yan? " Kakasabi ko pa lang! Nag-uumpisa na naman sya! -__-

" Ano naman kung may kinalaman ang babaeng yan? And besides, hindi kita binabayaran para pakialaman ang sarili kong buhay! " Naisara ko pa ang kamao ko at anytime ay pwede na itong tumama sa pagmumukha niya!

" Ok! Just a little advice. Watch your actions. Hindi mo alam na sa lahat ng mga taong nakapalibot sayo, isa dyan ay siguradong pinagtataksilan ka. Kaya kung ako sayo, aalamin ko na kung sino ang taong iyon hanggat maaga pa. " Sabi niya sa akin sabay tapik sa balikat ko at naglakad palabas ng tent.

Agad akong naupo sa isang upuan na nakalaan sa akin at agad namang binigay ng P.A ko ang aking script. Nilapitan na rin ako ng make up artist para daw sa gagawin niyang retouch. Pinasadan ko ng basa ang hawak kong script. Nasa kalagitnaan na pala kami ng kwento kaya pala siguro nagpatawag ng isang meeting.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now