Chapter 33 - Don't Go, Please?

667 21 7
                                    

****Dedicated to: click5 :') Thanks ah? Isa ako sa mga naging idol mo :') Continue writing sa story mo :') Don't give up :')

Sorry kung ngayon lang ang update :') Super busy kasi ako eh? ^__^v

Pic ni Daniel nang natutulog siya :) ANg cute niya! >.< ----->

Enjoy Reading Guys :')

**************** 

" Don't Go, Please? "

- Shayne's POV -

" Ang tagal naman ni Mama! " Natatarantang sigaw ko sa kwarto. Nilingon ko ang kama at nakita si Daniel na iniinda ang sakit galing sa pakikipagsuntukan kay Kris. Tadtad siya ng mga galos at pasa sa buong katawan.

Agad akong umupo sa gilid ng kama para mahawakan ang kamay niya para sa gayon ay mabawasan ang nararamdaman niyang sakit. Hindi ko kaya na makita siyang nahihrapan.

Sobra sobrang pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon para kay Daniel. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ako sa kanya. Gusto kong umiyak dahil ako ang may kasalanan kaya nagkakaganyan siya.

" Sorry talaga, Daniel dahil sa akin kaya ka nasasaktan ng ganyan. " Maluha luha kong sinabi sa kanya.

" A-ano ka ba? Ayos lang yun! Makabawi man lang sayo! Sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan sayo. " Sabay hawak sa kamay ko at marahang pinisil iyon.

Dahil sa ginawa niya, my heart skipped a beat.

" D-daniel. . " T_T

*sniff*

" Oh? Dont cry. Hindi pa nga ako patay iniiyakan mo na agad ako. Paano pa kaya kapag natuluyan ako? Eh di humagulgol ka na ng iyak dyan. Baka nga sumunod ka pa sa hukay. " Pang-aasar niya. Samahan mo pa na nakangisi yan kahit na namimilipit na siya sa sakit.

Aba! Nakakaasar ang isang to! Mabuti nga't nagagawa ko pang mag-alala sa kalagayan niya! Mangiyak-ngiyak na nga ako dito kasi grabe ang pagprotekta niya sa akin kanina at dahil na rin sa mga natamo niyang sugat tapos magagawa pa niyang tumawa ng ganyan! Kabadtrip lang ah! =__="

Kinuha ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at agad siyang hinampas sa braso pero mahina lang. Gusto ko lang makita niya na nakakabadtrip ang sinabi niya sa akin at mukha namang nakumbinsi ko siya dahil biglang nag-iba ang expression ng mukha niya. Kung kanina ay mapang-asar, ngayon naman ay punung-puno ng pagtataka.

At mukhang napaniwala ko naman siya at pilit na hinuhulaan ang nasa isipan ko. Taimtim siyang nakatitig sa akin kaya naman inilayo ko ang tingin ko sa kanya.

" Shayne? May problema ba? "

" Wala! Magpahinga ka na lang dyan! " Sigaw ko sa kanya.

Agad naman niyang iniiwas ang mukha niya kahit na hirap na hirap siyang gawin iyon.

* tok.tok *

" Mukhang si Mama na yan! Teka bubuksan ko lang ang pinto. " Sabi ko kay Daniel habang nakatingin pa din siya sa malayo.

Agad ko namang binuksan ang pinto. Hindi nga ako nagkamali at si Mama nga ang kumatok. Marami siyang dala like first aid. Nilapitan ko kaagad si Mama para tulungan siya. Lumapit naman agad si Mama sa kama para gamutin si Daniel.

" Anak, lumabas ka muna sa kwarto. Mag-uusap tayo mamaya. "

At agad akong lumabas ng kwarto. Sana hindi ganoon kalala si Daniel. Sobra na talaga akong nag-aalala sa kanya kahit pa nababadtrip pa din ako sa kanya.

Nagdesisyon akong bumaba ng hagdan at pumunta sa sala para umupo. Doon ko na lang hihintayin si Mama.

***************

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now