Chapter 24 - After heartbreak

743 20 2
  • Dedicated to Jo Madeleine Ann Reyes
                                    

Enjoy reading guys :')

********************

" After Heartbreak "

 - Shayne's POV -

" Good morning! " Bati ko sa haring araw pagkalabas na pagkalabas ko sa gate namin.

Ang saya ng pakiramdam ko ngayon siguro dahil sa mga nangyari kahapon. Nakakakilig naman kasi talaga sila.

Basta! Papasok ako ngayong araw na maganda ang awra ko.

Naglalakad na ako palabas ng subdivision namin ng may sumitsit sa akin mula sa likuran.

" Psst "

Agad akong lumingon at nakita ko si Daniel na nakatayo 5 metro mula sa akin. Para siyang si Timothy ng Never Talk Back to a Gangster kung makasitsit at sabayan pa ng No-comment look. Samahan mo na ang gwapuhan niya pero mas gwapo pa rin si Timothy. *o*

>///<

Nang napansin niya na nakatingin ako sa kanya ay agad siyang naglakad papalapit sa akin.

*Lub.dub.lub.dub*

Ang aga aga pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi naman ako kinakabahan pero bakit ganon na lang kabilis ang pagtibok nito?

Naramdaman ko naman na nasa harapan ko na siya kaya bigla kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Paano kasi straight makatitig!

Timothy, ikaw ba yan? >.<

Mapapatay ako ni Samantha kapag nalaman niyang hinahalay ko ang Timothy niya sa utak ko. >.<

" Ahm. . Daniel, 6:15am na. Malalate na tayo. " Panimula ko para iwasan niya ang pagtitig sa akin.

Binalewala niya ang sinabi ko at sa halip ay humakbang pa siya ng kaunti para lalong magkalapit kami at idinikit niya ang noo niya sa noo ko.

Bigla namang namula ng pagkapula pula ang mukha ko. Nakakahiya man pero hindi na kinaya ng utak ko ang emosyon ko.

Biglang lumayo si Daniel at nagsalita na may kasamang pang-aasar ang mukha niya.

" Hahaha! Bakit ka naman namumula? Parang tinitigan ko lang ang mata mo dahil may muta pa namula ka agad! Pinapatawa mo ako, Shayne. " Pang-aasar niya habang nakahawak pa sa tyan niya at patuloy sa pagtawa.

Dahil sa narinig, agad kong hinanap sa bag ko ang mirror ko at tinignan ang mukha ko sa salamin.

Wala naman akong muta ah! Grabe namang mangutya yun! Sabing good vibes ang awra ko ngayon mukhang babadtripin pa ako ng isang to!

" Kung wala kang matinong sasabihin, aalis na ako. Ayaw ko malate no! " Pagtataray ko sa kanya. Tatalikod na sana ako nang biglang hatakin niya ako paharap sa kanya. Napasandal ako sa dibdib niya. Rinig na ring ko ang tibok ng puso niya.

>///<

Ang bilis ng tibok nito kagaya ng sa akin. Hinayaan niya lang ako na mapasandal sa dibdib niya at niyakap niya ako ng mahigpit at saka itinapat ang labi niya sa tenga ko.ramdam na ramdam ko ang paghinga niya.

" I miss you, Shayne. " He whispered.

>///<

Ang higpit ng yakap niya. Hindi na ako makahinga pero kahit nakakaramdam ako nang pagkailang, binalewala ko iyon dahil na rin sa nararamdaman ko.

Agad naman ako pinakawalan ni Daniel sa pagkakayakap at hinawakan ang kamay ko at tumakbo papunta sa sakayan ng jeep.

" Bilisan mo at malalate na tayo. Lagot tayo kay Sir Punzalan kapag late tayo sa Taxation class. " Sabi niya wearing a wide smile on his face.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now