Chapter 45 - Two Boys

534 15 3
                                    

****Back to Shayne ang spot light ^__^v

Enjoy Reading Guys :')

***********

" Two Boys "

- Shayne's POV -

Lumipas ang mga araw at lalong naging boring. Nakakabagot talaga kapag trime break. Wala akong magawa buong maghapon, wala pa ako pera!! Gusto kong puntahan si Best para mangamusta at makapagbonding na rin kaso nalaman ko naman kay Nicko na umalis na ito papuntang France noong isang linggo at nang tanungin ko kung kailan siya babalik, pagkatapos na daw ng pag-aaral niya doon. Nakakalungkot man isipin pero kailangan niya din yun. Para mamanage niya nang mabuti ang negosyo ng pamilya nila at para makasama rin niya ang pamilya niya.

Speaking of Nicko, magkasama kami ngayon at nagpunta kami sa park. Buti na lang at tinawagan ako ni Nicko para sabihin na magkikita kami at least nakaalis ako ng bahay at nabawasan kahit papano ang boredom ko. Pero sa kabilang banda, hindi ko maitatago sa sarili ko na namimiss ko na talaga ang taong to. Parang kelan lang nakasama namin siya ng tropa para icelebrate ang pagpasa namin sa qualifying exam kaso imbes na celebration ang naganap, isang surprise ang gumulat sa akin at kapag naaalala ko ang gabing yun, kinikilig ako na ewan.

" Shayne, may dala akong ice cream. " Alok ni Nicko sa akin. Umupo siya sa tabi ko. Kasalukuyan kaming nakaupo sa bench.

Kinuha ko ang ice cream. Kapag nakakakita ako nito, naaalala ko si Kris. Kahit mahigit isang linggo na ang nakalipas mula ng nangyari yun, hindi pa din nawawala sa akin ang takot at kaba.

" Huwag mong titigan yan! Hindi kinakain ang ice cream gamit ang mga mata. " Pang-aasar ni Nicko.

Hindi ako sumagot at sa halip ay tinitigan ko lang ang ice cream. Dahil sa kanya, kaya naging pain reliever ko ang ice cream. Siya ang nagturo sa akin na kapag may problema ka, idaan mo sa pagkain dahil kahit papano, naiibsan nito ang problema at nang mga panahong iyon, ice cream ang naisipan naming kainin that time.

" May problema ba, Shayne? Natutunaw na yung ice cream mo oh? " Sabi niya habang sarap na sarap sa pagkain ng ice cream.

" Wala naman. May naalala lang ako." Simulan ko na ang pagkain.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now