Chapter 43 [Special Chapter 2] - Sweet Revenge

496 14 0
                                    

Enjoy Reading Guys :')

*************

" Special Chapter 2 - Sweet Revenge "

- Alwyna's POV -

Lumipas ang isang buwan, nagbago siya ng pakikitungo sa akin. Lalo siya naging sweet at caring. Sabi nga ng mga kaklase ko, mag-on na daw kami pero syempre. . . Todo deny ako.

Hindi naman talaga kami pero kung magiging kami man ni Gelo, ako na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo.  

Kung tatanungin niyo ako kung ano status ko ngayon, well! Ano pa nga ba? IT'S COMPLICATED!! Hindi ko naman talaga maitatanggi sa lahat maging sa parents ko kung ano nga ba status ko ngayon. Gaya nga ng kasabihan, ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS.

*******

Class Dismissal. Lahat kami dito sa room ay excited ng umuwi. Nakakaboring naman kasi itong prof namin sa Management! Wala nang ginawa kundi magpareport ng magpareport. Paano kami matututo sa lagay na yan? Kaya nang tumunog na ang bell ay agad kaming nagsipagtayuan at lumabas sa classroom.

Nagmamadali akong pumunta sa parking lot. Syempre! Para makasama at makita ko na naman siya. >///< Wala na nga ako ginawa buong araw kundi isipin siya kahit ang totoo niyan eh nakatira naman kami sa iisang bahay.

Nasa hallway na ako ng building namin ng may biglang lumapit sa akin. Magkaschoolmate kami kaso galing siya sa high school department.

" Ikaw po ba si Ms. Alwyna Jimenez? " Tanong sa akin ng cute na lalaki. Ngumiti naman ako bilang tugon.

" Oo! Ako nga si Alwyna Jimenez! Anong kailangan mo sa akin? "

" May nagpapabigay kasi nito. " Sabay abot sa akin ng isang kapirasong papel. Nang kuhanin ko ito sa kanya ay bigla na lang siyang tumakbo palayo sa akin. Buong pagtataka ko naman ng buksan at basahin kung ano ang nakasulat sa papel.

Alwyna,

Nasa gate ako ng school mo ngayon. Hihintayin kita.

Nicko

Si Kuya Nicko lang pala ang nagpadala ng sulat. Sasabihin lang pala na susunduin niya ako, nagpadala pa ng sulat! Pwede namang itext at tawagan ako para sabihin na susunduin ako. Mga artista talaga oh??

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa at tinext si Gelo na maunang umuwi dahil susunduin ako ni Kuya Nicko ngayon. Mukhang may problema na naman siya kay Shayne. Pagkatapos kong itext si Gelo ay agad akong nagpunta sa gate at baka kanina pa nag-aantay si Kuya Nicko sa akin.

Pagdating ko sa gate, wala ako nakitang anumang sasakyan. Mukhang pinagloloko ako ni Kuya Nicko! Pinagtitripan na naman ako! Maglalakad na sana ako papasok ng school nang biglang may nagtakip sa ilong na isang panyo na may chemical. Maya maya pa'y nawalan na ako ng malay at ang sumunod na nangyari, . .

naramdaman ko na lang, nasa isang van ako at dinadala kung saan.

******** 

- Gelo's POV -

" Boss! Hawak na namin ngayon ang babaeng sinasabi niyo. Papunta na kami dyan. " Sabi ng tauhan ko.

" Good! Pagdating niyo na yung bayad. " Sabay putol ng tawag. Kung ganon, naniwala nga siya na susunduin siya ng pinakamamahal niyang pinsan.

Uto uto nga talaga si Alwyna! Ang daling paikutin! Akala niya mahal ko siya? Hahaha! Lahat ng pinapakita ko ay pagpapanggap lamang!

Naglakad lakad muna ako dito sa loob ng abandonadong bodega. Ngayon na ang araw kung saan kami magtutuos ng mga Jimenez! Ako naman ang kukuha sd taong pinakamahalaga sa kanila!

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now