Chapter 15 - Concern ( Part 2 )

925 30 15
                                    

**Dedicated kay Felyrose Unida .hehe. Ang sarap na feeling diretso na sa watty ang update ng kwento ko :) hmm.... Nabitin ba kayo sa Chap 14??? hahahah :) WELL, Eto na yung kasunod :) I made this chapter LONGER than CHAP 14 :) heheheh ... MAY HINAHABOL AKONG DEADLINE FOR THIS STORY SO PLEASE BEAR WITH ME :)) 

ENJOY READING :))

***************************************

" Concern ( Part 2 ) "

- Alwyna's POV -

" Ano ba naman yan!! Anong oras na may tumatawag pa!! " Sigaw ko sa kwarto ko. Dali-dali akong bumangon sa kama ko at kinuha ang cp ko sa study table ko.

* I am not afraid to keep on living .............. *

Calling . . .  Kuya Nicko

" Anong oras na! Ano bang problema nitong si Kuya Nicko at tumatawag pa!! " Sigaw ko sa kwarto ko habang sabay na pinindot ang answer button.

" Hello?? . . . Alwyna? Ikaw ba yan? " tanong ni Kuya sa akin. Medyo naasar naman ako at naisipan kong pilosopohin siya.

" Malamang! Ako yung sumagot! Bakit tingin mo ba iba yung sumagot?? "

" Akala ko si Gelo kasi ang sumagot. Nakarating na sa akin ang balita na naaksidente ka kaya napatawag ako. "

"  Ah ganon ba?? So bakit ka nga napatawag? "  Ang dami-dami pa kasing sinasabi. Ayaw pa akong diretsohin.

"  Ganito kasi. . .  Kanina, habang papunta ako dyan sa inyo, sa hindi inaasahang pangyayari, nakita ko si Shayne na may kausap na lalaki. Si Kris yata ang pangalan nun. Ang sweet ni Kris dun kay Shayne kanina. "  Narinig ko pa na huminga ng malalim si Kuya pagkatapos niyang sabihin na ang SWEET NI KRIS KAY SHAYNE.

"  Si Shayne at Kris magkasama? Si Shayne talaga oh! Hindi nakinig sa sinabi ko! Pasaway na bata! "

"  Ha? Ano yung hindi nakinig sayo? "  Pag-uusisa ni Kuya.

"  Ahm. . . Wala yun. Maiba ako. . . Ano naman ang ginawa mo nang makita mo silang dalawa na magkasama at sinabi mo pa nga na ang sweet nga nila? "

"  Wala akong ginawa. HInayaan ko muna na matapos ang pag-uusap nila at umalis si Kris saka ko nilapitan si Shayne. Alwy  . . . Alam mo, tama ka. Bitter si Shayne kay Kris. Pero tutuparin ko ang pangako ko sa'yo at kahit ako ayaw kong makita si Shayne na nagkakaganyan nang dahil lang sa isang lalaki. Nahihirapan ang kalooban ko. "

Ramdam na ramdam ko talaga kung gaano kahalaga itong si Shayne dito sa Kuya ko. Sana lang matauhan na itong si Shayne at mapansin niya na may nag-eeffort para sa kanya. Na tulungan siyang kalimutan ang nakaraan niya at tumingin na sa kasalukuyan pati na rin sa hinaharap.

"  Ano pa nga ba ang magagawa ko? Haist! Hindi ko pwedeng puntahan si Best sa kanila dahil sa bilin na rin ng doctor ko na magpahinga muna ako sa bahay. Ahm . .  Kuya Nicko, ikaw na muna ang bahala kay Shayne.  Hindi ko muna siya mapupuntahan eh! Hindi pakiramdam ko ngayon. Ayaw ko muna pati konprontahin siya about dun sa nangyari. "  Pagdadahilan ko . Sa katunayan nga niyan, gumagawa ako ng paraan para mapalapit itong si Kuya NIcko kay Shayne. Gusto ko din kasi na maging masaya itong si Kuya Nicko sa lovelife niya.

"  Ganon ba? Sige ako nang bahala Alwy . .  Pagaling ka ha! Huwag ka nang masyadong mag-alala pa. Babalitaan na lang kita about sa bestfriend mo. Magpahinga ka na. "

" Oh sige! Thanks kuya.! Matulog ka na ah! May trabaho ka pa bukas ! " Sabay pindot ng reject button.

After ng pag-uusap namin ni Kuya Nicko ay nakahinga na rin ako ng maluwag. Maski ako, nahihirapan din ako sa kalagayan ni Shayne. HIndi ko kasi matanggap sa sarili ko na wala akong magawa kung bakit nagkakaganyan si Shayne.

- Nicko's POV -

Patuloy pa din akong nakahiga sa kama ko nang matapos ang call conversation namin ni Alwyna. Nakakatitig pa din ako sa kisame. Hindi ako makatulog. Sa twing ipinipikit ko ang aking mga mata, mukha pa din ni Shayne ang aking nakikita. 

" Haist! Ano ba naman to! Inlove na nga yata ako! " Mahinang bulong sa sarili.

Bigla ko naisip na kunin ang phone ko sa side table ko at tawagan si Shayne. Tama na simula ngayon pa lang ay tuparin ko na ang pangako ko kay Alwyna na BABANTAYAN at AALAGAAN ang BESTFRIEND niya.  Hindi na ako mapakali kakaisip sa kanya. Baka kasi patuloy na umiiyak na naman siya dahil kay Kris. Agad-agad kong hinanap ang contacts ni Shayne sa phonebook ng cp ko at agad na pinindot ang call button after kong mahanap ito.

Calling . . . Shayne

Buti naman at nag-riring pa ang phone ni Shayne! Makakausap ko na din siya kahit papano.

" Hello? Sino to? " Mahinang tugon ni Shayne.

" Si NIcko to! Nangangamusta lang. "

" Ah! Oh, napatawag ka? "  Mahinang hikbi nito.

" Umiiyak ka ba?? Kasi naririnig ko na humihikbi ka. "  Pag-aalala ko. Gusto ko kasi na malaman niya na andito lang ako na pwede niyang iyakan.

" AH....! Wala to... Hindi ako umiiyak nuh! " Pagtatanggol niya sa sarili kahit na halata ko na naman talaga na umiiyak siya. Medyo naiba kasi ang boses niya. Naging parang paos.

" Shayne, wag ka nang magsinungaling pa sa akin. Alam kong umiiyak ka ngayon.  "  Nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko. Hindi ko kayang nakikita o nararamdaman na nagkakaganyan si Shayne ng dahil sa isang lalaki lang. Okay pa sana kung may problema siya eh. At least yun, naiintindihan ko pa. eh, etong iniiyakan niya ang ex niya?? Aba! Iba na to! Ibang usapin na to.

" Ano ka ba naman, Nicko.! Hindi nga ako umiiyak.! " Patuloy pa din siya sa pagdepensa sa sarili.

" Bakit ba kasi ayaw mo pang umamin sa akin? Wala naman masama kung aaminin mo na umiiyak ka eh! Hindi naman kita pagtatawanan kasi! "  Medyo na naaasar na din ako sa attitude nitong si Shayne. Medyo makulit kasi na hindi mo malaman.

" Oo na! Umiiyak na ako! Ayaw pa din kasi mawala sa utak ko ang mga sinabi sa akin ni Kris na KAILANGAN KO NANG PAKAWALAN SIYA. WAG KO NA SIYANG MAHALIN. AT HIGIT SA LAHAT, MATUTO AKONG TUMINGIN SA IBA. PAKIRAMRAMDAMAN KO ANG MGA TAONG NAKAPALIGID SA AKIN AT MAKIKITA KO NA ANG MATAGAL KO NANG HINAHANAP NA KALIGAYAHAN. "  After niyang sabihin yan ay nagpakawala siya nang malalim na hininga at unti-unti ko nang nararamdaman na umiiyak na naman siya. 

" Shayne,  handa akong makinig sa mga hinaing mo. Pero sana, matuto ka nang mag-move on sa nakaraan. Maraming tao ang naaapektuhan talaga nang ginagawa mo. Isipin mo na lang kung sino-sino sila. Basta ang lagi mong tatandaan, HINDI LANG SI KRIS ANG LALAKI SA MUNDO. 

" Sabagay, tama ka! Bakit nga naman ako mag-fofocus kay Kris kung ayaw na niya sa akin. Thanks Nicko ah! Thanks sa tawag! Oh siya, maaga pa pasok ko bukas. Tulog na ako. "

" Salamat sa time , Shayne! Goodnight! "  Sabay baba ng tawag. 

Medyo nakahinga na ako ng maluwag after ng mga narinig ko. Kahit na nalaman ko na umiiyak na naman siya dahil sa lalaking iyon, at least medyo natauhan na siya sa sinabi kong yun sa kanya. Mahirap pa din kasi sa kanya na kalimutan ang lahat-lahat lalo na kung un ang unang boyfriend niya. Pero, bilang isang lalaking pinapahalagahan siya, hindi ako basta-basta susuko na lamang. Kahit na alam ko na sa sarili ko na IM FALLEN FOR SHAYNE, gagawa at gagawa ako ng paraan para makalimutan lang niya ang nakaraan niya. Kahit na gumamit ako nga STAR POWER, basta makita ko lang siyang ngumingiti at tumatawa, masaya na ako. 

Muli, ipinikit ko na ang aking mga mata. Ngayon, may dahilan na ako para magsumikap sa trabaho ko at may inspiration na din ako para lalo ko pang galingan ang acting skills ko. 

 Sana maramdaman niya na NAG-AALALA ako sa kanya. SANA "

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now