Chapter 18 - Argument

756 28 13
                                    

***Dedicated kay Airah :') sa aking munch :') Gandang ganda daw kasi siya sa flow ng kwento ko :') Keep on reading my story ha?? ;')

Enjoy reading guys :)

********************************************************************************

" Argument "

- Shayne's POV -

Hinatak ako palayo ni Daniel sa maraming tao. Dumadami na rin kasi ang mga nakikiusyoso sa pangyayari. Patuloy kaming naglalakad hanggang sa dalhin niya ako sa lugar na kung saan ay walang makakapansin sa amin.

Sa Basketball Court ng Wof.

" Daniel, bitawan mo nga ako. Nasasaktan ko! Ano ba, Daniel! " Sigaw ko sa kanya.

Agad agad naman niyang binitawan ang kamay ko. Tinignan ko agad ang right hand ko na mahigpit niyang hinawakan. Napahawak pa nga ako dito dahil sa sobrang sakit. Pero buti na lang, walang galos. Akala ko mababali na. Agad ko namang iniangat ang ulo ko at tinignan siya ng straight sa mga mata at saka ako nagsalita.

" Bakit ganoon ka makaasta sa harap ni Kris? Ano bang problema mo? " Pagtataas ko ng boses sa kanya.

Nakita ko naman sa mukha niya ang pagkagulat nang bigla ko siyang sinigawan. Tinitigan din niya ako straight sa aking mga mata.

" Sa ayokong nakikipag-usap ka sa kanya, may magagawa ka ba? Minsan ka na niyang sinaktan, gusto mo pang ulitin! Ano gusto mo palabasin ha? Na bitter ka sa kanya? "

Mabilis na nagloading sa utak ko ang mga sinabi niyang iyon.

Ako bitter? 

Bitter na talaga ako kay Kris! Matagal na Daniel kung alam mo alam!

Sa hindi ko malamang dahilan, bigla na lang tumulo ang aking mga luha.

" Eh sa mahal ko si Kris! Magagawa mo ba?! " Halos mapiyok na ako sa sinabi kong iyon sa kanya.

Inilagay naman ni Daniel ang kanyang mga kamay sa balikat ko at saka ako niyugyog. 

" Ano ba, Shayne! Umayos ka nga! Gamitin mo nga yang utak mo, pwede? Hindi ka na mahal nung tao! Mag-move on ka na! " Sigaw niya at binitawan ang mahigpit niyang pagkakahawak sa braso ko nang mapansin niyang wala pa ring tigil sa pagtulo ang aking mga luha.

" Wala ka na magagawa kung bitter ako sa kanya. Mahal ko talaga ang taong yun! At ano ba kita ha?! Hindi namna kita BOYFRIEND para umasta ka ng ganyan sa akin! Alam mo, ang hilig mong mangialam eh! Pwede ba! Huwag mo na ako pakialaman pa! Intindihin mo ang buhay mo! Hindi yung buhay ng ibang tao ang iniintindi mo!! "

" Hindi sa nangingialam ako sa buhay mo, Shayne! Ang akin lang naman ay ang maging okay ka na! Nahihiraoan na ang mga tropa mo na unawain ka sa sitwasyon mo ngayon at mas nahihirapan akong mkita kang nagkakaganyan! So please, Shayne . . .  Stop being bitter to him! Kung may awa ka pa sa sarili mo! "

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Minabuti ko na lang na hindi na magsalita pa.

Sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay direkta akong tinatamaan. Humakbang siya ng kaunti  palapit sa akin na nging dahilan para lalo kaming magkalapit. Konting-konti na lang ay mahahalikan na niya ako dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin.

Yumuko ako. Hindi ko matagalan ang ganoong eksena. Bumibilis na naman kasi ang tibok ng puso ko at nagsisimula na namang mamula ang mukha ko. Sa hindi sinasadyang pangyayari ay naitulak ko siya ng mahina palayo sa akin kaya napaatras siya.

" Bakit mo ba ako tinulak ha! Parang lumapit lang ako sayo para punasan yang luha mo tinulak mo na ako! " Sabay titig ng masama sa akin. Nakita ko sa kanyang mga mata ang galit, inis at awang nararamdaman niya para sa akin.

" Ayaw ko nang lumapit ka pa sa akin! Ayaw ko ng makita ka pa! Pwede ba maglaho ka na lang na parang bula! " Sigaw ko sa kanya.

" Ano ba yang pinagsasabi mo, Shayne ha? "

" Huwag ka nang umangal pa! Simula bukas, ayaw ko nang makita ka sa room o lumayo ka na lang sa akin! Lumipat ka ng upuan! Mas maganda kung lalayuan mo na ako! "

Napansin ko naman na may namumuong luha sa kanyang mga mata.

" Fine! Hinding hindi na ako magpapakita pa sa'yo lalong lalo na ang lumapit pa! Hindi ba yan ang gusto mo?? Sana maging masaya ka sa nagawa mong desisyon at SANA MAREALIZE MO NA HINDI KA NA TALAGA MAHAL NO KRIS!! "

After hearing those painful words, tumakbo ako palabas ng Basketball court. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan at pinagbubulungan nila ako. Basta ang alam ko . . 

MAHAL KO TALAGA SI KRIS !

****************************************************************************************

Patuloy lang ako sa pagtakbo nang biglang may humawak sa braso ko.

" Ano ba! Bitawan mo nga ako! Ano ba! " Pagpupumiglas ko.

" Calm down, Shayne."

Agad akong napalingon sa likuran ko. Saka ko lang narecognize na si Kris pala ang taong humawak sa braso ko. Napatitig agad ako sa kanyang mga mata. Napalitan na talaga ng coldness  ang emotion niya para sa akin na kung dati rati ay punung puno ng pagmamahal at happiness.

-Daniel's POV -

Nadatnan ko ang mga tropa ni Shayne na nakaupo sa bench at nagtatawanan. Lumapit ako ng tahimik para kunin ang bag ko at nang makaalis na.

" Daniel, saan ka pupunta ? Uuwe ka na ba ? " Pagtatanong ni Mhel na kasalukuyang kumakain ng malaking piattos.

" Ano ka ba naman, Mhel ! Kaya nga kinukuha na ang bag eh! Meaning uuwe na. " Pamimilosopo ni Renz.

Binalewala ko na lang ang mga sinabi nila at sinukbit na ang bag ko. Maglalakad na sana ako nang biglang may nagsalita galing sa likuran ko.

" Hindi mo na ba hihintayin si Shayne? Aalis ka na ba talaga? ” Sabi ni Kiara sa akin.

Ayaw ko nang magbigay pa ng komento kung bakit ako uuwi na.

Basta, simula sa araw na ito, hindi na ako maglalalapit pa kay Shayne. Ayaw ko munang makita siyang nahihirapan ng ganyan. Ang sakit isipin na dahil lang sa isang lalaki nagpapakatanga siya ng ganyan. Kakausapin ko na lang siya kapag ayos na ang lahat.

Ayos na sa amin ni Shayne ang lahat.

Nakalabas ako ng Wof nang walang pag-aalinlangan. Kahit na nakita ko si Shayne na nakatayo pa rin sa may exit ay binalewala ko ito. Mas mabuti na nga sa ngayon ang layuan ko muna siya para sa gayon ay makapag-isip isip na siya.

Pero, ang tanging hiling ko lang ay. . .

Sa aking pagkawala, sana maisip at maintindihan na ni Shayne ang lahat. Sana sa aking pagbabalik ay nakalimutan na niya ang nakaraan.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now