Chapter 44 [Special Chapter 3] - Farewell

493 15 0
                                    

****Last update for SPECIAL CHAPTER. I hope you like it :')

Enjoy Reading Guys :')

**********

" Special Chapter 3 - Farewell "

- Nicko's POV -

Dinala ko siya sa St. Lukes Hospital. Pagkadating ko pa lang sa tapat ng Emergency ay agad silang naglabas ng stretcher at binuksan ang pintuan ng sasakyan ko. Dahan dahan nilang nilabas si Alwyna at inilagay sa stretcher.

"Alwyna, don't die please! " Pagmamakaawa ko.

" Ano po bang nangyari sa kanya? " Tanong ng nurse habang tinitignan ang pulso niya.

" Nasaksak sa tagiliran. " Pagkatapos kong sabihin yan ay nagmamadali na silang ipinasok sa loob ng operating room si Alwyna. Hindi ko na nagawang sundan sila dahil ayaw kong maawa sa kalagayan niya ngayon.

Napaupo na lang ako sa sahig at matyagang hinintay ang doktor na lumabas sa operating room. Hindi naman mawawala ang pinsan ko di ba? Tutulungan pa niya ako kay Shayne di ba?

Yumuko ako para umiyak. Dito ko magagamit ang pagiging artista ko. Humagulgol ako ng iyak na animo'y wala ng bukas. Hindi ko hahayaan na mawala sa akin ang pinsan ko. Siya lang ang taong napakalapit sa akin at alam niya ang tunay kong pagkatao sa likod ng camera pero kailangan ko pa ring tanggapin kung ano ang sasabihin ng doktor sa kalagayan ng pinsan ko.

Nakarinig ako ng tunog ng pintuan. Agad kong iniangat ang ulo ko para tignan kung sino ang lumabas mula sa Operating Room at tama nga ang hinala ko! Isang doktor ang nakatayo ngayon sa harapan ko at palingon lingon.

" Sino dito ang kamag-anak ng pasyente? " Pagtatanong niya. Agad akong tumayo at inayos ang damit ko.

" Ako po ang kamag-anak ni Alwyna Jimenez. Kamusta na po ang lagay niya? " Nilakasan ko ang loob ko. Kailangan maging matatag ako sa kung ano man ang maririnig ko mula sa doktor.

" Malalim ang sugat niya kaya tinahi namin ito. Buti naagapan siya na dalhin dito kaya hindi siyanaubusan ng dugo. I advice you to admit her for 1 week para maobserhan. Before I forgot. . . She is now in room 415. A private room. " Sabi ng doktor at naglakad na siya palayo.

Halos tumalon ako sa tuwa. Hindi ko pinansin ang mga tao dito sa hospital dahil kanina ko pa naririnig ang pagbubulungan nila at sa halip ay nagmamadali akong pumunta sa kwarto ni Alwyna. Agad akong pumasok sa loob para tignan siya.

Natutulog pa din siya at kitang kita ko ang pagkakatahi ng sugat niya. Nagpapasalamat ako sa Diyos at hindi niya pinabayaan ang pinsan ko.

Kinuha ko upuan malapit sa table at tumabi ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at mariing pinisil ito.

" Pasensya ka na, Alwy! Hindi ko naman alam na may binabalak si Gelo sa pamilya niyo. Kung maaga ko nalaman ang lahat ng ito, sana hindi ko na siya tinanggap. Pasensya ka na talaga ha? Pangako hindi na kita hahayaan pang makalapit sa kanya. "

Pinisil ko ulit ang kamay niya. Alam kong kailangan mo ito ngayon kaya magpahinga ka lang muna pansamantala dito at kapag nakabawi ka na ng lakas, saka natin pag-usapan ang mga nangyari.

Kinuha ko agad ang phone ko sa bulsa at tinext si Kuya Kenji para padalhan ako ng damit at gamit dito. Nagulat pa nga ito nang malaman na nasa hospital ako ngayon. Sinabi ko naman sa kanya ang nangyari at naunawaan naman niya ako. Siya na rin ang bahala na magdahilan sa press at sa mga upcoming guestings ko.

Mas maganda nang dito muna ako pansamantala dahil alam ko. . . , 

Kailangan ako ni ALWYNA JIMENEZ ngayon.

************

- Alwyna's POV -

Ang lambot ng hinihigaan ko. Nasa langit na ba ako at kasalukuyang nakahiga sa mga ulap? Nasaan naman kaya si San Pedro? Bakit wala siya dito?

Minulat ko ang aking mga mata. Kulay puti ang bumungad sa akin. Malamang ito na nga ang langit at maya maya lang ay susunduin na ako ng mga anghel. Lumingon ako sa paligid. Bakit may pintuan? Iyan na ba ang tinatawag na heaven's gate? Pero bakit may door knob?

Sunod kong iginalaw ang kaliwang kamay ko pero bakit hindi ko magalaw? Para bang may nakadagan dito? Nang tignan ko kung ano ang nakadagan, isang nakayuko na tao ang sumalubong sa akin. Bahagyang gumalaw ito at iniangat ang ulo niya.

" Alwyna!! Mabuti't nagising ka na. Masakit ba ang tahi mo? " Pag-alala ni Kuya Nicko at umayos na siya ng pagkakaupo. So, hindi pa ako patay! Niligtas pala ako ni Kuya Nicko mula sa kapamahakan. Ningitian ko siya bilang tugon.

" Hindi naman masakit. Siguro nilagyan ng pampamanhid kaya wala ko maramdaman. By the way, salamat ha? "

" Wala yun! Hindi ka pa pwedeng mamatay no! Tutulungan mo pa ako sa panliligaw ko kay Shayne. " Naaksidente na nga ko't lahat, panliligaw pa din kay Best ang inaalala. Kapilyuhan talaga oh?

" Maiba ako, nasan si Gelo? Anong ginawa mo sa kanya? " Sa kabila ng nangyari, nag-aalala pa din ako sa kanya. Hindi ako nakaramdam ng kahit na anong awa sa kanya. Nadamay lang ako sa gulo na ito.

" Hindi ko alam! Binugbog ko lang naman siya para matauhan. Teka nga! Kesa siya ang isipin mo, magpagaling ka na lang muna dyan. Hindi ko siya pinakulong. Huwag kang mag-alala. "

Ngumiti lang ako. Oo, tama si Kuya! Magpapagaling na muna ako. Alam kong magiging okay din ang lahat.

*********

Naging mabilis ang recovery ko. Hindi ko ipinaalam sa tropa ang nangyari dahil ayaw ko naman na mag-alala sila sa akin. Nasabi ko na din sa parents ko ang nangyari kaya pinapasunod na nila ako sa France at doon na mag-aral para mabantayan na nila ako.

Si Gelo? Nagkapatawaran na kami. Inamin niya ang pagkakamali niya at halata naman na pinagsisisihan niya iyon. Hindi ko na siya driver ngayon at sa halip ay manliligaw ko na siya. Oo! Tama kayo ng pagkakabasa! Inamin na din niya sa akin ang totoo niyang nararamdaman at ang lahat ng mga pinagsasabi niya nang araw na iyon, dala lang ng galit mula sa nakaraan at syempre! Tuwang tuwa naman ako dahil finally, inlove na din siya sa akin.

Sinabi ko na din sa tropa na aalis ako papuntang France nang magdaos kami ng party sa bar ni Kuya Nicko. Ako din ang nagplano ng surprise na ginawa ni Kuya kay Shayne at kitang kita ng dalawang mata ko kung paano kiligin si Shayne at kung paano nagselos si Daniel.

Hay! Iyang mga ala ala na yan ang babaonin ko pag-alis ko. Hindi na ako nagpahatid sa tropa dahil ayaw kong magambala ang trimestral break nila ngayon. Tanging si Gelo at Kuya Nicko lang ang kasama ko ngayon dito sa airport habang hinihintay ang flight ko.

" Hindi ka na ba talaga mapipigilan? " Malungkot na sabi ni Gelo sa akin.

" Oo eh! Pero babalik ako. Tatapusin ko lang ang pag-aaral ko doon. Huwag kang mag-alala. Skype lagi tayo pagdating ko pa lang doon. Kaya huwag ka na malungkot dyan. " Nakangiti kong sinabi sa kanya at hinaplos ang mukha niya. Tumango lang siya bilang tugon.

" Ingat ka doon, Alwy ha? Pasalubong ko. Don't forget. " Pagpapaalala ni Kuya. Kagabi pa ako kinukulit sa pasalubong na yan.

" Oo nga! Oh siya! Tinatawag na ang flight namin. Ingat kayo dyan ha? " Nag-wave pa ako bago ko silang tuluyang talikuran. Masaya akong aalis sa bansang ito pero hindi ko pa din magawang hindi mag-alala lalo na't bumalik na si Nicole Anne Fontanilla, ang ex-girlfriend ni Daniel at former classmate ko noong high school. Kitang kita ko kung paano niya saktan at lokohin si Daniel.

" Mag-iingat ka, Shayne ha? Bumalik na pala ang ex girlfriend ni Daniel. Kayanin mo ang lahat ng pagsubok kahit wala ako. Nandyan naman ang tropa para gabayan ka. "

Sabi ko sa sarili ko at tuluyan na akong sumampa sa eroplano.

Sa pag-alis kong ito, marami na naman ang pwedeng mangyari. Alam ko malalagpasan din nila ito. Kung kaya ko, kaya din nila lalo na si Shayne.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now