Chapter 30 - Secret Conversation Part 1

610 19 0
  • Dedicated to Charlene Arsenal
                                    

****Dedicated to: Charlene Arsenal and company (LavChar) Thanks at nagustuhan niyo yung story ko :) Keep on reading ha?? At hindi mo magegets ang chapter na ito kapag hindi mo nabasa ang Chapters 16-29 :)

JUST CLICK THE EXTERNAL LINK AT THE RIGHT SIDE OF THE SCREEN IF YOU WANT TO READ THE FANFIC OF THIS STORY MADE BY: GRACEFIFTEEN :) THERE ARE SOME CLUES THERE AND MAYBE YUN DIN ANG MAGING ENDING NG STORY NA TO :) HAHA MAYBE LANG HA?? HINDI PA FINAL YUN :)


Enjoy reading guys :')

*****************

" Secret Conversation Part 1 "

- Shayne's POV -

Nasaan na ba ang lalaking yun! Ang bakit ba kasi biglang umalis yun! Sabi niya ihahatid niya ako pero bakit wala pa siya?

1 hour na din akong naghihintay dito sa may waiting shed at ilang mga estudyante na rin ang nagsisipaglabasan. Nang mamukhaan ko ang isa sa kanila ay agad akong lumapit sa kanya. Sa pagkakatanda ko, kaklase ko itong namukhaan ko.

" Charlene, nakita mo ba si Daniel sa loob? " Pagtatanong ko na medyo natataranta at naiinis.

" Hindi eh! Kayo, Vangie at Lynie, nakita niyo ba si Daniel? " Pagtatanong niya sa mga kasama niya. Umiling lang si Lynie. Halata na hindi niya napansin si Danielg

" Ah. Si Daniel ba ang hinahanap mo? Nakita ko siya kanina na umalis papunta sa Dean's office. Tinawag yata ni Dean eh. Nilapitan kasi siya nung proctor natin. Mukhang may sinabi ang proctor natin kaya umalis agad si Daniel. " Pag-eexplain ni Vangie na medyo natatawa pa.

" Ah ok. Thanks sa info. " Nakangiti kong tugon sa kanila. Agad akong umalis sa harapan nila at nagmamadaling pumasok sa loob ng ICCT at agad na dumiretso sa Dean's Office.

Nakasara ang pintuan ng Dean's Office at nang subukan kong buksan ay nakalock ito sa loob. Wala na ako nagawa kundi ang umupo sa waiting area. Naglabas ako ng malalim na buntong hininga. Bakit kaya siya pinatawag ng Dean namin? May ginawa ba siyang kasalanan? O kaya naman ay nahuli kaya kami kanina na nagpapalitan ng papel? Haist!

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now