Chapter 32 - His Secret Identity Part 2

630 19 4
                                    

****Eto na po ang kadugtong ng chapter 31 Part 1 :') Sorry kung bitin ung Part 1 :') Im sure dito bawing bawi kayo sa pagbabasa :') Sa next chapter na po ang dedication :) Minamadali ko na po ang update sa kwentong ito para bago matapos ang 2012 ay tapos na rin ang kwentong ito :) Pagpasensyahan niyo na kung lame ang update :) Isang araw ko lang po iyan tinaype :) No copy reading po iyan :)

Enjoy reading po :')

*****************

" His Secret Identity Part 2 "

- Shayne's POV -

Nag-iba ang awra ni Daniel nang makita niya si Kris. Biglang kumulo ang dugo niya dito. Kitang-kita ko kung paano niya isinara ang kanang kamao niya. I think gusto lang niya na suntukin si Kris dahil nga sa iniwanan niya ako sa ere or sa isang hindi ko malaman na dahilan. Naglakad ako papunta kay Kris. Sumusunod lang si Daniel sa akin. Gusto niya siguro makita at marinig ang mga posibleng sabihin ko kay Kris lalo na't ngayon ay nabubuo na ang konklusyon na binigay niya sa akin.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin. Agad kong nilapitan si Kris. Kanina pa siya palakad lakad na akala mo ay nababahala. Parang may malalim siyang iniisip.

" Kris! Anong ginagawa mo dito? " Sigaw ko sa kanya habang naglalakad papunta sa kanya. Nasa likuran ko lang si Daniel. Hindi pa din nagbabago ang kanyang emosyon. 

" Ahm. . Pwede ba tayo mag-usap? " Sagot ni Kris sa tanong ko. Agad siyang napatingin sa taong nasa likuran ko.

" Oh kasama mo pala si Daniel. " Binigyan lang niya ito ng masamang tingin.

" Oo, kasama niya ko! Bakit may problema ba ha, Kris? " Sagot naman ni Daniel sa sinabi ni Kris. Parehas silang nagpalitan ng tingin kagaya ng nangyari noong unang pagkikita nila.

" Wala naman! Nagtatanong lang ako! Malay ko ba na sa isang katulad mo lang pala ako ipagpapalit ni Shayne! " Sigaw ni Kris kay Daniel.

Hindi sumagot si Daniel sa sinabi ni Kris. Minabuti na lang niya na manahimik.

Katahimikan ang namagitan sa aming tatlo. Tinitignan nila kung sino sa amin ang mauunang magsalita o ang babasag sa katahimikan. Ako na naiipit sa sitwasyon ay walang magawa.

Napalunok ako bigla. Bigla na lang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Daniel sa akin kanina.

" Kilala mo kung sino siya. Naging parte na siya ng buhay mo. "

May kinalaman ba talaga si Kris sa pangtitrip na ginawa sa akin noon? Hindi na naman siguro nakakailang kapag tinawag ko si Daniel sa codename niya? Yun na din ang paraan para malaman ko kung talaga ngang inutusan ni Kris si Daniel na pagtripan ako.

" Ahm. Mr. Walangpera, Kris! Tama na nga yang palitan niyo ng masasamang titig! " Sigaw ko sa kanila.

" Ano yung sinabi mo? Ano yung tinawag mo kay Daniel? " Naguguluhang tanong ni Kris sa akin.

" Bakit? Tinawag ko lang naman si Daniel sa codename niya. Di ba Daniel ang codename mo sa clan natin dati ay Mr. Walangpera? " (~~,) 

" Oo! Iyon nga yung ginamit kong codename! Bakit? " Tugon ni Daniel sa akin. Marahan niyang hinawakan ang balikat ko. Parang binibigyan niya ako ng lakas ng loob para ituloy lang ang mga sinasabi ko. Napalingon ako kay Kris na gulat na gulat at namumutla. Hindi ko mahulaan kung bakit naging ganyan ang reaksyon niya nang tawagin ko si Daniel gamit ang codename niya. Pero isa lang ang ibig sabihin nito. May kinalaman nga siya sa nangyari noon at baka nga siya ang tinutukoy ni Daniel na nag-utos sa kanya na gawin yun para pagtakpan ang kasalanang kanyang ginawa.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now