Chapter 26 - Books

640 23 1
                                    

***Thanks sa nagbigay ng idea sa akin :') Thanks din sa pagfan.

***Eto na kadugtong ng resulta ng demands ko sa Chapter 24 :')

Enjoy Reading Guys :')

**************************

" Books "

- Shayne's POV -

Tinignan ko ang wrist watch ko.

" 5pm na. . " Bulong ko.

Nakasuot ako ng white blouse, blue shorts with matching pig tail at kinulot ko pa ang buhok ko. Nilagay ko ang mga gamit para sa review sa isang paper bag na ang design ay mga teddy bear. Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba ng hagdan. Agad ko naman nakita si Mama na kasalukuyang nasa kusina at inihahanda ang hapunan. Agad ko namang nilapitan si Mama para magpaalam.

" Ma, pupunta muna ako sa bahay ng kaklase ko. Sa Korte Rosario lang po. Baka po gabihin ako ng uwi. "

" Bakit? Anong gagawin mo don?? "

" Magrereview po para sa qualifying exam sa Sabado po. Eto nga po yung mga gagamitin sa review mamaya eh. " Sabay taas ng paper bag.

" Ok. Ingat ka ha? Text ka na lang sakin kapag uuwi ka na. "

" Sige po. " Hinalikan ko si Mama sa pisngi at saka naglakad palabas ng bahay.

*beep.beep*

" Ay, Palaka ! " Sigaw ko habang nagsasara ng gate.

Napaharap ako bigla sa kinaroroonan ng sasakyan. Bumukas ang window ng sasakyan sa bandang passenger's seat. Bumulaga sa akin ang mukha ni Nicko.

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now