Kabanata 38

138 3 0
                                    

Maybe it was my fault why did these things happen to me. Sa umpisa pa lang, binigay ko lahat at buo, nang walang halong pangamba. Recalling my life these past few months, I came up with a realization that even if you gave everything you have, there's still a tendency people find you not enough. And that's actually scary.

"E, bakit mo pa kasi pinagtatiyagaan 'yan? Parang mushroom na bigla bigla nalang susulpot tapos bigla bigla ring nawawala. Ano 'yon? Magpaparamdam lang kung kailan niya gusto at kailangan ka?" Ara ranted after telling her the story.

Natahimik ako. Napapaisip din ako sa sinabi niya.

Ganoon si Aaron. Magpaparamdam siya tapos hindi na naman. Naintindihan ko 'yon noong una kasi I was thinking he was busy and I was also busy with my studies but lately things had gotten worse. Tapos ito na nga. 'Di na kami magkaibigan. Kung gaano kabilis kaming nag-click as friends, ganoon din kabilis nag-flash na we're strangers again.

"Bakit kaya gano'n? Bakit tayo iniiwan?" Tanong ko. "Bakit ang dali lang para sa kanila ang mambalewala ng isang tao? 'Di ba nila iniisip 'yong mararamdaman ng taong 'yon?"

Or maybe it's just me. Ayokong nambabalewala ng isang tao lalo kung alam kong kailangan niya ako. Pero sa ibang tao wala lang sa kanila. Kung trip nilang mamigay ng atensyon, saka lang sila available. Tapos kapag bored sila sa'yo, itatapon ka nalang na parang basura. Ayaw na nila sa'yo kasi nga boring ka.

She sighed in dismay. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa kanyang inuupuan. Vacant namin ngayon at katatapos lang ng pagrereview namin for final exam.

"Natasha, alam mo na ang sagot. Halata naman," sabi niya.

"Ang alin?" I asked in confusion.

"You're always available kasi, Natasha. Siyempre he would think he can talk to you anytime kasi one text away ka lang. Gusto mo ng realtalk? 'Di ka talaga niya kailangan, Natasha. Ikaw lang nag-iisip niyan."

I looked away. Parang tinaga ang puso ko sa sinabi niya. Ang sakit naman.

"Girl, learn to say "no" to anyone. Hindi dapat laging available for their inconvenience. You're not a hero. You're not a savior at 'di ka punching bag!"

Napahinga ako nang malalim.

"Alam mo? Sa kanya lang ako ganito. 'Di ko rin maintindihan bakit ako nagkakaganito. 'Di ko alam kung bakit malaking problema sa akin 'yong nangyari. Do I even deserve this? Naging mabuting kaibigan ba ako sa kanya?"

"Sobra pa nga eh. Dinaig mo pa pagiging girlfriend niya," she chuckled. "Pero ito ha? You did nothing wrong sa friendship niyo. Kung ayaw na niya sa inyo, go! Hayaan mo siya! Matanda na 'yon. Alam niya naman kung sino ang kailangan niya."

"Pero 'di ba sayang din 'yong friendship namin?"

"Oo naman. Sayang talaga. Bihira lang siya makahanap ng tulad mo. He's just too dumb not to realize your worth as a friend. Ikaw nga lang 'tong nagtatiyaga sa kanya tapos 'di niya pa pinapahalagahan? Hay naku, Aaron. Bulag ka."

I gulped once. Ang bigat ng dibdib ko. Nasasakal ako. Nahihirapan akong huminga.

"So anong nangyari? As in 'di na talaga kayo nagkikita pa? Walang reply?"

"Walang reply pero nagkita kami last time."

"Oh? Paano? Nagkausap kayo?"

"Hindi. 'Di ba sabi ko dati pa man may meeting place kaming magtotropa tapos doon kami tumatambay sa gabi kapag nagkayayaan?"

"Oh tapos?"

"So noong April 10 ng gabi, 'di ko alam na may usapan sila. Nakita ko lang sila na nandoon sa meeting place tapos kasama si Aaron."

Handang MaubosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon