Kabanata 36

118 3 0
                                    

How can you love someone who never saw you as a potential lover? How can I convince myself na 'di ko siya gusto? Posible kayang nadadala lang ako ng emosyon ko pero ang totoo ay hindi ko naman talaga siya gusto? Siguro nabigla lang ako kasi iba si Aaron sa lahat ng nakilala kong tao?

"Tama na, Natasha. Tama na ang pagiging punching bag ni Aaron," Ara pleaded. Nababasa ko sa kanya ang awa niya para sa akin. "Tama na sa pagiging takbuhan niya. Tama na ha? Nauubos ka na."

"What's wrong with me, Ara? Gusto ko lang naman tumulong. Am I too much? Sumobra ba ako?"

"No, girl. He just didn't realize who really cares for him. At 'di mo naman kasalanan 'yon. Your intentions are pure and genuine. Mali niya kasi nagbubulag-bulagan siya."

"Nakakapagod kasi, Ara. Alam mo 'yon? I'm trying my best to save him from pain pero siya 'yong bumabalik doon. Habang inaayos ko siya, sinisira niya ako kasi 'di naman niya binibigyan ng importansya 'yong ginagawa ko."

"He's just killing you, Natasha. Kaya dapat talaga na i-cut out mo na siya sa buhay mo."

"But how can I do that kung ako nalang 'yong maaasahan niya tapos nawala pa ako?"

"Mawawala ka talaga niya kasi 'di ka naman niya iniingatan. Ang gusto lang naman niyang pagtuunan ng pansin ay 'yong pain niya. 'Di man lang niya iniisip na nasasaktan ka na niya."

Hindi na ako umimik. Ang sakit pala. Pero bakit nga ba ako nagdedemand ng atensyon niya? Bakit parang humihingi ako ng kapalit sa lahat ng ginagawa ko para sa kanya?

"Tama bang magdemand sa kanya?" tanong ko. "Kasi 'di ba dapat okay lang sa akin na hindi kami nagkakausap kasi may kanya-kanya naman kaming buhay and I respect his? Kasi kung tayo 'di tayo nag-uusap minsan, wala namang issue."

"Mali ka," aniya. "Siyempre kaibigan mo si Aaron at normal lang na nagdedemand ka ng time for him kasi para saan ang friendship kung walang communication?"

"Eh bakit 'yong iba friends pa rin hanggang ngayon kahit ilang taon na silang 'di nag-uusap? Like matagal bago sila mag-usap pero kapag naman magkakausap ulit parang kahapon lang ang huling conversation."

"Iba naman 'yon, Natasha. Sila kasi talaga wala namang confusion sa friendship nila. 'Yong inyo kasi ni Aaron 'di mo maintindihan kung ano ba talaga kayo. Minsan okay kayo tapos bigla nalang 'di nag-uusap. Mapapaisip ka talaga kung anong nangyari at bakit may nagbago. Minsan kasi silence is a sign of miscommunication. 'Yong iba dinadaan nalang sa biglang walang paramdam kasi 'yon na pala 'yong first step on how to leave someone. Tapos 'yong ginaganoon nila, they start to wonder what happened kasi okay naman tapos biglang hindi na."

"Pero bakit kailangang umalis? Bakit kailangang i-sacrifice 'yong friendship o 'yong tao mismo?"

"Kasi nga when you found a gem, you will throw away the stone. As simple as that. Imagine powerbank ka. Kapag may nangangailan ng recharge, sa'yo lalapit. 'Di ba kapag full charge na ang cellphone tinatanggal na natin 'yon? It's the same with life and friendship. 'Di ka na ulit kailangan kaya isasantabi ka."

Sobrang bigat ng dibdib ko. Dala ko 'yon hanggang sa pag-uwi ko. Napansin nila Nanay at Tatay 'yon.

"Bakit ang tamlay mo?" tanong ni Tatay.

"Pagod lang po siguro. Sobrang traffic din kasi."

"Ayos ka naman ba? Gutom ka na?"

"Wala pa po akong ganang kumain, Tay. Siguro matutulog muna ako."

"Sige, tulog ka muna para paggising mo kakain na tayo. Nakapagluto na ang Nanay mo."

"Opo,"

I excused myself from them. Umakyat kaagad ako sa taas at natulog. Paggising ko, alas otso na ng gabi. I checked my phone if Aaron left a message. Wala pa rin. Ni hindi nga niya binuksan ang huli kong message. Naka-sent pa rin.

Handang MaubosWhere stories live. Discover now