Kabanata 37

126 3 1
                                    

"Di na kita nakikita lately," sabi ni Kiko habang tinatahak namin ang main road ng subdivision.

"Busy ako sa midterm lately tapos magkakaroon ulit kami ng final exam."

"Eh kayo ni kuya? Okay lang naman ba kayo?"

"Uhh... 'di na kami nag-uusap eh."

"Oh? Bakit? Pero friends pa rin naman kayo?"

"'Di ko alam. Siguro oo, siguro hindi na."

"Anyare ba sa inyo?"

"Siya ang unang 'di kumausap. One time kasi I was busy preparing for my midterm tapos nagkaproblema ata siya tapos sabi niya lahat daw iniiwan siya and then ayon, wala ng paramdam. Hindi na niya nireplyan ang texts ko."

"Kailan ba 'yon?"

"Last last month pa ata 'yon."

"Tapos hanggang ngayon 'di pa rin kayo nag-uusap?"

"Ganu'n na nga. Bakit ko ipipilit kung ayaw naman talaga niya?"

Hindi siya umimik. Kita sa mukha niya na nag-iisip siya.

"Hindi ko rin kasi alam anong nangyayari kay kuya eh. Lately naging secretive siya. Pero okay naman siya sa bahay. Nakikitawa naman sa amin."

"Nandiyan ba ang Papa niya?"

"Wala na. Umalis noong last last month lang din."

"Edi sila na ulit diyan? Anong sabi ng Mama?"

"Si Tita lang naman ang nagpupumilit na tanggapin ulit si Tito. Gusto niya kasing buo sila. Eh ayaw nga ni kuya. Tapos noong umalis ulit si Tito, nawala sa katinuan si Tita. Malaking burden 'yon para kay kuya kasi may mga kapatid pa siya tapos inaalagaan niya Mama niya."

Bumigat ang dibdib ko. I can't fully imagine Aaron's life right now. Kaya ba noong wala ako naisip niyang lahat nga iniiwan siya? Pero isang beses lang naman 'yon, ah? Isang beses lang akong nawala pero bakit sobrang laking issue na 'yon?

"Kuya needs time, 'tol," ani Kiko. "Marami ka pang dapat na pag-aralan sa kilos at pag-uugali niya. Masyado lang mabigat para sa kanya ang nangyari kaya siya nagkakaganyan. Dagdag pa 'yong away nila ni Ate Sheba. Alam mo namang iba rin si kuya pagdating kay ate. Nagkasabay sabay 'yong problema at feeling ni kuya wala siyang karamay kaya ganu'n ang nangyari sa inyo."

"Naiintindihan ko naman, 'tol. Ang akin lang naman ay gusto kong malaman anong nangyari. Ang hirap kaya na wala kang alam tapos ganito 'yong nangyayari. Mapapaisip ka kung ikaw ba ang may kasalanan."

"Wala kang kasalanan, 'tol. Away nila 'yon."

"Pero 'di kaya alam na ni Sheba na nag-uusap kami ng kuya mo?"

"Hindi malabo. One time nakita ko story ni Ate Sheba, sabi niya doon "kaya pala busy kasi busy kausap ang ibang babae". Akala niya guro nambababae si kuya."

Lumawak ang mata ko. Bigla akong sinuntok ng takot at kaba.

"Seryoso? Like Sheba thinks babae ako ni Aaron?"

Bumungisngis siya.

"Kahit naman sino sinasabi ni Ate Sheba na babae ni kuya. Napakaselosa. Kaya si kuya bihira lang siya nakikipag-usap kasi kahit tropa niyang mga lalaki pinagseselosan ni ate."

"Talaga?! Grabe naman 'yon? To think siya 'tong cheater pero siya 'yong selosa at mapambintang?"

Tumawa si Kiko sa sinabi ko.

"Sabi mo pa. Takot nga tayo sa sarili nating multo."

"Pero ano... issue ba kay Sheba na nag-uusap kami ni Aaron?"

Handang MaubosWhere stories live. Discover now