Kabanata 17

96 5 1
                                    

Lumala ang kalagayan ni Papa. Halos hindi na ako makapag-concentrate sa pag-aaral dahil inuuna ko siya. I'd rather fail in school than to watch my father's worse condition.

"Ipa-check up na natin si Papa, 'Nay. Kailangan na niyang matignan!" Pangungulit ko kay Nanay.

Ayaw ni Papa na magpatingin sa doktor. Ayaw niya kasing gumastos dahil wala sa budget.

"Pilitin mo ang Papa mo, Natasha. Alam mo namang ayaw niya," sagot ni Nanay.

I ran inside the room of my father. Mabuti nalang Miyerkules ngayon. Wala akong pasok. May natambak akong gagawin pero saka na 'yon. Hindi rin ako makakapagconcentrate kung uunahin ko 'yon.

Pagpasok ko sa kwarto ni Papa, nadatnan ko siyang nakahiga. Nangangayat na siya at halata 'yon sa kanya. Nilapitan ko siya. Halos madurog ang puso ko habang nakatingin sa kanya.

"Pa," sambit ko.

Mabagal akong nilingon ni Papa. Uminit kaagad ang sulok ng mata ko nang magtama ang paningin namin. Umupo ako sa gilid niya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Pa, tara na... pacheck up na tayo," paglalambing ko. "Para naman malaman na natin ano 'yang karamdaman mo."

"Ayos lang ako, 'nak-"

"Hindi ako papayag, Pa! Kailan mo balak magpatingin? Kung kailan huli na ang lahat?"

Gusto kong magalit kasi ang tigas ng ulo ni Papa. Ayaw niyang makinig! Kung pera lang naman ang iniisip niya, may nakatabi naman kami.

"Pa, please..." lumandas ang luha sa pisngi ko. "Sige na, Pa. Pacheck up na tayo. Ayokong nakikita kang nahihirapan. Para na rin malaman natin kung ano bang dapat gawin para gumaling ka."

Tahimik akong umiyak. Natatakot ako na mawala si Papa sa'kin. Natatakot ako sa posibilidad na mangyari sa kanya. Iwan na ako ng lahat, huwag lang ni Papa. Hindi ko kaya!

Tumango si Papa. Umusbong ang pag-asa sa puso ko. Kaagad kong niyakap si Papa sa tuwa.

Dahil nakumbinse ko si Papa na magpatingin kami sa doktor, kaagad ko siyang hinanapan ng magandang damit. Gusto kong maging presentable siya kahit hindi na siya maliligo.

Inalalayan nila Nanay Gabbi at Tatay Kenneth si Papa hanggang sa makasakay kami ng jeep papuntang hospital. I was just silent the whole time but my heart was praying and hoping. Sana hindi malala ang kalagayan ni Papa. Sana kaya pa siyang gumaling.

Pagdating namin sa hospital, naghintay pa kami sa tanggapan nila. Si Nanay na ang nag-ayos at nakipag-usap sa mga tauhan ng hospital. Kami naman ni Papa ay tahimik lang. Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. I smiled at him.

"Pa, gagaling ka rin. Baka nga acidic ka lang pero ibang level. Sana talaga hindi malala 'yan," sabi ko sa kanya.

Tipid lang siyang ngumiti. Kinilatis ko ang mukha niya at napansin ang kanyang paninilaw.

"Bakit naninilaw ka, Pa?" Takha kong tanong.

"Talaga?"

Hinanap ko si Nanay Gabbi at saktong palapit siya sa amin.

"'Di ba naninilaw si Papa, 'Nay?" I asked her.

Nanay Gabbi checked my father's condition. Sumulyap si Nanay sa akin bago sila nagkatinginan ni Papa.

"'Di ba, Nay?" I asked again.

"Oo nga," si Nanay na mukhang nagtataka rin. "Ano ba kinain mo?"

"Wala naman. 'Yon lang 'yong chicken curry na niluto mo."

Handang MaubosWhere stories live. Discover now