Kabanata 6

142 6 10
                                    

"'Di ba boring na wala kang mga kapatid?" Aaron asked me.

We both decided to bike around. Hiniram niya 'yong bike ni Kiko at nagpaalam sa loob na maglilibot kami ng buong subdivision. Biro niya pa mamamasyal kami. Magto-tour daw.

"Minsan. Lalo kapag ako lang mag-isa sa bahay," sagot ko.

"Eh anong ginagawa mo kapag mag-isa ka lang?"

"Minsan natutulog, minsan nagpapatugtog. Bahala na."

He chuckled. "Ayos pala e. Minsan ba gusto mong makasama Mama mo?"

I made a facial reaction. "Hindi. Never."

"Bakit? Galit ka ba sa kanya?"

"Hindi rin. Siguro kasi malayo ang loob ko sa kanya. Pero 'di ako galit sa kanya, ha? Mama ko pa rin naman siya pero it doesn't mean gusto ko siyang makasama."

Nanahimik siya. Nagpatuloy naman ako sa pagpapadyak.

Bago mag alas onse ng gabi ay umuwi na ako ng bahay. Umuwi na rin siguro si Aaron. Hinatid niya lang ako at umalis na rin siya.

I spent my whole vacation with my friends. Napapadalas ang labas namin ni Aaron kapag gabi. Nagkukwentuhan lang kami tungkol sa sarili namin. Nagtatawanan kami at nag-aasaran.

August was the start of our school year. I took BAC in PLM where I passed the exam and enrolled myself. Bukod sa musika, pinangarap ko rin ang maging DJ sa radyo. Gustong gusto kong tawagin akong DJ Natasha. Gustong gusto kong naririnig ang boses ko sa radyo.

"May assignment ka na sa PCM?" Ara asked me.

Ara was my blockmate. Siya ang una kong naging kaibigan. Dalawang linggo na rin mula nang nag-umpisa ang klase kaya medyo malapit na kami sa isa't isa.

"Yup. Ikaw ba?"

"Wala pa. Inuna ko ang pagrereview sa UTS. Ang hirap kasi."

"Gawin mo muna 'yong assignment. Sabay na tayo mag-review para sa quiz mamaya."

"Okay. Vacant natin ngayon, 'di ba?"

"Yup. Mamayang one o'clock ang next subject."

"Sige salamat, Natasha!" she smiled at me.

I spent my vacant time in reviewing the lessons in UTS. Hindi ako mahilig sa philosophy kaya nahirapan akong pag-aralan ang mga philosophers. Although they were familar, kinailangan kong mag-recall ng lessons.

Pagkatapos gumawa ni Ara ng essay ay nag-review na kami. Kahit papaano ay naging madali sa'kin ang mag-aral. Nagbabatuhan kami ng tanong at kapag mali ay tinatama namin.

Ara got 28/30 while I got 26/30. Nagkamali ako sa dalawang tanong na 2 points. Okay lang. Babawi nalang ako sa susunod.

Noong uwian ay nagkahiwalay na kami. Ara got her own apartment while I travelled back and forth. Nasa Fairview pa ang bahay namin kaya nakakapagod talaga ang biyahe.

Noong gabing iyon, natulog ako nang maaga. Lagi ng pagod ang katawan ko. Wala pa rin si Papa kaya 'di ako makahiling na magrent nalang ng murang bedspace malapit sa Intramuros. Umuwi siya last month and after one week nagpunta ulit ng Isabela. Matagal daw matatapos ang trabaho dahil malaki ang gagawin nilang masterpiece.

Saturday came and I had no class. Tuwing Miyerkules at Sabado ang walang klase pero sa Sunday meron. NSTP naman ang papasukan ko.

"Musta pag-aaral?" Aaron asked.

Naglibot libot ulit kami ni Aaron sa buong subdivision. Sabi ko sa sarili ko na babawi ako kay Aaron. Madalang na kasi kaming nag-uusap. We were both busy with our own lives.

Handang MaubosWhere stories live. Discover now