Kabanata 4

181 7 11
                                    

"Kailan ka pa natutong mag-skateboard?" Tanong ni Aaron habang nililibot namin ang subdivision. 'Yong mga daang may ilaw lang para safe.

"Siguro nu'ng ten years old pa ako. I'm not sure," I replied.

"So bata ka pa natuto ka ng magskateboard?" He clarified and I nodded as a response. "Sino nagturo sa'yo?"

"Si Kiko,"

"Talaga? Bakit ka naman niya tinuruan?"

"Para daw may kalaro na siya ng skateboard. Tapos tinuruan din niya si Betty."

"Paano kung magpapaturo ako sa'yo?"

"H-Huh? Bakit ako? Bakit sa'kin?"

"Marunong ka naman, e."

"Ang bigat mo kaya!" Kantiyaw ko. "Kay Kiko ka nalang magpaturo."

"Eh gusto ko sa'yo," natatawa niyang sabi. Mukhang nang-aasar.

"Bahala ka. Ayoko. Baka madisgrasya pa tayo. Saka malaki ka na. Kaya mo na 'yan."

I grinned teasingly. Natutuwa akong asarin siya.

"Damot mo naman," pagtatampo niya. "Kahit basic lang."

"Balance lang din naman 'yan."

"Eh paano nga?"

Napakamot ako sa ulo ko. Bakit ba ang kulit nito?

"Sige na nga," suko.

"Yes!" He blurted out with a gesture. Parang nanalo lang. Napailing nalang ako.

Tinuruan ko si Aaron ng basic steps on how to ride a skateboard. I explained him the basic rules like what Kiko taught me. Dahil magaling naman siya magbalance, mga isang oras ay nakuha na niya pero minsan natutumba pa rin siya o kaya bumababa.

"Ayos ba?" Natatawa kong tanong sa kanya pagkatapos ng ilang trial niya to balance on the skateboard.

"Oo naman. Ang galing ng teacher ko e."

"Sus bola,"

I smiled at him. He was cool, kind and fun to be with. Kung ikukumpara ko kay Kiko, mas magaan ang loob ko kay Aaron. He's approachable.

"Tara na ba?" Tanong ko nang napansin kong kaming dalawa nalang ang magkasama.

"Saan na kaya sila? At anong oras na?"

I checked my wristwatch and found out it's almost midnight. Nanlaki kaagad ang mata ko nang mapagtantong malapit na ang curfew ko. Malalagot ako kay Nanay Gabbi kung 'di pa ako uuwi!

"Hala! Kailangan ko ng umuwi!" Taranta kong sabi kay Aaron.

"Ha? Bakit? Anong problema?"

"Curfew. Tara na!"

Nauna na akong bumalik sa tagpuan naming magkakaibigan. Mabilis akong nagpadyak. Kabadong kabado ako. Ayokong mapagalitan ni Nanay Gabbi dahil sinuway ko ang utos niya.

"Oh? Saan ka galing?" tanong agad ni Betty nang nakarating ako sa meeting place namin.

"Uuwi na pala ako. Anong oras na," sabi ko.

She quickly checked her phone.

"Hala shit! Ihahatid na kita."

"'Di na. Kitakits nalang bukas,"

"Oy, Kiko! Ihatid mo!"

"Huwag na. Huwag na. Sige, bye!"

Kumaripas ako ng takbo pauwi ng bahay. Kinakabahan talaga ako. Pagpasok ko sa loob, sobrang tahimik. Parang walang tao. Dahan dahan akong umakyat sa kwarto ko.

Handang MaubosWhere stories live. Discover now