Kabanata 12

96 6 3
                                    

'Di ko muna kinausap si Aaron ilang araw na ang nakalipas dahil bukod sa may napagsunduan kami, abala rin ako sa pag-aaral ko. Umuwi na rin si Papa kaya umiwas muna ako. Ayokong malaman niya ang tungkol doon kahit pa wala naman talaga akong ginagawang masama.

"Pumapayat ka ata, Papa?" tanong ko kay Papa habang tinutulungan ko siyang mag-ayos ng mga gamit niya sa pag-uukit.

Wala na akong pasok dahil mag-uundas na. At dahil nandito si Papa, tumutulong ako sa mga gawaing bahay lalo na sa pag-aayos ng kagamitan niya.

"Pumayat ba ako?" He checked himself. "Hindi naman."

Kinilatis ko ang buong katawan ni Papa. Alam kong may pagbabago. Pumayat siya ngayon.

"May sakit ka ba, Pa?" tanong ko.

Hindi sumagot si Papa.

"Pa," tawag ko.

"Tapusin mo na 'yan, Natasha. Tapos ka na ba sa schoolpapers mo?"

"Opo,"

"Mabuti naman."

An invisible arrow was struck deep into my heart. Pakiramdam ko'y may mali kay Papa. Iba talaga eh. Pinagmasdan ko saglit si Papa bago ko tinapos ang ginagawa ko.

Matapos 'yon ay umakyat ako sa kwarto ko at hinanap ang diary ko. Doon ko binuhos ang sama ng loob ko.

October 31, 2015

Parang iba si Papa ngayon. 'Di ko alam kung anong mali. Basta kasi napansin ko ang pagbabawas niya ng timbang. Pumayat siya ngayon. Pero 'di kaya dahil lang din sa marami siyang trabaho lately? 'Di kaya 'di na siya nakakatulog nang maayos? Nakapagtataka lang talaga. Saka halatang ayaw niyang pag-usapan namin ang kalagayan niya kasi nagsusungit siya kanina. Kilalang kilala ko 'yan si Papa. Alam kong may porblema siya. 

Tumunganga ako sa kawalan. Gusto kong malaman kung anong problema ni Papa. Nagpapanic ako kapag wala akong alam pero iba ang kutob ko.

Bumalik ako sa kinaroroonan ni Papa. Nadatnan ko siyang umiimpit habang nakahawak sa kanyang tiyan. I quickly panicked so I ran towards him.

"Pa? Anong masakit?" taranta kong tanong. Umupo ako sa tabi niya.

"Sikmura ko, 'nak."

"Acidic ka siguro, Pa! Kakainom mo 'yan ng kape!"

"Siguro nga,"

"Bibili ako ng gamot. Wait lang, Pa."

Iniwan ko muna si Papa sa sala. Mabilis akong bumalik sa kwarto ko at hinanap ang wallet. Kumuha ako ng singkwenta at dali daling bumaba. Tinakbo ko ang pinakamalapit na tindahan. I was praying silently that Papa was fine. Ang hilig kasi sa kape! Ayan tuloy baka acidic na siya!

Pagkabalik ko sa bahay, binigay ko kaagad ang pink na gamot kay Papa. It was chewable but I still got him a glass of water.

"Papa kasi," reklamo ko. "Bawas bawasan na ang pagkakape. Alam mo namang may masamang epekto rin 'yan sa katawan. What if may mas malala pa rito dahil sa pagiging pasaway mo?"

"Hay naku, Natasha. Manang mana ka talaga sa nanay mo," aniya.

May dumagan sa dibdib ko pagkasabi niyang 'yon. Bigla akong napaisip.

"B-Bakit, Pa? Ano ba si Mama?" tanong ko.

"Mama mo?" mapait siyang ngumiti. "Sobrang maalagain. Nagagalit din 'yon kasi panay ako kape. Eh... pasensya na. Hindi kompleto ang araw ko kapag walang kape."

"Paano ba kayo nagkakilala ni Mama, Pa?" tanong ko.

Kung kailan malaki na ako, saka pa ako nagkaroon ng interest sa ganitong bagay. Siguro kasi kung dati ko pa siya nalaman, baka wala rin akong maintindihan. Ang alam ko lang naman ay kasal sila dati ni Mama tapos naghiwalay rin kalaunan.

Handang MaubosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon