Kabanata 34

127 3 0
                                    

Maaga kaming naghapunan. Nag-sorry ako kina Nanay at Tatay dahil sa inasta ko. I realized I was wrong. Sumobra na nga ako.

"Nakausap namin ang Mama mo. Kinakamusta ka. 'Di ka raw nagrereply sa mga chat niya," balita ni Nanay sa hapagkainan.

"Ano po sabi niyo?"

"Eh... sabi ko busy ka sa school. Katatapos lang ng exam niyo."

"'Di mo kinakausap Mama mo?" tanong ni Tatay.

"Minsan lang po. Baka natatabunan 'yong message niya kasi puro gc 'yong laman ng messenger ko," paliwanag ko.

"Ayaw mo ba talagang sumama sa Mama mo?" tanong ni Nanay.

"Huwag na, Nay. 'Di ako sanay sa buhay na meron sila."

"Masasanay ka rin, nak. Mas maganda 'yong marami kang napupuntahang lugar kasi marami kang ma-experience. Natututo ka."

"Paano kayo? Alangan namang iiwan ko kayo rito?"

Nagkatinginan ang dalawa saglit saka ngumiti si Nanay sa akin.

"Matanda na kami, Natasha. Kaya na namin ang isa't isa. Ikaw lang naman ang iniisip namin ng Tatay mo. Kung tutuusin, matagal ng plano ng Papa mo na sa Mama mo ka nalang kasi alam mo naman ang buhay dito."

"Nay," bumagsak ang braso ko. "'Di ko naman kailangan ng magarang buhay. Sapat na sa akin na kasama ko kayo. Unless pabigat na ako sa inyo."

"Hindi totoo 'yan, Natasha," singit ni Tatay. "Hindi ka pabigat sa amin ng Nanay mo. Anak na ang turing namin sa'yo at alam mo 'yan."

Uminit ang puso ko. Sobrang swerte ko sa kanila. Kahit wala na si Papa wala pa ring nagbago sa pakikitungo nila sa akin. Ramdam ko pa rin at pagmamahal at aruga nila.

"Hangad namin ng Nanay at Papa mo na mapabuti ka, Natasha. Sa ngayon hindi mo kailangan ng magarang buhay pero marerealize mo rin na you deserve better than this. Gusto namin na matupad mo lahat ng pangarap mo sa buhay."

"Pero wala na po si Papa. Hindi na niya makikita ang achievements ko."

"Nandito lang ang Papa mo, 'nak. Nanonood lang siya sa'yo. Isipin mo nalang na kahit wala na siya, parte pa rin siya ng mga pangarap mo. Nandito siya o wala, ang mahalaga ay nagpapatuloy ka sa buhay kahit mahirap. Kahit feeling mo malabo ang dulo ng dinadaanan mo. Magpatuloy ka lang at huwag mong kakalimutang magdasal na gabayan ka ng Panginoon. Kung malaki ang plano namin para sa'yo, mas malaki ang plano Niya sa buhay mo."

"Kami naman ng Tatay mo nandito lang, 'nak," dugtong ni Nanay. "Susuportahan ka namin at gagabayan sa lahat ng magiging desisyon mo. Hindi ka namin didiktahan dahil gusto namin na matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa. Kasi wala namang permanente sa mundo. 'Di natin alam hanggang kailan nalang tayo kaya habang nabubuhay, maging masaya at magpursigi."

I pursed my lips and stood up. Niyakap ko silang dalawa mula sa likuran. Sobrang saya ng puso ko. Feeling ko nandito lang din si Papa dahil sa payo ng mag-asawang ito.

"Salamat talaga, Nay, Tay. 'Di ko alam anong gagawin ko kung wala kayo. Sorry po if pasaway ako."

Nanay held my hand.

"Dumaan na rin kami ng Tatay mo sa ganyang stage kaya naiintindihan ka namin, Natasha. Nagkamali na kami noon kaya hangga't maaari, maiiwas ka namin sa pagkakamaling 'yon."

Kumalas ako sa kanila at nagpunas ng mata. Naiiyak ako sa nangyayari. Bumalik ulit ako sa upuan ko.

"What if 'di talaga maiiwasang mangyari ulit ang pagkakamaling 'yon?" tanong ko.

Puwede pa rin namang maulit ang pagkakamaling iyon kahit anong iwas. 'Di natin alam ang galaw ng mundo. Baka sa ibang paraan mo magagawa ang pagkakamaling iyon.

Handang MaubosWhere stories live. Discover now