Kabanata 8

120 6 0
                                    

"Next time, text mo nalang ako kung badtrip ka," wika ni Aaron pagkarating namin sa labas ng bahay. "Mahirap na baka wala ako or ano tapos kailangan mo pala ako."

"I don't regularly use my phone," sagot ko.

"Ayos lang. Basta text or chat mo 'ko kung kailangan mo ng kausap o kung nalulungkot ka. Baka mamaya... maisipan mong mag-suicide,"

"Hoy hindi ah," depensa ko kaagad. "'Di naman ako ganu'n."

"Mabuti naman." He paused. Nakatingin lang siya sa'kin.

"Bakit?" takha kong tanong. 

"Wala lang. Cute talaga ng ilong mo, 'no?"

"Che!"

He laughed softly. Trip niya talaga ilong ko e, 'no?

"Sige na. Magpahinga ka na. Maaga ka pa siguro bukas."

I nodded. "Thank you for making me feel better. Ang laki ng tulong mo."

"Parang 'di naman. Inaasar nga lang kita e."

"Ewan ko sa'yo. Sige na pasok na ako."

"Sige. Good night."

Napatid ko ang hininga ko dahil sa sinabi niya. Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya.

"Good night, Aaron. Ingat ka pauwi."

"Salamat."

'Di nagtagal ay pumasok na rin ako sa loob at umuwi na si Aaron. Natulog ako kaagad nang nakaramdam ako ng pagod at dinalaw ng antok.

One week passed. Nagtrabaho ulit si Papa. Sinundo siya ng service niyang van. Ako naman ay walang pasok dahil Sabado. Nakipagbonding nalang ako kina Betty since I was done with my assignments.

"Okay naman ba diyan sa school mo?" tanong ko kay Betty. She took Mechanical Engineering sa FEU.

"Oo, buti nalang nag-STEM ako. May Math pa rin."

"Buti naman. Mukhang busy ka lately?"

"Maraming ginagawa. Tinatapos ko nga kaagad para 'di matambakan."

"Same. Mahirap mag-procastinate."

"Ikaw? Marami ka na bang friends?" she asked me.

"Isa lang. Alam mo namang ayoko rin ng marami."

"Ay oo nga," she chuckled. "Ako naman ayos lang din. Pinapakisamahan ko lang sila. 'Di rin madali na wala kang kaibigan kasi male-left out ka."

"Like?"

"Kapag may groupings or activities. You still have no choice but to cooperate with them. Depende pa 'yan sa gagawin. Minsan buong linggo mo silang katrabaho."

"Kaya mo naman 'yan. Sanay ka naman sa ganyan."

Noong gabing iyon, naisipan naming gawin ang nakasanayan. Nagtipon tipon kami sa usual meeting place. It felt like it's been awhile since the last time to see them.

My phone beeped. Tinignan ko kung sino ang nagtext. Si Aaron pala.

Kinuha ni Aaron ang cellphone number ko kinabukasan nang sinabi niyang i-text nalang niya ako. Binigay ko naman. He texted me and I saved his number on my phone.

Aaron:

Kayo nalang muna. 'Di ako puwede.

Bigla akong kinutuban nang mabasa ang text na 'yon. 'Di kaya may problema?

"Si Aaron?" rinig kong tanong ni Jaed.

"Ayaw niya muna. May problema ata," si Kiko.

Hinanap ng mata ko si Kiko. Naka-sleeveless shirt siya ngayon. Kita ang matipunong braso.

Handang MaubosWhere stories live. Discover now