Kabanata 10

112 9 1
                                    

Matapos naming kumain, pasikreto kong kinausap si Tatay Kenneth. Gusto kong malaman kung bakit ganoon na lamang ang sinabi ni Nanay Gabbi kanina. Parang ang lalim ng pinaghuhugutan.

"Nasaktan na ba si Nanay dati, 'Tay?" Tanong ko kay Tatay. Nasa labas kami. Si Nanay naman ay nasa loob. 'Di namin alam anong ginagawa.

"Maraming beses na rin," he replied.

"Lahat ba sila nanloko?"

"Hindi naman lahat. Siguro 'yong last lang ay sobra siyang nasaktan."

"Ano ba 'yong kwento?"

"Ayon, nagmahal siya tapos niloko siya. Nagloko 'yong lalaki. Pinagpalit siya sa kaibigan niya."

"Talaga po? Puwede ba 'yon?"

"Siguro. Nangyari sa kanya e."

"Iniisip ko kasi na sa kaibigan pinagpalit si Nanay. Ibig sabihin ba nu'n hindi tunay 'yong friendship nila?"

"'Di rin natin masasabi 'yan. Alam mo kasi, ang pag-ibig ay walang pinipili. Puwede kang magmahal ng mas matanda o mas bata sa'yo. Puwede kang magmahal ng buo o sirang tao. Puwede kang magmahal ng taong 'di ka kayang mahalin pabalik."

"At puwede ka ring magmahal kahit makakasakit ka ng ibang damdamin?" Dugtong ko.

"Tama. Minsan, sa sobrang pagmamahal natin 'di na natin alam kung ano ang tama o mali. Minsan naman may masasaktan talaga kahit 'di natin intensyon. Kahit 'di natin gusto, sa pag-ibig, mayroon talagang masasaktan."

"Eh si Nanay ba nakilala mong buo o sira?"

"Sira siya nang nakilala ko. Sobrang bitter. Halos ayaw na magtiwala sa lalaki."

"Paano niyo po siya napaibig?"

"Hindi naging madali kasi natakot na siya. Sinuyo ko nang sinuyo hanggang sa mapasagot ko. Nangako ako na 'di ko siya sasaktan. 'Di ko siya lolokohin at ipagpapalit sa iba. Ayokong maranasan niya ulit 'yong sakit. Tama na 'yong nangyari sa kanya bago niya ako nakilala."

"Natupad mo naman po ba?"

"Oo naman. Kahit na minsan pinagdududahan niya ako, sinisiguro kong hindi siya magkakaroon ng rason para mawalan ng tiwala sa'kin. Never kong niloko ang Nanay Gabbi mo. Never akong lumingon sa iba kasi para sa'kin siya ang pinakamagandang bagay na nakita ko."

"Sana makatagpo ako ng lalaking tulad mo, Tatay Kenneth. Para kasing bihira nalang ang lalaking ganyan. Ngayon kasi iba ang habol ng mga lalaki sa babae. Minsan naman, babae din ang nagloloko."

"Basta huwag kang magmadali. Huwag mong ipilit ang mga bagay na tingin mo hindi talaga puwede. Bitaw na kung sinasaktan ka nalang ng pag-ibig. Hindi masama ang umalis kung 'di ka na masaya. Ang mali kasi sa inyo ngayon, tinitignan niyong mali kung may isang aalis kasi 'di na masaya o dahil boring na 'yong relasyon. Minsan, mas masakit kumapit kesa sa bumitaw."

Napaisip ako sa sinabi ni Tatay. Hindi ko pa naman naranasan ang magmahal pero sa tingin ko parang naranasan ko na dahil sa payo niya.

"Pero dahil sa nasaktan tayo, natututo tayo," dugtong ni Tatay. "Pain teaches us how to value and respect ourselves. Masama ang sobrang pagmamahal. Nagiging desperada at nagiging tanga ka."

I sighed heavily. Ang komplikado naman ng pag-ibig.

I was able to pull through my midterm exam. Satisfied naman ako sa performance ko. Nag-aral ako nang mabuti at sinigurado kong I did my best.

Nang Sabadong iyon, tumambay ako sa taas para magpahangin. Nakausap ko si Papa at binalita ko sa kanya na tapos na ang exam namin. He congratulated me and said he was so proud of me.

Handang MaubosWhere stories live. Discover now