Kabanata 15

108 6 4
                                    

November 6, 2015

I saw Aaron in my school today. Sabi niya naisipan niyang gumala sa Intramuros para magpahangin. Nagkaroon siguro ng problema sa kanila. O siguro nag-away na naman sila ni Sheba.

When I saw him, 'di ko maipaliwanag ang naramdaman ko. May kakaibang liwanag sa mukha niya na hindi ko pa nakikita sa ibang tao lalo na sa lalaki. Kasi mga tropa ko lalaki. May mga kaklase din naman akong lalaki. Pero bakit pagdating kay Aaron iba siya?

Am I digging my own grave? I know that Aaron is so special to me. I can't explain it pero alam ko sa sarili ko na may puwang siya sa puso ko. Noong pumunta kami ng Intramuros, ang dami kong realization. Habang nagkukwentuhan kami, nakafocus lang ako sa mata niya. Iba kasi 'yong kinang talaga. And he's no doubt a gentleman. Nakakamangha siya. Nakaya niya 'yong mga pagsubok sa buhay niya. Imagine being kuya and the breadwinner at the same time. Ang laki ng responsibilidad niya sa mundo.

Maybe I like him already. Pero 'di naman puwede 'yon kasi may girlfriend siya. I can't risk this feeling of wanting him for myself because it's sinful. I can't like someone who's already owned. Gusto ko nga siya pero ang tanong, gusto niya rin ba ako? Siyempre hindi! Sobrang loyal niya kaya kay Sheba. Wala akong mapipintas sa pag-ibig niya.

Bumuntong hininga ako. Naalala ko 'yong segundong nagtama ang paningin namin ni Aaron. It was the second I knew that my heart wanted him. Kaso taken na siya. Hindi na puwede. May nauna na.

I wondered if Aaron met me first. Maybe he would have loved me first? And most?

Naalarma ako nang may narinig akong ingay sa baba. Kaagad kong tinignan kung sino 'yon. My heart jumped viciously but quickly felt relieved when I saw my father. Napamasahe ako sa dibdib ko.

Binaba ko si Papa. 

"Papa!" masaya kong bati at nagmano sa kanya. "Akala ko sino, Papa. Ikaw lang pala." Bumusangot ako.

Papa looked at me strangely. May bahid ng lungkot ang mata niya. Kapagkuwan ay niyakap niya ako. Nagtaka ako bigla. Nagtagal ng ilang segundo iyon bago siya kumalas mula sa pagkakayakap. Hinawi niya ang buhok ko.

"Malaki ka na, Natasha. Dapat alam mo na ang gusto mo sa buhay."

"Ha? Anong sinasabi mo, Pa?" takha kong tanong.

"Magtapat ka nga sa'kin, 'nak. May nagugustuhan ka na ba?" malumanay ang boses niya.

My heart swelled in pain. Bigla akong naiyak sa tanong ni Papa.

"P-Pa," nautal ako. "Hindi ko naman sinasadya."

"Oh? Bakit ka umiiyak?"

Bumuhos ang luha ko. Niyakap ko si Papa nang mahigpit. Halo halong emosyon ang nag-aaway sa dibdib ko.

Hinagod hagod ni Papa ang likod ko. Mas lalo akong naiyak. Tumawa nang mahina si Papa at pinunasan ang pisngi ko.

"Tinatanong lang naman kita kung may napupusuan ka na," aniya.

"Sorry, Papa. Sorry kung tumatakas ako sa gabi. Nakikipagkita ako sa mga kaibigan ko tapos nagba-bike kami o skateboard."

"Gawain mo na 'yon, 'nak. 'Di na bago sa'kin."

Bahagya akong lumayo kay Papa para matignan siya nang diretso."A-Alam niyo na po?"

"Siyempre. Anak kita. Kilala kita."

"Pero... 'di ka naman po nagalit sa'kin?"

"Bakit naman ako magagalit kung doon ka masaya?"

Natulala ako sa sinabi ni Papa. Hindi ko kaagad nakuha ang punto niya.

Handang MaubosWhere stories live. Discover now