Kabanata 32

108 3 2
                                    

"Infairness ha? Ang tagal niyo na rin," sabi ko.

"Hindi rin madali. On and off kami."

"Sino usually nakikipaghiwalay?"

"Siya."

"Minsan ba nakipaghiwalay ka na sa kanya?"

"Isang beses lang."

"Talaga? Eh pumayag naman ba siya?"

"Hindi. Sabi niya magpapakamatay daw siya kung makikipaghiwalay ako."

"Ha?! May ganu'n ba? Grabe naman sa magpapakamatay."

"'Di ko alam. Kaya ang hirap niya ring bitawan kasi suicidal 'yon."

"Suicidal? Okay naman ba ang mental health niya?"

"Oo naman."

"So pang-ilan siya sa kanila?"

"Panganay. May isa pa siyang kapatid na babae."

"Siya rin 'yong tumataguyod sa inyo? I mean sa pamilya niya?"

"Hindi rin. May trabaho naman sila Tita at Tito."

"Ka-close mo naman ba 'yong parents? Kasi 'yong si Ara na kaibigan ko, pamilya na ang turing sa kanya ng parents ni Dexter."

"Sino si Dexter?"

"Boyfriend niya."

"Ah. Oo, ganu'n din sa amin. Alam mo ba? Malaki ang tiwala nila sa akin. Pinagkatiwala nila si Sheba sa akin. Nangako rin ako na 'di ko sasaktan ang anak nila. 'Di ko siya pababayaan."

I took a deep breath. Ngayon ko lang napansin na palubog na ang araw. Baka hinahanap na ako sa bahay.

"Uuwi na pala ako," sabi ko. "Anong oras na rin. 'Di ko namalayang palubog na ang araw."

"Oo nga, 'no? Sige uwi ka na. Baka hinahanap ka na sa inyo."

"Ikaw ba?"

"Uuwi na rin ako. Hatid kita."

"Huwag na. Uwi ka nalang agad sa inyo."

"Sige ganyanan,"

Umirap ako at natawa nalang din.

"Kaya ko naman umuwi. 'Di naman ako lumpo."

"Tanggap ko naman,"

"Luh? Arte ha?"

"Oo nga. Tanggap ko naman."

"Ang alin?" Natatawa ako sa kanya.

"Wala. Sige na uwi ka na."

"Parang ewan 'to. Sige uwi na ako. Bye!"

Tumakbo ako palayo sa kanya. I glanced for the last time and waved at him. Kumaway siya pabalik at pagkatapos tuluyan na akong lumayo.

Pagkauwi ko, nadatnan ko si Nanay Gabbi na nagluluto ng hapunan. Nagmano ako sa kanya saka ko binaba ang bag ko sa upuan.

"Tagal mo ata ngayon," aniya.

"Hindi naman po. Galing ako sa taas. Tumambay po muna ako doon."

"Sige. Magbihis ka na. Maya maya kakain na tayo."

"Opo,"

Umakyat na ako sa kwarto. Kinuha ko kaagad ang notebook ko at nagsulat ng entry.

February 18, 2016

Pagod ako ngayon. Emotionally and mentally. How I wish nandito si Papa. Edi sana okay lang ako ngayon. Sobrang stressful ng week na 'to tapos nalaman ko pa na ganoon nga.

Handang MaubosWhere stories live. Discover now