Kabanata 19

102 6 0
                                    

One week passed, nakakapag-focus na ako sa pag-aaral dahil nakikita kong maayos na si Papa. Sa school pa lang, tinatapos ko na ang mga gagawin para kapag nasa bahay na ako, si Papa nalang ang iisipin ko.

"Pumapayat ka na, Jackstone. 'Di mo siguro inaalagaan ang sarili mo," puna ni Aaron.

Nasa taas kami. Nagpapahangin. Tulog si Papa kaya naisipan kong pumunta rito. Nagsabi rin ako kay Aaron na dito muna ako. 'Di ko inasahang pupuntahan niya ako rito.

"Wala e. Busy din sa school at kay Papa," sagot ko.

"Okay na ba ang Papa mo?"

"Medyo. Sana naman lumiit 'yong bukol sa liver niya para maoperahan na siya."

"Ah, so may gamot siyang iniinom para du'n?"

"Oo. 'Yon nalang din kasi ang tanging paraan. Kailangang pagtiyagaang lumiit 'yong bukol para puwede na for operation."

Nanahimik siya. Inabala ko naman ang sarili ko sa tanawin sa baba. Sabay sabay kong naramdaman ang pagod sa isip at katawan. Pero dahil si Papa ang lakas ko, ayokong sumuko. Lalaban ako kahit gaano kahirap.

"Ikaw? Musta naman?" Tanong ko at nilingon siya.

Nagkibit-balikat siya at tumingin sa malayo.

"Wala namang bago. Ganu'n pa rin ang set up."

"Nakakapagod, 'no?"

"Oo naman... pero kung sila 'yong dahilan ng pagod natin, sila rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon lumalaban pa rin tayo."

I blinked twice and looked away. Naalala ko si Papa. Kahit anong pagod, titiisin ko. Uubusin ko ang sarili ko sa kanya. Gusto kong bumawi sa lahat ng ginawa niya para sa akin. Sa lahat ng sakripisyo niya. Binuhay niya ako. At hanggat nabubuhay ako, pagsisilbihan ko siya.

"Alam mo ba one time noong bata pa ako pumunta kami ni Mama sa Quiapo," kwento niya. Nilingon ko siya at nakita kaagad ang nakangiting mukha. "Alam mo 'yong nagbebenta ng karaoke doon?"

"Hmm... oo. Bakit anong meron?"

Tumawa siya nang mahina.

"Kasi noong bata pa ako mahilig ako kumanta sa videoke. Eh napadaan kami doon sa may nagtitinda ng karaoke, muntik na akong maiwan ni Mama."

"Weh?" Tumawa ako. "Buti naman natagpuan ka?"

"Alam na ni Mama kung saan ako hahanapin kung sakaling mahiwalay ako sa kanya sa Quiapo," natatawa niyang sabi.

"Ahh, buti naman. Kumakanta ka?"

"Dati lang," he chuckled. "Saka pilit lang 'yon. Kaya lang naman ako kumakanta kasi sabi nila maganda raw boses ko. Nu'ng lumaki ako, narealize ko mga sinungaling sila."

"Hala grabe!" Tumawa ako sa kwento niya.

"Oo nga!" He laughed too. "Siyempre bata pa ako. Mabilis mauto. Binibigyan din kasi nila ako ng pera kapag kumakanta ako lalo na kung makakuha ako ng 90 plus na score."

Natatawa nalang din ako sa kwento niya. Ako naman kasi hindi kumakanta noon. Lately ko lang narealize na musically inclined ako na tao. Nang nalaman ni Papa 'yon, binilhan niya ako ng gitara. Tuwang tuwa ako kasi suportado niya ako. Sabi niya malaki potential ko kaya kung saan ako uunlad, doon ako. Lipad lang. Lumayag kung saan ako masaya.

"Ikaw ba? Sabi mo 'di ba kumakanta ka?" Aaron asked me.

"Actually bago ko lang siya na-discover. May mga talent talagang late bloomer. Or kahit tao mismo mga late bloomer. Tapos 'yong gitara ko na nasa bahay, si Papa ang bumili."

Handang MaubosWhere stories live. Discover now