Kabanata 2

318 12 6
                                    

Kinabukasan, pagkababa ko sa sala, nakita ko si Papa na abala. Nagkusot ako ng mata at lumapit sa kanya.

"Saan punta mo, Papa?" Tanong ko kay Papa na ngayo'y naghahanda ng mga gamit niyang pang-ukit.

"Trabaho, 'nak. Maiwan muna kita rito ha?"

Kumunot ang noo ko.

"Po? Saan kayo pupunta?"

"Sa Isabela. May kumuha sa aking kliyente."

"Ilang araw? Papa naman! Isama niyo nalang po ako. Wala naman akong pasok."

"Huwag na. Dito ka nalang."

Bumusangot ako. "'Di na ako mahal ni Papa," pagdadrama ko. "Pinagpalit na ako sa trabaho niya."

Nagkamot ng sentido si Papa at tumigil sa kanyang ginagawa. Hinarap niya ako na mukhang dismayado.

"Malaki ka na, Natasha. Gawin mo nalang 'yong dapat mong gawin. Maglinis ka ng bahay. Huwag puro asa kina Nanay."

Tiyahin ni Papa si Nanay Gabbi na si Tatay Kenneth ang asawa. Wala na silang mga magulang. Sa side naman ni Mama na ngayo'y nasa US, nasa probinsya. I never had the chance to meet them personally. Lumaki akong si Papa lang ang nasa tabi ko. Si Mama kasi may sarili ng pamilya. She's probably happy even without us.

"Babalik ka, 'diba? 'Di mo naman ako iiwan dito?" Umaasa kong tanong. 

Ayaw ko lang na wala si Papa sa bahay. Hindi ako sanay. Ayaw din naman niya kasi akong isama sa trabaho niya kaya wala akong magagawa kung 'di ang maghintay sa kanyang pag-uwi.

"Ano ba naman 'yang tanong mo, Natasha? Parang bata na takot iwan."

Tumawa ako. Totoo naman kasi. Niyakap ko nalang si Papa mula sa likuran niya.

"Siyempre naman, Papa. Ikaw na nga lang ang meron ako tapos iiwan pa ako? Napakapangit ng ugali mo, Papa."

Tiananggal ni Papa ang braso kong nakapulupot sa kanya at humarap sa akin. Hinawakan niya ang magkabilaan kong balikat.

"Ito tatandaan mo, 'nak. Mahal na mahal ka ni Papa. Gusto kitang bigyan ng magandang buhay kahit na ito lang ang trabaho ko. Gusto kong mangarap ka para sa sarili mo. Gawin mo 'yong mga bagay na magpapasaya sa puso mo."

Ngumiti ako kay Papa. Nag-iinit ang puso ko. Sobrang swerte ko pa rin kahit si Papa lang ang tumataguyod sa akin. Never akong nakaramdam ng pagkukulang. Hindi ko kailanman naramdaman na unfortunate ako kasi walang Nanay na ilaw sa buhay ko.

"Sige na," he said and continued what he was doing. "Kung wala kang gagawin sa araw na 'to, magligpit ka sa kwarto mo. Kababae mong tao pero 'di ka marunong maglinis."

"Oo na nga po," sagot ko. "Aalis ka na ba kaagad, Papa?"

"Tatapusin ko lang 'to."

"Eh paano ang pagpunta mo ng Isabela? Ano sasakyan mo?"

"May service naman. Huwag mo ng isipin 'yon. Sige na. Kumilos ka na."

Nanatili ang tingin ko kay Papa. Pinanood ko siyang nagliligpit ng gamit.

Alam ko sa sarili ko na 'di ako perpektong anak. Maraming pagkakataon na naging sakit ako ng ulo. There were countless times that I failed him. Minsan kasi may mga bagay na hindi niya maintindihan. The generation gap played a big role for both of us. Minsan naman, akala ko tama ako. He wanted me to grow mature so I acted like I knew and understood everything. But then again, at the end of the day, he was still my father and I loved him more than anything in this world.

"Gusto mo ng kape, Papa?" alok ko sa kanya.

"Huwag na, 'nak. Siguro sa biyahe nalang."

"Okay po..." tanging sabi ko.

Hinatid ko si Papa sa labas ng bahay at hinintay ang kanyang service. I just wanted to make sure that he's okay and comfortable. Sobrang layo ng Isabela. Ilang oras din ang biyahe nila. Mabuti na lamang at may sarili silang sasakyan.

"Ingat ka, Papa. I love you!" huli kong sabi bago umalis ang sasakyan. Pagkawala nila ay nalungkot ako. I sighed heavily and decided to go back inside the house.

Hinanap ko kaagad ang diary ko na nasa loob ng bedside table. Sobra akong nalulungkot na wala si Papa. 'Di rin naman niya sinabi kung kailan ang balik niya.

April 13, 2015

Umalis si Papa kasi may trabaho siya. Sa Isabela pa! Sobrang layo kaya nun! 'Di rin naman sinabi ni Papa kung kailan siya uuwi. Ang daya! Sino nalang ipagtitimpla ko ng kape tuwing umaga? Kanina kaya ayaw niya na ipagtimpla ko siya huhuhu 'di nako love ni Papa. I'm so sad right now. Maglilinis nalang ako ng kwarto at magpatugtog para 'di ko maalala na umalis si Papa.

Gaya ng bilin ni Papa, naglinis ako ng kwarto. Pagkatapos ay naligo ako at kumain ng tanghalian. Wala akong magawa ngayon kaya bagot na bagot ako. Feling ko tuloy gusto ko ng mag-aral ulit.

Noong hapong iyon ay naggitara nalang ako. Sinubukan kong libangin ang sarili para bumilis ang takbo ng oras. Alas cinco na rin nang napagdesisyunan kong lumabas ng bahay dala ang bisikleta.

"Bike lang ako, Nay," paalam ko. "Nakarating na kaya ng Isabela si Papa?"

"Siguro. Hayaan mo na ang Papa mo. Uuwi naman 'yon."

"'Di kasi sinabi kung kailan, Nay. Saka ang layo kaya ng Isabela."

Hindi sumagot si Nanay. Nakukulitan na siguro sa akin. Nagpaalam nalang ako na mag-bike. Maganda ang panahon ngayon at malamig na ang hangin.

Pumunta ako sa taas kung saan puwedeng tumambay dahil may malawak na damuhan doon at mas sariwa ang hangin. May basketball court din at sa likod naman ay mga nagsisitayugang puno. The place was like a park. Tahimik at nakakakalma ng isip at puso.

Tinabi ko ang bisikleta at umupo sa damuhan. I was humming under my breath when someone approached me. Nagulat ako nang si Aaron 'yon.

"Hi!" nakangiti niyang bati.

"H-Hi! Nandito ka pala?"

"Wala. Wala ako rito, Natasha. Isipin mo nalang na naghahallucinate ka lang," he joked. Natawa naman ako.

Umupo siya sa tabi ko at pinatong ang braso sa kanyang tuhod. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Dito ka ba lagi pumupunta?" he asked.

"Yup... kapag nalulungkot ako."

"Bakit ka nalulungkot?"

"Kasi umalis si Papa. Pumunta ng Isabela para magtrabaho."

"Oh? 'Yon naman pala e. Uuwi naman siguro siya."

Nag-iwas ako ng tingin. Pinanood ko ang kaganapan sa baba.

"Walang sinabi kung kailan," sabi ko. "Siguro 'di lang ako sanay na wala si Papa sa bahay."

"Mag-isa ka nalang ba?"

"Hindi rin naman. Nandiyan naman sila Nanay at Tatay."

Tumunganga ako sa kawalan. The cold breeze fanned my body. Napayakap ako sa binti ko.

"Huwag ka ng malungkot. Isipin mo nalang na nandiyan lang ang Papa mo sa bahay. Kapag kasi iisipin mong wala ang isang tao, sinasaktan mo lang din ang sarili mo," wika niya.

"Bakit? Gan'un ka rin ba?"

"Oo. And sanay naman akong mag-isa,"

Nilingon ko siya at nagtama agad ang paningin namin.

"Hugot ah?" I joked and chuckled.

"Oo nga. Wala namang tumatagal sa'kin."

Humupa ang tawa ko. Nalungkot ako sa sinabi niya. Base sa mata niya, nababasa ko ang pagod at lungkot du'n.

"Edi... simula ngayon... nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap," sabi ko.

Ngumiti si Aaron at naglahad ng kamay.

"Aaron Viste," pakilala niya.

Tinanggap ko ang kamay niya at nakipagkamayan sa kaniya.

"Natasha Cujuanco," pakilala ko rin.

Handang MaubosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon