Kabanata 24

114 4 0
                                    

Kinabukasan, pagkagising ko ay si Papa kaagad ang hinanap ko. Napatid ang hininga ko nang may nakitang kabaong. I realized this was true. I wasn't dreaming.

Dahan dahan kong nilakad ang daan palapit sa kabaong. My heart still hurt and it kept on bleeding. Pinasadahan ko ng daliri ang salamin ng kabaong.

"Good morning, Pa! Miss na kita," wika ko sa gitna ng mapait na ngiti. "Kaya pala ang tagal kong nagising kasi wala na akong taga-gising. Nauhan pa kita bumangon. Kape na tayo, Pa."

Uminit ang sulok ng mata ko. Niyakap ko ang kabaong at hinayaan ang sariling umiyak.

"'Di pa ako nakakabawi sa'yo, Pa. Sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal mo sa'kin. Paano 'yan? Huli na ba ako?"

Mariin akong pumikit. Pumipitik ang puso ko.

"Pa, sorry... sorry kasi 'di ko pa rin kaya na wala ka na," humagulhol ako at mas lalong napakapit sa kabaong.

Ayoko pang tanggapin. Ayokong tanggapin. Masakit eh. 'Di ko kaya. Araw-araw akong gigising na wala si Papa. Araw-araw kong dadalhin 'tong bigat sa puso ko. Araw-araw akong mangungulila sa kanya.

Ang hirap. My other half died.

"Nak?" Tawag sa'kin. Nagmulat ako ng mata at hinanap ang pinanggalingan ng boses.

A woman in her early 30's came into view. Maputi siya at mukhang mayaman dahil sa suot niyang kulay itim na mahaba at fitted dress. Tumitingkad ang balat niya.

"Natasha," sambit ni Nanay. "Siya ang Mama mo."

Kumalabog ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman.

I looked like my mother. Kaya pala maputi ako dahil maputi ang nanay ko. Matangkad siya at sopistikada.

"Nak..." mangiyak-ngiyak niyang sambit. Naglahad siya sa akin ng braso na parang naghihintay ng yakap.

Dumapo ang tingin ko kay Nanay. She looked anticipated. Kumunot ang noo ko at bumaling sa kanyang katabi.

"Bakit po kayo nandito?" Tanong ko sa ginang. "Wala na po si Papa. Pati siya iniwan din ako."

Tears welled in my eyes. Kaagad silang nagsibagsakan. Kumurap kurap ako at nagpunas ng luha.

Binaba ng ginang ang kanyang braso. Nilapitan naman ako ni Nanay.

"Nak, Mama mo 'yan. Ikaw ang pinunta rito," aniya.

"Para saan pa po? Dahil ba wala na si Papa kaya siya nandito? Kukunin niya ako kasi nakakaawa ako?"

Bumaling ako sa ginang. Hindi ko siya kailangan! Kung nandito siya para kunin ako dahil naaawa siya sa kalagayan ko, hindi ko kailangan ng awa niya!

Nasaan siya nang kailangan siya ni Papa? Nasaan siya noong mga panahong nangungulila si Papa sa kanya? Wala siya! Habang nagpakasaya siya sa ibang bansa, nandito kami ni Papa. Nakikipagsapalaran para mabuhay!

"Magpapaliwang ako, 'nak-"

"Hindi mo 'ko anak," putol ko. "Hindi mo na ako anak simula nang iniwan mo kami ni Papa."

Nag-aabot ang hininga ko dahil sa galit. Hindi na sana aabot pa sa ganito ang lahat kung nakabawi kaagad siya. Babawi siya ngayong huli na ang lahat?

"Akyat lang ako, Nay," sabi ko kay Nanay Gabbi.

Umalis kaagad ako at nagkulong sa kwarto. Hinanap ko ang diary ko at nagsulat ng entry.

December 17, 2015

Nandito ang magaling kong nanay! Anong karapatan niyang tawagin akong anak?! Hindi niya ako anak! Hindi na niya ako anak! Matagal na siyang wala sa buhay ko at kung kailan wala na si Papa saka siya magpaparamdam?!

Handang MaubosWhere stories live. Discover now