Kabanata 23

113 6 0
                                    

Sana ang dali lang tumanggap ng pagkawala. Madali lang sana kung 'di importante sa'yo 'yong nawala pero paano kung buhay mo ang nakasalalay sa isang bagay na nawala? Anong gagawin mo?

I was anticipated while waiting for my father's arrival. Kung dati sakay siya ng van at pagkababa niya ay may yakap kaagad ako, ngayon iba na. It's the coffin that will welcome me.

"Pakatatag ka, 'nak," ani Nanay Gabbi sa tabi ko. She wrapped her arms around me and made my head lay on her shoulder.

My heart was crushing into pieces. Rinig na rinig ko ang bawat kalabog nito na parang tambol.

Nang dumating na ang sasakyan, pinalibutan kaagad ito nila Tatay Kenneth at iba pa niyang kasamahan. Napayakap nalang ako kay Nanay at binaon ang mukha sa kanyang dibdib.

Hindi ko kayang panoorin si Papa na iba na ang higaan. Hindi ko siya kayang tignan na ganyan ang set up. How I wished this was just a nightmare. Sana panaginip lang ang lahat dahil gusto ko ng magising. At pagkagising ko, yayakapin ko kaagad si Papa.

"Shhh, tahan na," alo ni Nanay.

Tinignan ko ulit 'yong kabaong. Mas lalong nadurog ang puso ko. Mas lalong lumakas ang hagulhol ko.

"P-Papa," sambit ko at nag-angat ng tingin kay Nanay Gabbi. "'Di ba po 'di naman 'to totoo, Nay? 'Di ba buhay pa si Papa?"

Hindi sumagot si Nanay bagkus umiyak siya. Niyakap niya lang ako.

Nang naayos na ang puwesto ni Papa sa loob ng bahay, binuksan iyong kabaong niya. Pinailawan iyong mga bumbilya na nasa paligid ng kabaong. Mayroon na ring mga puting bulaklak na may nakasabit na "condolence" sash.

Nang nakaalis na 'yong mga tauhan, nagsilapitan 'yong mga bisita. Tumingin sila sa bangkay.

"'Nak, kain ka na," ani Nanay Gabbi. Sakto namang lumapit sa amin si Tatay.

"Mahal, nakausap mo na ba?" Si Tatay.

"Hindi pa, Mahal."

Tinignan ko silang dalawa. Ano kayang tinutukoy nila?

"Kain na kayo. Nakapagluto na ako," si tatay.

Hinarap ako ni Nanay sa malungkot nitong mukha. Naawa ako bigla sa sarili ko.

"Kain na tayo? Kagabi ka pa 'di kumakain," si Nanay.

"'Di pa po ako nagugutom, Nay. Saka ayoko pong 'di kasabay si Papa."

Nagkatinginan ang mag-asawa sa isa't isa. Tinanaw ko naman ang kabaong. Wala ng taong nakadungaw.

"Kung gusto mo, bantayan mo muna ang Papa mo tapos kain ka na rin," si Tatay iyon.

Bumaling ulit ako sa kanila at tumango kahit wala talaga akong gana kumain. Napilit din nila ako kaya in the end, habang nakaupo ako sa tabi ng kabaong, kumakain ako.

Pagkatapos kong kumain, nagtimpla ako ng kape. Pinatong ko 'yon sa ibabaw ng kabaong at dinungaw si Papa.

"Pa, gising na. Pinagtimpla na kita ng kape. Sige ka. Lalamig 'to," sabi ko sa kanya.

Naghintay ako ng sagot o anumang senyales na sasagot siya pero wala akong nakita. Pinagdikit ko ang mga labi ko at hinaplos ang salamin.

"A-Ang daya mo, Papa! Iniwan mo agad ako," hagulhol ko. Niyakap ko 'yong kabaong. "Sana nakapagpaalam man lang ako sa'yo."

Parang niyuyupi ang dibdib ko. Ang sikip sikip! Kahit anong gawin ko 'di ko na maibabalik ang buhay ni Papa. Hinding hindi na siya babalik!

"What about me now, Pa? Saan ako magsisimula?" Nilingon ko siya. Kahit pala nakamake-up na ay halata pa rin sa balat ang paninilaw niya. "Sino nalang ang mag-aalaga sa'kin gayong wala ka na? Paano na 'yong mga pangarap natin?"

Handang MaubosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon