Kabanata 16

103 6 6
                                    

"Wala ka bang ibang plano?" I asked Aaron.

Nandito pa rin kami. Papalubog na ang araw pero wala pa akong balak na umuwi. Gusto ko pang magpahangin.

"Plano sa'n?" He asked back instead.

"Bukod sa ginagawa mo ngayon, wala ka ng ibang gustong gawin?"

"Meron naman."

Nilingon ko siya. Nakatingin lang siya sa'kin na para bang sinusubukan akong basahin.

"Like?"

"Gusto kong mag-aral ulit... kaso walang maiiwan kay Mama kaya kahit gustong gusto ko ng mag-aral ulit, saka na siguro. Alam mo, 'di baleng maiiwan ako basta mauna 'yong mga kapatid ko. Kaya ko kasing buhayin ang sarili ko pero sila, umaasa lang sa'kin."

Nakakapagod siguro 'yon. Sobrang laki talaga ng respeto ko sa kanya bilang tao. Ang laki ng sakripisyo niya.

"Minsan ba... gusto mo ng sumuko?" Tanong ko.

Nagpakawala siya ng mahanging ngiti at tinukod ang magkabilaang siko sa kanyang tuhod. Malayo ang kanyang tingin. Malungkot ang kanyang mata at kita naman sa kanya na pagod na siya.

"Kahit ngayon, Natasha... gustong gusto ko ng sumuko. Pero iniisip ko rin na kung suko na ako, paano sila? Kanino sila huhugot ng lakas kung mahina ako?"

"Pero 'di naman required na palagi kang matapang. Normal lang naman na napapagod tayo."

Nagpakawala siya ng mabigat na hininga at bahagyang umiling.

"Hindi ako puwede maging mahina, Natasha," aniya sabay sulyap sa'kin. "Kuya ako. Wala sa bokabularyo ko na sumuko o maging mahina."

"But in weakness, we find strength, Aaron. Ikaw na nga nagsabi sa'kin na kailangan kong matutunang tumayo sa sarili kong mga paa. Dapat ganoon din ang tinuturo mo sa mga kapatid mo para 'di rin sila puro asa sa'yo. Don't invalidate your feelings... your weaknesses. Dapat ina-acknowledge mo na you are vulnerable. Not all the time malakas ka. Kasi kung ganyan lagi ang mindset mo, masasagad ka. Mauubos ka. Magpahinga ka rin. Alagaan mo rin ang sarili mo. Unahin mo sarili mo kahit paminsan minsan. You know, you can't give something you don't have. You can't give love to others when you don't even have love for yourself. And yes, paano sila kapag ikaw na 'yong mahina? Nanghihina ka lang naman kasi 'di ka marunong magpahinga. 'Di masama ang magpahinga. Ang masama ay pipilitin mong maging malakas kahit ubos ka na."

There was a dead air between us. Gusto kong malaman niya na hindi nakakabawas ng pagkalalaki o pagkatao ang pagiging mahina. Sa pagiging mahina natin, nagkakaroon tayo ng pagkakataong malaman kung paano pa lumakas. We only become strong when we are weak. Hindi naman puwedeng idahilan na kuya siya kaya 'di siya puwede maging mahina. Tao rin siya! Kahit ako kung nasa sitwasyon niya, mapapagod din!

"Salamat, Natasha," he said and made a small smile. "Hindi ko alam anong sasabihin ko."

"You don't need to say anything naman. Gusto ko lang malaman mo na kahit ako, I appreciate your efforts for your family. Bilang nalang ang hindi selfish. Saka kung titignan ka ngayon ha? Sobrang dry mo. Literal."

Kumunot ang noo niya. Nagtataka.

"Anong dry?"

"Dry... tuyo. Like 'di mo nga inaalagaan ang sarili mo kaya natutuyo ka. Parang halaman lang 'yan na kung kulang sa aruga, namamatay."

"Kulang sa dilig," natatawa niyang sabi.

"Ha?"

"Wala," tumawa siya lalo. "Oo na nga po. Aalagaan ko na sarili ko."

Handang MaubosDonde viven las historias. Descúbrelo ahora