Kabanata 14

94 6 7
                                    

"Grabe! Ang daming gagawin!" reklamo ni Ara after our history subject got dismissed. It was Friday already and we had no schedule for tomorrow.

Tinawanan ko siya. "Well, welcome to college."

She groaned in frustration at halos sabunutan ang sarili.

"Alam mo? Gusto ko lang naman mag-aral pero bakit naman maraming pinapagawa?" 

"How will you learn if you won't challenge yourself to do harder things? Tara na. Uwi na tayo. May sundo ka ba?"

"Wala eh. Busy si Dexter. Future Doctor 'yan!"

"Mabuti naman may pangarap siya."

"'Yun pa ba? Sobrang dami! Halos gawin na niyang umaga ang gabi sa pag-aaral."

Napaisip ako. Naalala ko lang si Mama at ang pinagdaanan nila ni Papa.

"Nagplano na ba kayo ng future niyo?" I asked Ara out of nowhere.

"Normal naman na may plano kayo sa future."

"Like magkasama kayo? Ikakasal kayo?"

"Hmm... oo. Balak nga namin ng beach wedding eh. Tapos gusto ko kahit dalawa lang na anak. Ayoko ng isa lang. Malungkot 'yon. Tignan mo 'ko. Only child."

"Paano kung 'di matutuloy ang plano niyo? Like isa sa inyo ay magloloko?"

"Huwag mo namang usugin, Natasha."

Bumungisngis ako. "Malay natin, 'di ba? Sigurado ka na ba sa kanya?"

"Walang araw na hindi ako sigurado sa kanya, Natasha. Araw araw kong pinapanalangin na sana kami na talaga. I can't imagine my future without him. Siguradong sigurado na talaga ako sa kanya."

"Same din ba kayo? Sigurado na rin ba siya sa'yo?"

She sighed heavily. "Sa totoo lang, hindi naman natin hawak ang bukas e. Choice pa rin natin kung pipiliin natin ang isang tao na makasama ngayon at bukas."

"What if one day ayaw mo na sa kanya at hindi ka na sigurado?"

Nagkamot siya ng leeg niya.

"The best thing to do is to be honest with him, Natasha. Wala naman akong nililihim kay Dexter at ganoon din siya sa'kin. So if ever isang araw nagising nalang ako na hindi na ako sigurado sa kanya, pag-iisipan ko muna ng maraming beses. Babalik ako sa unang araw na nakilala ko siya at ang dahilan kung bakit ko siya minahal. Babalikan ko 'yong mga panahong naging masaya ako sa kanya at masasabi kong sigurado akong siya na 'yong gusto kong makasama sa pagtanda."

Nanahimik ako. Iniisip ko lang na halos pareha sila ng mindset ni Aaron pagdating sa ganitong bagay. Masasabi kong tunay nga silang nagmamahal.

"Bakit?" Ara asked, knocking me off from my trance.

"Ang swerte niyo siguro kasi nahanap niyo na 'yong taong tapat niyong minamahal. 'Yong walang halong pagdududa, takot o pangamba. Ang tapang lang siguro ng mga taong nagbubuwis ng puso para sa pag-ibig. Na handang magsakripisyo para sa taong mahal nila."

"There is no fear in love, Natasha. Oo, nandoon na 'yong walang kasiguraduhan pero kapag nagmamahal, buong puso kang nagtitiwala. You sacrifice for the sake of it."

I remained silent. If there's no fear in love, anong tawag sa mga taong takot sa commitment?

"Ikaw ba? Feeling ko gusto mo na si Aaron," she stated.

"Natatakot ako. Paano kung oo?"

She looked at me with pity. 'Di ko alam para saan iyon.

"May girlfriend siya, 'di ba?" She asked and I nodded. Nagkamot siya ng batok niya. "Mahirap 'yan, Natasha. Suicide 'yan."

Handang MaubosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon