Kabanata 13

100 8 5
                                    

"Ano bang problema?" I asked him, eyes in front. Ilang minuto na ang lumipas mula nang dumating ako.

"Nag-away kami ni Sheba. 'Di niya kasi maintindihan na ang dami kong ginagawa. Panay demand siya. Kung kaya ko lang pagsabayin, bakit hindi?"

"Ano bang ginagawa ni Sheba ngayon?"

"Nagtatrabaho rin."

Namatay ang hangin sa pagitan namin. 'Di ko alam anong sasabihin ko.

"Alam naman niya ang sitwasyon ko. Paulit-ulit kong pinapaliwanag sa kanya na busy ako sa raket. Binibigyan ko naman siya ng oras kung makakalugar ako. Sadyang 'di lang magkatugma ang oras namin. Minsan kung kailan bakante ako, siya naman ang busy. Minsan na nga lang magkausap, nag-aaway pa. Nakakapagod."

Nilingon ko siya. He was utterly frustrated.

"Hinga ka muna nang malalim. Pahupain mo muna 'yang inis mo," tantiyado kong sabi.

Sinunod niya ako. Ilang beses din siyang huminga nang malalim para magpakalma ng sarili.

"Alam ko namang 'di ako sapat. Pero ginagawa ko naman ang lahat. Inuuna ko naman sila."

"Gets ko naman na busy ka kasi ikaw nga ang tumataguyod sa pamilya mo. Valid naman 'yon. Dapat talaga iniintindi ka ni Sheba," sabi ko.

Honestly, I didn't know what did he want to hear from me. Ano bang alam ko rito?

"Bawi ka nalang sa susunod," pahabol ko. "Lumabas kayo kung pareho na kayo ng timing. Mahirap naman talaga na wala kayong komunikasyon. Mahalaga 'yon sa isang relasyon."

"Lagi niyang sinasabi na nakakasawa na 'yong set up namin. Parang wala raw pag-uusad."

"Eh sa lagay may kanya kanya kayong resposibilidad. Hindi naman puwedeng umiikot lang ang mundo sa inyong dalawa," matigas kong sabi.

Medyo nakakainis ang mindset ng babae. Kung nakikita niya lang ang sitwasyon ni Aaron ngayon, ewan ko nalang kung makakapagreklamo pa siya. Depende nalang sa gaano kakitid ang pag-iisip niya.

Tumawa nang mahina si Aaron. "Oh relax. Bumibilog lalo ilong mo," natatawa niyang pang-aasar.

"Loko!" natawa nalang din ako. "Pero ito ah? Umintindi nalang din siya. Kung ayaw niya ng ganitong set up, iwan ka niya! Maghanap siya ng lalaking always available for her. 'Yong lalaking tambay para maraming oras sa kanya. Swerte na nga niya kasi 'di ka nagloloko."

"Never akong nagloko sa kanya, Natasha. Alam niya 'yon. Kahit malayo ako sa kanya, 'di ako tumingin sa iba sa kung paano ko siya tignan."

"Edi... ang swerte niya pala."

"Mas swerte siguro ako. Siya lang ang nakakatiis sa'kin. Sinusuportahan niya rin ako. Ang kulang ko lang naman ay oras para sa kanya."

"Bakit? Ni minsan ba hindi siya nagkulang sa'yo?" matapang kong tanong.

"Maraming beses pero hindi naman pagkukulang ang tinitignan sa isang relasyon. 'Yon 'yong ano ang maibibigay niya kahit walang wala siya."

"Paano ba malalaman kung mahal mo ang isang tao?" I asked.

"Para sa'kin, mahal mo ang isang tao kung willing ka mag-sacrifice para sa kanila. Ako... naniniwala akong mahal ko si Sheba kasi kahit maraming rason na iwan siya, pinili kong umintindi at magpakumbaba. Inaayos ko kaagad ang away namin. 'Di ko siya pinapatulog na masama ang loob. Mahirap na baka paggising niya marealize niyang ayaw na niya."

"Pero what if mas lamang na 'yong sakit kesa sa saya?"

"Ano ba rason mo sa pakikipagrelasyon? Ano hanap mo? Saya lang ba? 'Yong sakit, kakambal na 'yan ng saya. Pero kung lamang na 'yong sakit, kailangan mong pag-isipan 'yan. Kung sa'kin 'yan, uubusin ko muna sarili ko bago tuluyang sumuko. Ako kasi 'yong tipo ng tao na 'di basta basta sumusuko hangga't kaya pa. Ayokong may pinagsisisihan."

"Paano kung 'yong partner mo naman ang ayaw na talaga?"

"Wala na akong magagawa diyan. Nasa kanya pa rin naman 'yon. Basta ako nagtiis muna. Pinaglaban ko siya bago ko siya binitawan."

Nanahimik ako. Blanko lang ang isip. Pinaglaruan ko ang maliliit na bato sa paanan ko.

"Gabi na, Jackstone. Baka hinahanap ka na sa inyo," he said.

"Yeah, I guess. 'Di pa naman ako nagpaalam."

"Hala ka?" He laughed. "Sige na. Hatid na kita sa inyo-"

"Hindi na. Ayos lang ako." Tinanaw ko siya.

"Hindi puwede. Pumunta ka rito dahil sa'kin kaya iuuwi kita sa inyo para masigurong ligtas ka. Baka isipin nilang tinangay kita." Bumungisngis siya.

"Sige," tipid kong sagot.

We walked back to my house. Tahimik lang ako. Hindi ko alam bakit ang bigat na naman ng dibdib ko. Isa lang ang sigurado ako. Swerte si Sheba kasi may Aaron siya. Siya lang 'tong may saltik kasi 'di makaintindi na busy si Aaron sa sarili niyang buhay. Pero 'di ko rin naman siya masisisi. Baka kailangan niya talaga si Aaron tapos wala siyang nakuhang support from her boyfriend kaya nagrereklamo siya. I didn't know her well. Baka may pinagdadaanan din siya.

"Salamat sa paghatid," I told Aaron as soon as we reached the porch light of my house.

Aaron smiled. "Thank you din kasi nakinig ka sa drama ko. 'Di ko alam paano kumalma kanina. Buti nalang dumating ka kahit 'di ko naman sinabi."

"Wala 'yon. Alangan namang hayaan lang din kita, 'di ba? Malay ko ba kung anong kaya mong gawin sa sarili mo. Last time kasi pinagsusuntok mo 'yong kahoy malapit sa inyo."

Nakita ko ang ibang side ni Aaron sa gabing iyon. Sobra akong nawindang. Nadatnan ko siyang pinagsusuntok ang manggang kahoy. Kawawa naman 'yong kahoy walang kalaban laban. Tapos nagkaroon ng sugat sugat 'yong kamao ni Aaron. Ewan ko lang kung napuna ba 'yon ng pamilya niya.

Natawa si Aaron. "Sobrang galit ako noong panahong 'yon. Gustong makipaghiwalay ni Sheba kasi nagsasawa na daw siya. Mas mabuti pa raw maghiwalay na kami kesa sa kami pero 'di niya ramdam."

"Gumaling na ba 'yong sugat mo?"

"Oo. Ilang linggo na rin naman mula nang nangyari 'yon."

"Ganu'n ka talaga kapag nagagalit, 'no? Sinasaktan mo sarili mo?"

"Gusto ko lang ilabas 'yong sama ng loob ko. Wala naman din akong mapagsabihan kasi wala namang nakakaintindi sa'kin."

Mas lalo akong naawa sa kanya. Siya 'yong laging umiintindi pero kung siya naman 'yong kailangan ng iintindi sa kanya, wala naman siyang maaasahan. Ang hirap naman ng sitwasyon niya.

"Alam mo ba kapag nago-open up ako kay Sheba? Sa huli ako pa 'yong sinisisi niya. Siya pa 'yong galit."

"Grabe naman 'yon," komento ko.

"Oo nga," he laughed softly. "Kaya ayokong may pinagsasabihan. Nagiging kaaway ko sila sa huli."

I looked deep into his eyes. He looked tired. Halata naman sa kanya. Ang itim at ang lalim ng mata niya. He had a dry skin and messy hair. Para siyang bangkay na biglang nabuhay.

"Pahinga ka rin, ha? Huwag mong abusuhin sarili mo. Look at yourself. You look tired," untag ko.

"Wala e. Gan'un talaga ang buhay. Kahit gusto kong magpahinga, 'di naman puwede kasi sino nalang ang aasahan nila Mama kung wala ako?"

"Oo naman pero huwag mong pabayaan ang sarili mo. Paano ka makakapag-alaga ng ibang tao kung mismong sarili mo 'di mo iniingatan?"

He pinched my nose and laughed annoyingly.

"Ayos lang ako, Jackstone. Ikaw din. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Marami ka pang pangarap at sana maabot mo lahat ng 'yon."

Nakapirmi lang ang tingin ko sa kanya. I had the urge to hug him. Kung puwede lang. Kung kaya ko lang tanggalin 'yong bigat sa dibdib niya, gagawin ko. But this is the safest and easiest sacrifice that I could do: to be someone who'll always be there during his darkest and heaviest hour. Ayokong maramdaman niyang nag-iisa siya. Ayokong maramdaman niyang galit sa kanya ang lahat. Na 'di siya naiintindihan ninuman. Dahil 'di 'yon totoo. I'll be here for him no matter what; without asking something in return.

Handang MaubosWhere stories live. Discover now