Kabanata 35

143 3 0
                                    

"Ang tanga ko ba?" biglang tanong ni Aaron.

Nasa taas kami ngayon. Sabi ko kasi sa kanya na kung may ikukwento siya, available ako buong araw. He suggested here since we always go here. Saksi ang damuhan sa kung paano ko sila pinagdiskitahan dahil sa iba't ibang rason.

"In which part?" I asked back.

"Kasi tinanggap ko ulit si Sheba kahit alam kong mauulit lang 'yong dati."

"Kung mahal mo naman, maraming rason para patawarin at tanggapin ulit ang isang tao. Pero sa totoo lang, ikaw 'yong kawawa. 'Yan bang klase ng babae ang gusto mong makasama habambuhay?"

Bumuntong hininga siya.

"Iba rin kasi si Sheba, eh. Alam mo anong attractive sa kanya? Mapagbigay siya. Never siyang nagdamot sa'kin at sa pamilya niya. Para siyang si Mama na lahat binibigay kahit walang matira sa kanya. Doon ko napagtantong kapag mapangasawa ko 'tong babaeng 'to, sure akong hindi magkukulang ang mga anak namin kasi si Sheba pa lang, sobra na magbigay."

Namatay ang hangin sa paligid. Nag-isip ako ng puwede kong isagot.

"Okay naman pala siya. Siguro sa ugali lang?" sabi ko.

"Mainitin kasi talaga ulo niya. Pero sanay na ako eh. Madali lang din naman siyang suyuin."

"Paano?" kuryoso kong tanong.

"Edi bigyan mo ng pagkain tapos lambingin mo. Okay na kayo."

"Ano 'yong worse niyong away?"

"Hmm..." he hummed as he thought of an answer. "Siguro noong nakalimutan ko ang second anniversary namin. Busy kasi talaga ako."

"Siguro nakakatakot ka magalit,"

"Ha? Bakit naman?" natawa siya.

"Siyempre lalaki ka."

"Ano naman? Si Sheba ang mas lamang sa aming dalawa."

"Eh? Like?"

"Basta," he shrugged. "Siya lagi ang nasusunod sa aming dalawa."

"Dominant nga siya?"

"Hindi rin. Siguro kasi mas okay na siya ang mag-decide para sa amin. Saka maliit na bagay lang 'yon."

"Kahit na," giit ko. "Dapat lalaki ang nagdadala ng relasyon. Sabi nila mas nahahandle ng lalaki ang relasyon kesa sa babae."

"Wala sa gender 'yan. Maniwala ka. Bigayan lang 'yan. Walang lamangan."

"Pero mas lamang si Sheba sa'yo. Ang gulo  mo alam mo 'yon?" 

Natawa kami pareho. Magulo siya minsan kausap pero gets ko pa rin siya.

"Ikaw? Kailan mo balak magkaboyfriend?" tanong niya.

"Huh? Required ba sa isang tao na may karelasyon?"

"Hindi naman pero maganda rin namang may karamay at kasalo ka sa lahat ng bagay."

"Tss. Hindi 'yan. Si Papa lang ang gusto kong makasama. Saka wala naman akong alam sa pag-ibig."

"Wala ka bang nagugustuhan?"

"Hmm..."

Gusto ko sanang mag-joke na siya 'yong gusto ko kaso 'wag nalang. Baka awkward na after.

"Wala namang interesting na tao. Saka okay na ako sa kaibigan. Ikaw, si Kiko at si Betty. Pati sila Jaed."

"Eh paano kung may gustong manligaw sa'yo?"

"Sus wala 'yan. Imposible."

He chuckled at my statement.

"Walang imposible ngayon, Jackstone. Pero ingat ingat din. Ipaharap mo muna sa akin kung sino man ang mangahas na manligaw sa'yo."

Handang MaubosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon