Kabanata 20

121 7 4
                                    

Pagkalabas ko mula sa kwarto ni Nanay, kinausap niya ako kasama si Tatay Kenneth. Tahimik lang ako at kita naman sa mukha ng mag-asawa na may mabigat silang dinadala.

"Ayos ka lang ba, Natasha?" mahinahong tanong ni Nanay Gabbi. Her eyes spoke pity.

Humigit ako ng malalim na hininga.

"'Di ko po alam, Nay. Ang hirap..."

Nagsimulang mamuo ang luha sa mata ko. Pinipilit ko nalang maging malakas para kay Papa.

"Tatagan mo lang ang loob mo, 'nak. Gagaling din ang Papa mo."

"Ano raw sabi ni Mama? Uuwi kaya siya?"

Sinabihan nila si Mama tungkol sa kalagayan ni Papa. Hindi ako ang kumausap dahil lagi akong wala sa bahay o kaya naman abala ako kay Papa. 

"Hindi, 'nak. Alam mo namang 'di basta basta uuwi 'yon."

I looked down. Bigla akong nakaramdam ng awa sa sarili ko. This was merely the reason why I can't lose my father. Oo, nandiyan sila Nanay at Tatay pero iba pa rin ang pag-ibig na meron si Papa sa akin.

"Gagaling pa kaya si Papa?" I asked. Nag-angat ako ng tingin sa kanila.

"Oo naman. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Kita mo namang lumalaban ang Papa mo 'di ba?"

"Hanggang kailan kaya siyang ganyan? Naaawa na ako kay Papa. Bakit siya pa? Bakit hindi nalang 'yong iba?"

"Hindi natin alam, Natasha, pero kailanman huwag mong isisi sa Diyos ang nangyayari sa Papa mo."

"Bakit ayaw Niya akong pakinggan? Bakit ayaw Niyang pagalingin si Papa? Deserved ba ni Papa 'to?"

"Shsh," alo ni Nanay at niyakap ako. 

Bumuhos ang luha ko. Nanghina ako. Gusto kong magalit. Gusto kong malaman kung bakit hinahayaan Niyang mangyari 'to kay Papa. Gusto kong malaman kung ano ang ginawa ni Papa para parusahan siya nang ganito. He let my parents separate and now He's taking away my father from me? Ang unfair!

Few days passed, nabubuhay nalang ako para kay Papa. Sa kaniya nalang umiikot ang mundo ko. Pinabayaan ko ang pag-aaral ko para makapag-focus kay Papa. Sa gabi, tumatabi ako sa kanya para kung sakaling may masakit sa kanya, nandoon kaagad ako.

Madaling araw nang nagising ako dahil sa daing ni Papa. Ginising ko kaagad sila Nanay at Tatay para tulungan ako. We rushed Papa to the nearest hospital. We called an ambulance and after 30 minutes saka lang dumating. Pinahiga nila si Papa sa stretcher saka pinasok sa loob ng sasakyan. Sumunod naman ako at ang mag-asawa.

Sa unang hospital, 'di kami tinanggap dahil kulang daw sila sa equipments at wala ring available na emergency room. Kaya napilitan kaming maghanap ng ibang hospital.

"Naku, Misis. Sa ibang hospital nalang po kayo," ani isang nurse nang makita ang kalagayan ni Papa.

"Bakit po? 'Di niyo ba nakikita ang kalagayan ng Papa ko?" I blurted out. 

"Sa iba nalang po kayo. Wala po kaming available na room."

Nagkatinginan kami ni Nanay. Sumiklab ang galit sa dibdib ko. Huminga ako nang malalim at tumango kay Nanay. We had no choice but to transfer to another hospital.

Halos libutin namin ang buong QC para lang makahanap ng hospital na tatanggap kay Papa. Naaawa ako kay Papa at nagagalit sa mga taong tumatanggi sa amin.

"Dito tayo. Baka may available na silang room," ani driver ng ambulansya.

Pumarke kami sa tapat ng hospital. Bumaba kaagad ang driver para pagbuksan kami. Bumaling ako kay Papa at hinawakan ang kanyang dalawang kamay.

Handang MaubosWhere stories live. Discover now